CHAPTER 5

1971 Words
Walang tigil sa pagtulo ang luha ko, habang nararamdaman ko ang labis na pagkasawi. "Bakit kailangan makita ko pa iyun? Bakit kailangan hayaan ng dyos na makita ko ang tagpong iyun? Ang tagpong sobrang kinadurog ko, ng puso ko." Sari sari ang laman ng isip ko, isa na dun ang tagpong nakita ko sa pagitan ni Kevin at... At ng babaeng tunay na laman ng puso nito. "Rachell umuwe na tayo, ihahatid na kita lasing ka na e." naagaw ni Franz ang pang limang bote ng alak na dapat ay iinumin ko sana at muling lalagukin. Ilang beses na ako nitong pinipigilan ng makarami na ako sa pag inom ng alak at ilang beses rin akong hindi nag papigil rito at itinuloy ko lamang ang pag inom at pag order pa muli ng alak maalis lang ang sama ng loob at sakit na nararamdaman ko. "Hindi pa ako lashing." naliliyong sagot ko rito habang dinuro ng daliri ang mukha nito na napaka labo na sa paningin ko at saka akmang aagawin kong muli ang bote ng alak na halos nakalahate ko na kakatungga. "Rachell! Isa! lasing ka na!" muli nitong inilayo kagad ang bote sa akin ng akma ko itong kukunin mula sa kamay nito. Masamang tinignan ko ito pero napayuko lang rin ako ng maramdaman ko ang hilo dala ng alak na iniinom ko kanina pa. Heto ang unang beses na uminom ako ng alak dahil lang nasaktan ako ng todo sa lalaking umasa akong ngayon kasal na kami ay mamahalin din ako, pero nag kamali ako dahil kahit anong gawin ko hindi ko mapapalitan ang babaeng una at baka huli nang babaeng mag papatibok ng puso ng lalaking iyon, ni Kevin. Gusto kong mag wala sa sakit na nararamdaman ko, gusto kong sumbatan si Kevin pero anong magagawa ko? Kahit naman anong gawin ko walang mangyayari e, kahit ipaglaban ko ang karapatan ko, wala pa rin akong laban. Pinili lang akong pakasalan pero hindi ako ang piniling mahalin ng puso ni Kevin. Pero kasalanan ko naman kung bakit naging ganito ito, kung bakit ganito katindi ang sakit na nararamdaman ko e. Bakit ba kasi pinipilit ko ang bagay na hindi naman pwede? Tama nga ang kasabihan na hindi natuturuan ang pusong magmahal ng iba at ang tunay na minamahal lamang nito ang paulit ulit na mamahalin nito kahit pa mawalay o malayo man ang pinag-alayan niya ng sariling puso. "Anong hindi ka pa lasing? lasing ka na Rachell, tignan mo bagsak ka na, kulang na nga lang ay bumulagta ka sa sahig sa sobrang kalasingan. Kaya iuuwe na kita." saad pa nito sa nakukumsuming tono ng boses nito at saka ako akmang tutulungan sa pagtayo ng walang ano-ano ay tumayo ako at piniglas ang hawak nito sa braso ko. "Shandali!" pigil ko pa dito. Bakas sa boses ko ang kalasingan pero inalalayan parin ako nito at hindi nagpa-apekto sa pagpiglas ko rito at marahan akong hinila at inalalayan paalis sa bar na kinaroroonan namin, ni hindi ko nga alam ang pangalan ng bar na ito o kung saan lupalop ng pilipinas ang bar na ito, basta sumama nalang ako kay Franz. May tiwala naman kasi ako sa kaibigan ko, alam kong hindi niya ako dadalhin sa lugar kung saan maaari akong mapahamak kaya go lang, sumama ako at hinayaan ito siguro dahil na din sa sakit nararamdaman ko kaya naisipan kong uminom at mag pakalunod na rin sa alak. Ganito pala kasakit pag nabigo ka sa pag ibig lalo na kung ito ang unang heartbreak mo, ang unang pagkawasak ng puso mo. Inaamin ko manang-manang ako noon, malalaki at mahahabang palda at blouse ang suot ko noon kasama na ang napakagulo at walang kasuklaysuklay na buhok ko noon pero nag bago ako, binago ko ang sarili ko para lang magustuhan niya ako. Kasi alam kong yun yung tipo niya, yung maganda, tapos sexy pa, pero bakit ganun maganda na ako at sexy pero hanggang ngayon para