Masiglang sinalubong ni Laura ang kanilang bisita, halos hindi siya makapaniwala na makikita niya muli ang kaibigan. "Lueren! Salamat at nagkita tayo muli"naiiyak na sabi ni Laura sa kaibigan saka niyakap ito "Ako din Laura, nasasabik akong makita ka"naluluhang wika ni Lueren at niyakap din ng mahigpit ang kaibigan na matagal ng hindi nakikita "Laura papasokin mo muna si Lueren at ang kasama niya" saway ni Pedring "Pasensiya na at naging emotional ako, pasok kayo, Pedring tawagin mo si Wenna" sabi niya at saka iginiya sila sa may salas Habang tinawag ni Pedring si Wenna ay pinaupo ni Laura sila Hindi nagtagal at agad na bumaba sa salas Niyakap ni Wenna si Lueren at binati si Uncle Kim niya. "Maupo po kayo Mama, Uncle" sabi ni Wenna saka tinulongan si Laura na inilabas ang meryend

