Halos nahulog ang kanyang puso sa gulat nang marinig ang tumunog niyang phone, nagising siya hindi sa lakas ng tunog nito kundi sa tunog, napakapa siya sa kanyang dibdib na may galak , sa wakas tumawag din ang taong halos laman ng kanyang isipan nitong nakaraang araw, natitiyak niya na siya ito, hindi siya pwedeng magkamali, nag iisa lang ang nag mamay-ari ng tunog na iyon, at kahit nakapikit pa ang kanyang mata alam niya kung sino iyon "Hello, great! buti tumawag ka!" sarkastikong sabi niya sa caller pero may kaba sa kanyang dibdib "buhay kapa pala!" dagdag pa niya, may bahid na inis lang kanyang boses at nahalata iyon ng kanyang kausap Isang mahinang tawa ang kanyang narinig mula sa kabilang linya, ang tawang matagal niya ng di naririnig kaya napangiti siya ng di sadya "Ang ag