pa din akong hangin para sa kanya. Bakit hindi makita ni Kevin ang tunay na halaga ko? Para akong bula na panandalian niyang hahangaan at hahabulin ng tingin pero pag nag laho na sa ibang bagay na nakatutok ang buong atensyon niya at napaka sakit nun sa akin bilang isang babae kasi pagdating kay Arinne hindi na umaalis pa ang paningin niya at hindi na ito titingin pa sa iba. Ang sakit nun pero wala naman sigurong babae na gugustuhin na maging ganun ang trato sa kanila ng lalaking mamahalin nila. Ang susulyapin lang matapos mapandalian hangaan. If i had known that loving him would caused me such heartache, I could have asked and beg myself to quit loving him from the moment i first meet him. Baka hindi ako nasasaktan at patuloy na nasasaktan ngayon. "Franz..." bulong na tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko matapos ang mahabang katahimikan na namayani sa loob ng sasakyan nito. Sa sobrang kawalan ko sa sarili ay hindi ko man lang namalayan na nandito na kami sa tapat ng bahay namin mag asawa. Kita ang katahimikan ng loob nun at nasisigurado ko na hindi na naman siya umuwi. May bago ba roon? Nasanay na ako sa ganung routine ni Kevin kaya hindi na ako umaasa na uuwe ito ng maaga. Nawala sa isip ko na ayaw niya nga pala akong makita at makasama kaya maaga itong umaalis at umaga o hindi na ito umuuwe. "Ano?" tanong nito sa akin habang inaalalayan ako sa pag labas ng sasakyan nito. Tutok ito sa pagalalay sakin upang hindi ako matumba sa napaka lamig na semento ng kaldada. "Panget ba ako? Matagal na itong gumugulo sa isip ko at kahit anong gawin ko wala akong makuhang sagot kaya sagutin mo ako Franz. Panget ba ako? hindi ba ako sexy? hindi ba ako ka mahal-mahal? Ibinuhos ko na ang lahat lahat pero hindi ba ako worth it mahalin? anong kulang sakin para hindi ako mahalin ng mga taong lubos kong minahal." bulong na tanong ko dito habang seryosong nakatitig sa mga mata nito. Natahimik ito ngunit maya maya lamang ay magsalita ito. "Kung ano-ano nang sinasabi mo. Mabuti pa mag doorbell na ako para pag buksan tayo ng yaya nyo o guard nyo o ng asawa mo para makapag pahinga kana." saad nito sakin habang hindi tumitingin sa mga mata ko at sa bahay lamang nakatingin tinitignan kung may tao ba o wala dahil kita sa labas ng bahay ang mga patay na ilaw at walang ingay na kapaligiran ng bahay. Malamang si manang na naman ang natira sa loob at si Kevin... Wala... Wala na naman kaya asa pa akong lalabas dyan ang asawa ko para pag buksan kami ng gate at pinto, lalo na ang pagalitan ako dahil sa pag takas at inom ko. Malamang kasama ito ng babae niya! Hindi na ako mag tataka kung mag kasama ang dalawa yun, panigurado akong nasa kandungan na naman ng ibang babae ang asawa ko but this time sa babaeng una nitong minahal. Kay Arinne. Nakita ko ang pag iling ni Franz ng marinig nito ang mahinang pag hagikgik ko at ang pag iyak ko na naman matapos humalaklak. Nakakabaliw ang pagibig, maiiyak at matatawa ka nalang ng hindi mo namamalayan. it's either because of happiness or sadness, it's still the same babaliwin ka pa rin ng pag-ibig. At ngayon situation ko babaliwin ako ng pag ibig that is because of so much sadness and heartache. I just want to be numb. I wish I could be numb, nang sa ganun ay saktan man ako ng ibang tao hindi ko na iyun mararamdam pa kasi manhid na ako, manhid na ang puso ko. "Franz..." "Ang sakit! Ang sakit, sakit." hagulgol ko at kusa kong ibinagsak sa balikat nito ang noo ko iniyak ko sa balikat nito ang mga luha ng hindi ko mailabas sa nakalipas na araw. