Cait Namimiss ko na yung Mommy ko at ang dalawa kong kapatid sa probinsya. Kaya naman plano kong umuwi sa Olongapo sa darating na sem break. "Mommy okay lang po ako dito." Sambit ko sa aking ina sakabilang linya. Nasa apartment ako ng tumawag siya. Namimiss niya na raw ako. Ganun din naman ako. Namimiss ko na silang lahat. Nakakamiss rin ang lugar namin. Mas payapa at tahimik kesa dito sa Maynila. Yun nga lang mas maraming tsismoso't tsismosa doon na walang magawa sa buhay. "Mag-iingat ka palagi dyan anak." Sambit ni Mommy. "Nainom ka ba ng vitamins mo? Huwag mong kalimutang inumin yun nak." "Opo mommy araw-araw po kaya wala po kayong dapat ipag-alala. Mag-iingat rin po kayo dyan." Sambit ko kay Monmy. "Kumusta ang pag-aaral mo, nak?" Tanong ni Mommy. "Okay naman po Mommy. So far, wa

