"Good evening Manang, si Ate Jasmin ho?" nakangiting bati nila sa matandang babae "Ay kayo pala mga iha, pasok kayo" at binuksan ng maluwag ng babae ang pintoan para makapasok sila sa salas "nasa veranda siya kausap si Ate Sarah niyo." "Salamat po Manang"wika ni Gwen Mula sa salas dumiretso sila ni Gwen sa veranda, ngunit ng makalaapit na sila ay napakunot ang noo nila pareho nang marinig nila ang malakas na boses ni ate Jasmin. Nakita nilang pinagsasabihan nito si Sarah, nakatayo ito samantalang nakaupo si Sarah sa isang rocking chair nakayuko at tumutulo ang luha, nasa di kalayoan din si Martin na nakikinig lamang "What? Oh my goodness! what have you both done this time! Anong iniisip mo ha Sarah! You cheated on him at sa dami-dami ng ng lalaki na pwede ma-involve sayo bakit si S

