PROLOGUE

423 Words
NICOLE'S DREAM..... Nararamdaman ko ang mahigpit nyang paghawak sa kamay ko habang kami ay tumatakbo sa madilim na talahiban, pareho na kaming pagod pero patuloy pa rin ang aming pagtakbo.. Palingon- lingon ako sa pinanggalingan namin pero dilim lang ang tangi kong nakikita. Nang tingnan ko ang kahawak kamay kong tumakbo ay di ko rin maaninag ang mukha nya dahil sa dilim. Wala akong nararamdaman ng mga sandaling yon kundi takot na mahabol kami ng kung sino mang humahabol samin. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa isang kweba. Di ko akalain na sa gitna ng talahiban ay may kweba palang nagkukubli sa matataas na d**o. Hawak pa rin nya ang aking kamay nang pasukin namin ang kweba. Wari ay gamay na gamay niya ang loob nito. Siguro madalas nya yun puntahan kaya alam na nya ang  daan papasok . Walang salitang namagitan samin nang lakarin namin papasok ang kweba. " ligtas kana! " yun ang salitang sinabi nya ng makarating kami sa dulo at maupo sa malaking bato don.  Pilit kong inaaninag ang mukha ng aking tagapag- ligtas pero sobrang dilim talaga ng kweba. Kilala ko ang tinig nya. Alam ko sa sarili ko na kilala ko ang taong nagligtas sakin. Isa itong lalaki at bata ring katulad ko. " sino ka? bakit mo ko iniligtas?,  bakit moko tinutulungan? " tanong ko sa kanya. Nakatingin ako sa gawi nya kahit anino lang ang nakikita ko. Alam kong nakatingin din sya sakin. Dinig ko ang kanyang buntong hininga. " dapat nga ay magpasalamat ka sakin,  kung di kita iniligtas malamang na patay kana ngayon" " di ko lang maintindihan kung bakit mo ito ginagawa" " sa darating na panahon ay maiintindihan mo rin ang lahat, kung sino ako,  kung bakit kita iniligtas,  kung bakit ko ginagawa to " tila may naaaninag akong lungkot sa boses nya. Muli kong naramdaman ang pagnanais na makilala sya. Na makita ang mukha ng aking tagapag ligtas kaya tumayo ako at lumapit sa kanya. Naramdaman kong na tense sya ng magkalapit kami. Pilit kong kinapa sa dilim ang muka nya. Hindi sya kumilos ng haplusin ko ang mukha nya. Pilit kong kinikilala ang kurba ng kanyang ilong kilay mata at labi.  " kilala kita, " " sa wakas ay nakilala mo rin ako,  yun lang ang importante sa'kin mahal na prinsesa!  " Nanlaki ang aking mga mata ng marinig ang sinabi nya. Di ako makapaniwala,  bakit?  Paano?  Iisang tao lang ang tumatawag sakin ng ganon.  MAHAL NA PRINSESA!!!!  sya lang ang taong yun.  Alam ko ng sya yun.... " ikaw? "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD