Kevin POV " Mahal." Masigla at tila kumikinang ang mga mata nito ng makita ako nito mula sa entrance ng coffee shop kung saan gusto niya ako makausap. Hindi ko gusto patulan ang lahat ng kalokohan ng babaeng to pero hindi ko alam kung bakit nagpunta pa rin ako dito. " What do you want?" Blangko ang tingin saad ko. Nababakas sa boses ko na hindi ko ito gustong makita o makausap man lang. Ayoko bigyan siya ng pagasa sa bagay na di ko kayang ibigay sa kanya. " I want you-." " Yun lang ba ang sasabihin mo?" Putol ko sa nais pa nitong idugtong. Ipinapahiwatig na wala akong interest sa lahat ng sasabihin nito. " Kevin di mo na ba ako mahal?" Bagkus ay saad nito. Nakakaloko at sarcastic ako nguniti dito. " I never love you, Arinne-." Ang kanina maamo at tila nagmamakaawa itsura ng muk

