"Woohoo!"
Malakas na hiyawan ang narinig sa buong arena nang manguna ang numero otso na race car sa ginanap na motor race noong hapong iyon sa lungsod ng Pasay. Tuwang tuwa ang lahat ng taong naroroon sa napanalunang pustahan maliban sa mga kasamahang empleyado ni Dylan Buenavidez na siyang dinala nito doon upang ipagdiwang ang pagkakaroon ng mataas na sales sa ginawa nilang monthly report kaninang umaga lamang sa negosyo nitong real estate.
“Ang daya n’yo naman sir! Palibhasa kilala n’yo na kung sino ang magaling kaya wala rin, kayo rin ang nanalo,” angal ng isang lalaki na nagtatrabaho bilang marketing assistant sa opisina nito.
“How would I know na mananalo siya eh ang alam ko lang mabilis siyang magpatakbo kaya siya ang pinili ko?” natatawang saad ng lalaki.
“That's the point. Kung alam lang namin na magaling ang pinili ninyo eh di iyon din ang pinili namin!” reklamo rin ng isa.
Doon ay nagsimula ring magbigay ng kanya-kanyang kuro-kuro ang iba pang kasamahan ng mga ito.
Natatawa lang si Dylan sa inakto ng mga empleyado lalo na noong sinimulan nitong maningil ng perang napanalunan. “Tanggapin n’yo na lang na araw ko talaga ngayon,” panunudyo pa nitong sabi habang ipinapamaypay ang mga bills na kasalukuyang hawak-hawak. “But don’t worry, because it’s my day today, at bahagi kayo ng tagumpay ng kumpanya ko, I will just give your money back and add some more tomorrow,” saad pa nito na ibinalik ang hawak na pera sa ka- close at katabing marketing asistant.
Nagsigawan sa tuwa ang mga nasa dalawampung taong naroroon na lahat ay empleyado nito na siyang kasakasama nito sa opisina araw araw. Dylan’s relationship with his employee was extraordinary. Nakakabiruan nito ang mga iyon at nakakasalamuha ng madalas. Minsan nakakasama pa nito ang iba sa mga impotanteng lakaran patungkol sa negosyo. Kaya naman kung magsalita rin ang mga ito dito’y parang isang katropa na lamang kung kausapin ang lalaki, which is all good naman for him. Iyon ang gusto ni Dylan, ang magkaroon ng magandang relasyon sa mga empleyado nito mapalalaki o babae man.
“Anyway, kunin n’yo bukas ang pera kay Trishna, you all have ten thousand pesos each in bonus. For now mauna na muna kami ng asawa ko para sandaling makapagpa-picture sa nag champion kanina and then we’ll go straight sa pina-book naming dinner," anito.
He has been a fanatic of racing ever since he was a child. In fact sinubukan nito noong maging isang racer din pero sa kaalaman nitong hindi naman kalakihan ang kita ng ganoong propesyon ay nag-focus na lamang ito na pamahalaan ang negosyo ng pamilya which is ang real estate. Hindi naman ito nabigo dahil simula nang hawakan nito ang Buenavidez Estates ay nag-boom pa iyon lalo.
He take a grip on Trishna’s hand at magkasabay na bumaba mula sa pang anim na row ng upuan papunta sa nagkakagulo na ring mga tao para magpa-picture sa lalaki na siyang nagmaneho ng nangunang racing car. Trishna Paras as their company secretary turns out to be his wife na naging personal secretary na rin nito. Ang dalawampu’t limang taong gulang na babaeng kinabaliwan noon ng mga kalalakihan sa opisina sa taglay nitong ganda, tangkad, kaseksihan at talino. Na kahit pa asawa na ng isang CEO ay hindi pa rin naiiwasang ma-link sa ibang lalaki lalo pa at palakaibigan rin ito. That wasn’t a big deal naman kay Dylan, ito kasi ang klase ng taong wala man lang ka-selos selos sa katawan.
"Honey, can you wait here for a few minutes?" tanong nito sa asawa noong makitang siksikan na ang mga tao sa gawing harapan kung saan naroroon ang booth na siyang kinalalagyan ng car racer. Kahit naman atat itong makadaumpalad ang sikat na nanalong lalaki ay ayaw pa rin nitong makipaggitgitan kasama ang asawa para lang mabigyan ng pagkakataon na makakuha ng litrato kasama ang taong iyon.