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay nito sa likod ko marahil ay para I-comport ako and I'm still very lucky because God has given me someone in my life that i can lean on when i needed someone to lean on. "I know, i know." bulong nito. Dumapo ang kanang palad nito sa ulo ko upang haplusin habang marahan binibigkas ang mga salitang iyun. Inangat ko ang ulo ko at agad na tinignan ko ang mukha nito habang nakakunot ang noo. Nag tataka sa isinagot nito. Nakakapag taka lang kasi never pa naman ito nag ka girlfriend, e kahit crush nga ay wala. Kaya nga palagi ko itong inaasar na bakla ito noon. Kasi tanging nasa akin lamang umiikot ang mundo nito, hindi nito nabigyan ng pansin ang pag kakaroon nito ng kasintahan noon. "Paano mo malalaman? hindi ka pa naman nag mahal ng todo at nasaktan, ni wala ka ngang naging fling o girlfriend. Kaya paano mo nasasabi yan? " takang tanong ko rito. Dama parin sa boses ko ang sakit at panlulumo dahil sa mga nangyayari sa akin. "Yun ang akala mo, nag mahal na rin ako at hanggang ngayon nasasaktan pa din ako kasi nasasaktan siya sa lalaking pinili niya." tila makahulugang sagot nito sa akin habang nakatitig ng seryoso sa mga mata ko. Nahihilo man ay pinakatitigan ko ang mga mata nito wala akong mabasang kahit ano sa mga mata nito. Ngunit tanging sakit, awa at pagkabigo lamang. Pero bakit? sino tinutukoy nito? Bakit hindi ko ito alam? "Sino? Bakit hindi ko alam yan? Nakakatampo ka sampong taon na tayong mag kaibigan pero ang hilig mo pa din mag lihim sa akin." nagtatampong saad ko. Binabalikan ko sa isip ko kung may patagong naging karelation ba ito ng hindi ko alam? Pero kahit anong haloghog ko sa utak ko ay wala akong makuhang sagot nahihilo lamang ako kakaisip. Nag tatampong inirapan ko pa ito na ikinatawa nito ng bahagya kaya mas lalo akong sumimangot inipit na aman nito ang ilong ko sa ginawa kong pag irap dito. "Hindi ako nag lihim, ilang beses ko nang sinabi sayo pero ginagawa mo lang biro." saad nito sa akin at saka nito pinindot ang doorbell. "Parang wala naman akong naaalala ahh." bulong ko sa kawalan, muntik pa akong matumba ng pilitin kong kumalas sa pag kakahawak nito. Kaya agad na inagapan nito ang pag bagsak ko natawa pa ako nang pagalitan ako nito dahil sa ginawa ko. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Franz ng bigla akong mag salita "Ang swerte ng babaeng tinutukoy mo, napaka swerte niya. Sana ikaw nalang... ikaw nalang sana ang minahal ko. Baka, baka sakali hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon, baka sakali hindi ako nadudurog ng pino ngayon, baka nasa mabuting kalagayan ang puso ko ngayon." Maya-maya ay bulong ko dito na ikinatigil nito. Matagal na katahimikan ang namayani muli sa pagitan namin dalawa. Lasing na nga ako, natawa pa ako dahil sa pag katahimik nito nawala lang ang mga ngiti sa labi ko nang unti unting lumapit ang mukha nito sa mukha ko konti nalang ay mag lalapat na ang aming mga labi. Hindi ko alam pero naistatwa ako at hindi ko alam ang gagawin ko, ni hindi kaagad gumalaw ang mga kamay ko para itulad ito sa dibdib palayo. Dumapo ang mga mata ko sa labi nito matapos ay sa mga mata nito na mataman nakatitig sa mga labi ko, hindi ko alam pero si Kevin ang nakikita ko imbis na si Franz. Nang bumalik sa katinuan ang isip ko ay Iilagan ko sana ang mga labi nito dahil hindi tama ang bagay na ito kaibigan ko ito at saktan o nasasaktan man ako ngayon ng dahil kay Kevin, legal na kasal pa rin ako rito at pagtataksil ito kung hahayaan kong lumapat ang mga labi ni Franz sa labi ko ngunit bago ko pa man maitulak palayo si Franz ay bumulagta na ito at tumalsik sa malamig na semento ng kalsada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD