Noong 7 taong gulang si Cindy , 2 araw bago lumipad ang kanyang ama papuntang Dubai para magtrabaho ay nagtanong si Cindy sa kanyang ama
“Tay…mahal po ba ako ni nanay?”
Bakit mo naman natanung yan? -pag aalalang tanung ng kanyang tatay
Pero tahimik lamang si Cindy- na naghihintay ng sagot
Napabuntong hininga ang kanyang ama at hinawakan ng mahigpit ng kanyang dalawang kamay.
ang balikat ni Cindy at ngumiti
“ Syempre naman… mahal ka ng nanay… minsan lang kasi masakit ulo niya at irritable siya sa ilang bagay.
Ikaw na ang umintindi hah. ?
Eto nalang ang tandaan mo …. Mahal na mahal ka ni tatay okay?
Pagbutihan mo pag-aaral mo…
Bibilhin ko mga gusto mo “
Opo- tugon ni Cindy na may pilit na ngiti
At saka siya niyakap ng kanyang ama
“ UYYYYYYY”
“HAH?”
Natulala ka na naman diyan halika na mag-start na ang klase…. Di k aba excited sa mga bagong transferee? Hihihi
-ganadong sinabi ni Mariel
Oo na eto na- Cindy
SECOND YEAR SECTION 3
Sa pagpasok ni Cindy sa room ay natulala ito sa nakita na tila di makapaniwala
“ANDREW?”