IN LOVE.... Nikki's POV.... Tila sasabog ang dibdib ko sa sama ng loob. Pero pinili ko ang manahimik nalang. Maging ang mga kaibigan ko ay tila naging pipi dahil sa nangyari. Si Imarie ay di malaman kung paano pagagaanin ang loob ko. Buong klase ay tahimik lang kami. "Buti nga sayo, kala mo ganon kabilis makuha si master Jarred? Ano ka ngayon? Isang g**o pa ang pasukin mo talsik ka na dito" Iyon ang sabi pa nila Julliene sa akin nang matapos ang klase. Si Imarie ay nagpupuyos na di naman makasabat dahil alam nyang may banta na sa akin pag nagkagulo pa at kasali ako. Sinenyasan ko nalang sya na wag ng patulan. Bumuntong hininga nalang sya sa inis. Malungkot kaming naglakad pauwi ng dorm kasunod ang tahimik ding si Trina. "Bff, anong gagawin natin?, bakit naman ganon si Master Jarr