"Sure, honey. I’ll be just right here," sagot niya bilang pagsuporta sa kagustuhan ng asawa. Pumatayo na lamang siya sa gilid ng race track, sa katapat ng isang maliit na tent kung saan naroon ang isa pang race car na kasalukuyang pinagkakaabalahan ng apat na lalaki sa pagpapalit ng gulong nito sa harapan. Matamang nakatutok ang mga mata niya sa asawa nang walang ano-ano ay biglang gumulong ang tires ng sasakyan papunta sa kanya. “Aray!” sambulat niya nang tumbukin nito ang gilid ng kanyang hita. Mabuti na lamang ay nahawakan pa niya ang gulong bago pa matumba sa kanyang paanan.
“Oh my God! I’m so sorry, Miss. Hindi kasi maingat ang mekaniko ko,” paumanhin ng isang lalaki na siyang humabol sa gulong ng sasakyan.
Hindi niya tiningnan ang lalaki bagkus ay iniangat ang mahabang laylayan ng kulay navy blue na flowy dress upang silipin kung nagasgasan ba ang kanyang binti. Nang makitang may maliit na pamumula roon ay tsaka niya nanggagalaiting itinaas ang paningin na may pagsalubong ng mga kilay.
“Sh*t,” saad ng lalaki na noong makita rin iyon ay napaluhod sa simentadong kalsada at sa pag-aalala ay hindi pa napigilang hawakan ang binti ng babae. “I-I am really sorry, Miss,” patuloy na paghingi nito ng paumanhin.
Doon na nagtagpo ang kanilang paningin. Waring tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo nang makita ang mukha ng lalaki. Dagling nawala ang galit na nararamdaman niya dito bagkus ay napalitan iyon ng takot at kaba. Paano’y natatanda niya ang lalaking iyon. Ito ang lalaking nakahalikan niya sa loob ng elevator ilang linggo pa lamang ang nakakalipas. Sandali siyang napatulala rito.
“Are you okay? Miss, gusto mong dalhin kita sa medic?” tanong ng lalaki sa pag-aalala. Tiyak na malaking gulo iyon kapag nagreklamo ang babae na nasaktan ito sa mismong event na iyon dahil lamang sa kapabayaan ng isang mekaniko. Lalo pa’t mukhang mayaman pa naman ito.
“No. I’m okay.” saad na lamang niya. Inilaglag niya ang laylayan ng suot na dress at umayos ng pagkakatayo nang makitang pinasadahan ng tingin ng lalaki ang na-expose na bahagi ng kanyang dibdib sa ginawang pagkakayuko niya kanina.
“Are you sure?” tanong nito na pumatayo na rin kasabay ng pagbitbit nito sa malaking size na gulong na tumama kay Trishna.
“Yes. I’m fine,” sagot niya na medyo humupa na ang kaba sa dibdib dahil sigurado siya na hindi siya namumukhaan ng kaharap.
Ngumiti ang lalaki at halatang nabunutan din ng tinik sa dibdib nang hindi na siya nagreklamo pa. Tinanguan siya nito bago pa ito tuluyang tumalikod at pumunta sa sasakyang inaayos. Ewan ba at hindi niya naiwasang mapalunok ng laway. Naalala niya kasi ang ginawang pagngiti nito sa kanya noon habang pinupunasan ng daliri nito ang kanyang mga laway na lumampas sa labi nito noong matapos silang maghalikan.
Sandaling natigil ang kanyang pag-aalaala sa mga nakaraang tagpong iyon sa pagitan nila ng lalaki nang hindi niya namalayang bumalik na pala ang asawang si Dylan. Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila siya papunta sa pinroklamang champion ng car racing noong gabing iyon. Doon ay sandali niyang itinuon ang atensyon sa photographer na siyang kumukuha ng litrato sa kanilang tatlo. Pero sa gilid ng mga mata ay matiim na pinagmamasdan ang nakaharap na lalaki kanina. Kasalukuyan na itong abala sa pagtulong sa pagpapalit ng gulong ng isang sasakyan. Pansin niya na magkatulad ang suot nito sa suot ng lalaking race car driver na katabi niya ngayon kasama ang asawa. Hindi kaya race car driver din ito? Hindi niya alam na magtatagpo ulit ang landas nila ng lalaking iyon na ilang gabi ring naging laman ng kanyang isipan dahil sa naramdamang kunsensya sa ginawang pakikipaghalikan dito.
