CHAPTER 2

1013 Words
"Labanos! Nakikinig ka ba ha!" inis na sabi ni Gwen sa kaibigan. Kanina pa siya nagsasalita eh para wala man lang itong narinig "ano ba iyang pinagkaka-abalahan mo ha? Don't tell me ang sss posts na naman ni Nero ang tinitignan mo " wear na tanong niya dito, kanina pa ito tipa ng tipa ng cell phone Sa inis ni Gwen sa kaibigan eh hinablot niya ang cp nito at tinignan kung ano ang nandoon na umaagaw ng pansin ng kaibigan niya. May kutob siya kasing may kinalaman ito kay Nero. At hindi nga siya nagkamali dahil mga stolen pictures pala ni Nero ang tinitignan nito "hoy Negra! ibalik mo iyan cp ko" inis na sabi Ni Wenna sa kanya. "Sinasabi ko na nga ba!" Tuksong sabi niya sa kaibigan "hoy Labanos tumigil tigil na ha sa ka tatawag sa aking ng Negra ah, FYI Morena ako..hindi negra I'm a pure blooded Filipina, ang aking dugo at kutis ay maharlika" itinirik nito ang mata at tumawa "Oo alam ko kaya nga tinatawag kitang Negra,eh negritos ang ancestor mo" seryosong sabi nito. "Abay makapagsalita ka eh para hindi ka Filipino! Labanos isang Koreano lang ang ama mo kaya nagmana ka doon pero isang pinay din ang ina mo kaya negritos din ang ancestor mo" may himig na galit ang tinig ng kaibigan "oh eto na ang cp mo" sabay balik sa kanya ng cellphone "makapagsalita parang ang itim itim ko na" nakasimangot na sabi niya sa kaibigan, may himig na hinanakit sa boses nito. Agad na nilapitan ni Wenna ang kaibigan at niyakap ito "sorry, binibiro ka lang eh" "Sus! maka okray ka kasi sa akin eh gravelicious!" pakunwaring galit nito sa kanya "Ikaw naman kasi sinisira mo ang moment ko eh" nakangusong sabi niya habang pinagmamasdan na naman any picture ni Nero sa kanyang cellphone. "but seriously speaking makinig ka labanos, malapit na a ng exam natin eh parang wala lang sayo, imbes stalk ng stalk kay diyan sa dream boy mo eh mag effort ka naman makinig sa akin, turuan mo naman ako sa cost accounting, sumasakit na ang utak ko eh" pakiusap ng kaibigan "Oh nugay na sungod da, sige na tudluan tana ka! (oh wag ka nang magtampon diyan, tuturoan na kita)" nakangiting sabi niya. "Mag shift na kaya ako Wengay, kasi para mabibiyak na ang ulo ko sa course natin, mag Culinary nalang kaya ako, ano say mo? Magagalit kaya sila Kuya Owen sa akin" "Hindi ko alam Gwen, kung talagang hindi mo kaya wag mong pilitin, sayang lang kasi nasa third year na tayo, saka malulungkot ako dahil mababawasan ang ating bonding" taimtim na sabi niya kay Gwen "pag-isipan mong mabuti Gwen, kung mag shift ka naman alam kung mauunawaan ka nila Kuya Owen at Ate Hera, hindi makitid ang mga utak nila" "Oo alam ko sa totoo lang nagpapasalamat ako sa kanila dahil simula sapol ay hindi nila ako pinabayaan, si Ate Hera ay halos itinuring na akong kapatid, ganun din si Kuya Owen. Nakakatawa di ba, napakayaman nila but they're both kind hearted people hindi tulad ni Nero, kung tignan niya tayo para may nakakadiring sakit tayo" malungkot na pahayag ng kaibigan "kaya nagtataka ako sayo kung ano ba ang nakita mo sa lalaking iyon na mag head over hills ka sa kanya" "Hindi ko din alam pero sa tuwing nakikita ko nagdidiwang sa saya ang aking puso, alam mo iyong tumitibok ito ng malakas, believe me Gwendolyn, iba ang Nero na nakilala ko at minahal sa Nero na nakikita mo ngayon, hindi ko alam kong anong nangyari pero bigla na siyang nag iba nang mag graduate kami, kaya pilitin ko mang pigilin ang aking nararamdaman eh hindi ko na magawa, my heart chooses him and him alone." madibdiban niyang sabi Nagkibit balikat nalang si Gwendolyn sa kanyang sinabi, sa tono ng salita nito ay wala na siyang magawa kundi suportahan ang kaibigan. Ni minsan hindi niya pa naranasan ang umibig kaya wala siyang karapatan na husgahan ito. Ginugol nila dalawa ang pag review para sa nalalapit na mid term exam nila, sa totoo lang mahirap man sila pero hindi naman sila nahuhuli sa gadgets, super generous at super supportive ang kanilang ate Hera sa manila ng dalawa, may kanya-kanya silang laptop ni Wenna at unlimited Internet connection. Everything they need is all provided and taking care of, nahihiya na nga sila sa kanilang benefactor dahil para tunay na kapatid ang turing sa kanila hindi isang scholar lamang. Pagkatapos nilang mag review eh nagsimula na maghanda ng kanilang iluluto, rotation silang dalawa sa kusina pero mas gusto ni Wenna na si Gwendolyn ang magluto dahil napakasarap nitong magluto. Kakatapos lang nila ni Wenna kumain, hipo-hipo pa nito ang tiyan, sa sarap ng niluto ni Gwen eh halos nasimot nilang dalawa ang kanin "Dapat nga talaga culinary nalang ang course mo or Hotel and Restaurant Management, ang sarap mo kasing magluto parang luto ni Ate Hera at ate Sarah" nakangiting sabi ni Wenna sa kaibigan, habang nililigpit ang kanilang pinagkainan "Ay binola pa ako! Labanos gusto mo lang atang mag eskapo sa kusina eh, masarap ka naman magluto ah"wika nito "hindi nga kasing sarap ng luto ko pero pasado na din" nakangiting sagot ng kaibigan niya. "Ipagdiinan talaga ha!" sabi nito at sabay silang tumawa. Halos napuno ng kanilang galak ang kalooban ng kusina. Masaya si Wenna na magkasama sila ni Gwen, hindi niya ata kakayanin mabuhay mag-isa sa kalakhang maynila. Bumalik ang kanyang kinagisnang magulang sa Bacolod City, kahit anong pigil ni Tito Blake niya sa mga ito eh umuwi parin sila, Hindi daw nila kayang mabuhay sa maingay at masalimoot na buhay manila. Kaya kahit mahirap man eh pinayagan at hinayaan nalang sila nina Tito Blake na umuwi sa Bacolod, at dahil napalaki ng mansion para tirahan nila eh ibinigay sa kanila ni Ate Hera nila ang condo nito, mas malapit ito sa Sebastian University na pinapasokan nila Sebastian University is a international school na kung saan ang mga nag-aaral dito ay mula sa ibat-ibang bansa at iibat-ibang mayayaman na angkan, dito din nag aral si Ate Daphne nila. Bakit sila nag pa enroll dito, simple lang ito ang napiling school ni Nero kaya ito din ang pinili niya. Follow your heart ika nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD