SAME COLOUR.. Ayesha's POV...... Nanginginig pa rin ako sa galit nang makabalik sa loob ng campus. Bwisit talagang Nikki yon. Di lang si Noah ang inagaw nito, maging si Jarred na syang pinaka mamahal ko. Bakit ganon ang nangyari? Akala ko wala nang pakialam si Jarred dito. Lalo na at nakikita kong iniiwasan na nya ang babaeng yon pero mali ako. May hindi ako nalaman. Palpak ang taong inutusan kong sumubaybay kay Nikki. Masyado akong nagtiwala sa galing nyang magmanman. "A-ayesha pinapatawag mo daw ako. " Tiim ang bagang na humarap ako sa babaeng bagong dating. Pagkakita ko palang sa kanya ay agad kumulo ang dugo ko. Kaya di ko napigilang sampalin sya. "A-ayesha?.... " nabigla ito sa ginawa ko .nagsimulang mapaiyak ang babae. "Boba, akala koba wala nang pakialam sa kanya si Jarr