*
*
“So, how was your day, honey? Did you had fun sa car racing events kanina?” pagkatapos lagukin ang katiting na alak na nasa wine glass ay tanong ni Dylan. Kasalukuyan na silang nasa loob na ng mamahaling restaurant noong mga oras na iyon, pinagsasaluhan ang specialty ng establisyementong iyon.
“Yes, of course, honey,” sambit niya habang nakangiti. “Nakakahawa pala ang energy ng mga tao doon,” dugtong pa niya. It was her first time na makasama sa ganoong events. Madalas kasi na ang asawa lang ang pumupunta doon sa loob ng dalawang taon na nilang pagsasama.
“Sorry at nahila pa kita na magpakuha ng picture sa pagiging sobrang fanatic ko sa kanila,” paumanhin nito.
“It’s okay, honey. Alam kong matagal mo nang hinihintay ang pagkakataong iyon. And minsan lang naman siya, so pinagbigyan na kita,” pagkasabi noon ay isinubo niya ang kakahiwa pa lamang na ulam sa plato.
“Thank you,” wika nito. “Honey, bakit hindi kaya tayo mag-out of town. Tutal mataas ang kita ng kumpanya. It’s been a while na rin since nagbakasyon tayo. Gusto mong mag-road trip this coming weekend papuntang Tagaytay? Remember, our anniversary is coming,” pag-aaaya nito sa asawa bilang kapalit sa pagkukunsinti ng babae sa mga kinalolokohang bagay. Ang pagbabakasyon ang isa sa nakahiligan nilang gawin noong magkasintahan pa lamang silang dalawa.
“Ikaw. Alam mo naman ako, taga sama lang sa iyo,” natatawa niyang turan.
“Bakit kasi hindi mo ipagpatuloy ang pagda-driving lesson mo, para makapunta ka na sa kahit saang lugar mo gustuhin. You know that I’m willing to give you any type of car you want, right?”
“Honey, ilang beses ko nang sinubukang mag-drive mag-isa, alam mo ‘yan, pero inaatake lang ako ng nerbyos palagi. Baka iyan lang ang ikamatay ko, huwag na lang,” ikinatawa niya ang sinabi.
Napahalakhak lang naman si Dylan na kapagkuwan ay ipinagpatuloy ulit ang pagkain. Sabagay at hindi pa naman ito nagsasawa sa paghatid-sundo sa asawa sa kung saan nito gustong pumunta. Pwera na lamang sa isang pinagkakaabalahan nito lately na pagpunta sa mga bar. Ayaw nitong isipin ni Trishna na nakabantay ito sa mga kinikilos ng asawa kaya naman pinayagan na lamang nitong sumakay ito ng taxi pauwi.
Nagpatuloy sila sa pagkain habang nagkukwentuhan, nang biglang matapon ng isang dumating na waiter ang dalang tubig sa balikat ni Dylan.
“Naku, sorry ho sir!” paumanhin ng babaeng serbidora.
Nagulat sila at napatayo.
“Okay lang Miss, patapos na rin naman kami,” saad ni Dylan sa waitress na halatang hindi pa yata sanay sa trabaho kaya hindi nito nahawakan ang daladalang tray na naglalaman ng mga inumin.
Dinampot niya ang napkin at pinunasan ang nabasang long sleeve ng asawa. Ganito si Dylan, hindi marunong magalit. Sa loob ng dalawang taong pagsasama nila ay hindi pa sila nagkaaway nito o nagkasamaan ng loob. Paano ba naman sila magkakaaway, lahat ng ginagawa nito ay pabor sa kanya. Maging ang lahat ng gusto niya ay ibinibigay nito. She must admit she was a spoiled wife. Kahit pa minsan ay nati-take advantage niya na ang lalaki ay okay lang dito. Sa mga pagtatampo niya dito ay lagi itong may nakahandang pagpapasensya para sa kanya. Sa mga pagkakamali sa trabaho ay lagi itong may nakahandang pag-iintindi. He was a perfect human kind na palaging may naka-ready na ngiti para ibigay sa lahat ng taong nakakasalamuha oras-oras, araw-araw.
Sa gabing iyon bago pa nila nilisan ang kanilang lamesa ay nakita pa niya ang tip na ibinigay nito sa babae. Natapunan na nga ito ng inumin, pinairal pa rin nito ang pagiging galante.
