IN THE ARMS OF JARRED EVAÑEZ..... Nikki's POV... Palingon-lingon ako habang mabilis ang paglalakad palayo sa dormitoryo .sa gitna ng gabi ay tinungo ko ang campus building. Alam kong nasa roof top lang si Jarred .kahit iniisip ko din na baka nasa dorm na ito. Hindi ko naman alam kung sa dorm nga ang silid nya dhil sa roof top ko lang sya madalas makitang naglalagi. Nakahinga ako ng maluwag ng makarating sa campus building ng walang nakakita sa akin. Sabagay ay halos magmukhang ghost town ang paligid ng school . pero naka lock ang main door ng building. Kahit ang gate na bakal sa likod ay naka-lock na rin. Nagisip ako..... Tiyak na may iba pang daan tungo sa roof top bukod sa main door niyon. Hmmmmm Sinanay ko ang mga mata sa dilim ng gumawi ako sa parteng walang liwanag .nangangapa