Iniangkla niya ang kamay sa braso ng asawa nang lumabas sila sa mamahaling restaurant. Dahil medyo malayo ang pinaradahan ng kanilang sasakyan sa gilid ng kalsada ay kinailangan pa nilang maglakad ng ilang kilometro papunta doon. Abala sila sa pakikipagkwentuhan nang huminto si Dylan upang alalayan ang isang matanda sa pagtawid sa pedestrian lane. Kahit kelan talaga napaka-gentleman ng lalaking ito, isa sa napakaraming magandang katangian na nagustuhan niya dito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago.
*
*
Katatapos lang niyang maligo noong gabing iyon nang makitang nasa massage chair na naman ito nakaupo. Ito ang madalas na tambayan ng lalaki bago pumahiga sa kanilang king size bed bago matulog. This was his stress reliver, na minsan ay nakakatulugan na rin nito kapag ginagamit.
Sa mga oras na iyon ay mariin niyang pinagmasdan ang lalaki na nakasuot ng puting sando at boxer shorts. Nasa mid thirties pa lamang si Dylan pero dahil sa pagiging busy sa trabaho ay madalas nakakatulog na ito paglapat pa lamang ng puwetan sa upuan. Medyo hindi na rin kasi ito nagiging active. Nawalan na ito ng time na pumunta sa gym na madalas ay sinasamahan pa siya dati. Ang ma-muscle na katawan nito ay nagsisimula nang madagdagan ng konting fats sa gilid at harapan ng tiyan nito, pero sa kabila noon ay nandoon pa rin naman ang bakas ng kagandahan ng katawan ng asawa. Kahit pa nag-gain ito ng weight ay macho pa rin ito para sa kanya. She still find him sexy and handsome sa palagiang malinis na pagkakaputol ng balbas at bigote.
“Honey, why don’t you come in bed. I can do that for you,” may pagkapilya niyang saad habang bumubulong sa lalaki.
Nagbukas ito ng mga mata at agad na nakita ang ayos niya. She’s wearing a burgundy night gown na walang suot na underwear sa loob. He already knows what she’s up to kaya pilyong napangiti rin noong tumayo nang hilahin niya ang kamay nito.
Diretso itong pataob na humiga sa kama kung saan ito madalas na pumupwesto. At mula sa pagkakatayo sa gilid nito ay sinimulan niyang masahiin ang katawan ng asawa. Sinimulan niyang pisilin ang leeg nito, papunta sa balikat. Nang medyo nakakasagabal sa pagmamasahe niya ang suot nitong pang-itaas ay siya na ang naghubad ng bagay na iyon sa katawan nito. And then ipinagpatuloy ulit ang pagmamasahe sa katawan ni Dylan. Hanggang sa mapadpad ang mga kamay niya sa mga pisngi ng pwetan nito na ilang beses rin niyang pinisil pisil. Para makabwelo ay sumampa na siya sa likuran ng lalaki, doon ay pabukaka siyang sumakay dito. Sinimulan niya ulit ang pagmamasahe sa leeg nito habang marahang ikinikiskis ang pang-upo sa hubad na katawan ng asawa. Ramdam niya ang pagdampi dampi ng kanyang ari sa balat nito at kapagkuwan ay sinimulan nang halikan ang batok ng lalaki. Hanggang sa magsimula nang humaplos ang kanyang mga kamay at maisuksok ang isa sa naiiipit na harapan nito sa kama. Doon ay sinimulan niyang paglaruan ang ari ng lalaki. Ngunit hindi pa man nagtatagal ay narinig na niya ang paghihilik ni Dylan. Himbing na pala itong natutulog.
Naitigil niya ang ginagawa at napangiti na lamang. Lately nakakatulugan na talaga siya ng lalaki, which is hindi naman big deal sa kanya. Being a CEO of his own company, sa dami ng inaasikaso nito sa buong maghapon, na minsan pa ay hindi matigil sa opisina at nagta-travel kung saan saan, she fully knows na mahirap ang trabaho ng asawa. Maybe this is also the reason why hindi pa sila makabuo ng anak dahil sa stress ng lalaki sa trabaho. Siguro nga at maganda na ring pagbigyan ito sa bakasyong nire-request nito kanina. Noong gabing iyon ay pinlano na niya ang gagawin sa nalalapit na 3rd year anniversary nila. She'll make sure Dylan will enjoy it, and will never forget.