Kabanata 1: ISKUWATER

1182 Words
Tondo, Manila, Philippines ANG MABUHAY SA masukal, masangsang, masikip at magulong lugar sa gitna ng lungsod ng Maynila ay isang karanasang 'di kailanman malilimutan ni Noah Montfort. Laki sa iskuwater si Noah kung saan laganap ang mga ilegal na gawain. Ang mga nakatira roon ay pawang mga kriminal kahit hindi naman. Mga magnanakaw, manggagantso, sugarol, lasengero at mga babaeng bayaran. Lahat na yata ng negatibo ay nasa lugar nila. Halos araw-araw ay may riot, raid at patayan.Higit sa lahat salat sa hustisya dahil sila ay dukha. Gayun pa man, kahit sila'y mga hampas lupa. Karamihan ay may puso at mapagkawang-gawa. Sanggol pa lamang si Noah ng mawalan ng ina. Namatay ito matapos masagasaan ng rumaragasang ten-wheeler trak habang pauwi ng bahay galing sa eskuwela. Matapos ang aksidente nakipagsapalaran si Selma sa Maynila upang maitaguyod si Noah. Namasukan itong katulong sa mga Verdadero. Kinalaunan ay paglalabada ang ikinabuhay ni Selma at Noah. Si Scarlet Montfort ang ina ni Noah. Labing-walong taong gulang pa lamang ito ng ipagbuntis ang anak. Hindi alam kung paano sasabihin sa mga magulang ang katangahang ginawa. Takot na isumpa ng ina at itakwil ng ama. Pumunta ito sa Pilipinas at hinanap ang dating tagapangalaga sa Dumaguete. Si Selma, ang kinalakihang lola ni Noah na tinatawag niyang 'Imang.' Hindi alam ni Selma kung sino ang ama ni Noah. Nakiusap si Scarlet kailanman ay ‘wag paalam sa magulang nito ang tungkol sa kaniyang anak. Bata pa ang alaga ng umalis si Selma sa mga Montfort para makasama ang pamilya. Sa kasamaang palad namatay ang kaniyang pamilya sa paglubog ng barko dalawampung taon na ang nakalilipas. Si Noah, mapamaraaan at madiskarte. Rakista ang tawag sakaniya hindi dahil siya ay tumutogtog sa banda kundi dahil parati itong may racket kung saan-saan. Palibhasa henyo at mahusay sa teknolohiya. Malaki ang kita nito sa pagkukumpuni ng telepono, kumpyuter, telebisyon at kung ano - ano pang mga elektronikong kagamitan. Nakatapos si Noah ng kolehiyo bilang iskolar. Kahit minsan hindi ni Noah inusisa ang kaniyang Lola Selma patungkol sa kaniyang pagkatao. Masaya naman siyang kasama ang matanda kahit na nga salat sila sa lahat ng bagay. Ang kinikita niya ay sapat lamang sa pangaraw-araw nilang gastosin. Isabay pa ang pagkakasakit ng matanda na hindi ni Noah inaasahan. Habang abala sa kinukumpuni, sumipol ang kaibigan nito at pumalakpak na parang nagtatawag ng kalapati. "Noah!"tawag ni Manolito, yohoo!" Sina Manolito, Leandro at Paloma ang mga matalik na kaibigan ni Noah. Magkakaibigan na simula pa noong sila'y mga paslit pa lamang. Si Lito katulad niya ay ulila na rin at nakikipisan lamang sa tiyahin. "Lito!" sagot ni Noah habang nakatanaw sa bintana hawak ang cellphone na kinukumpuni. "May liga sa kabilang barangay. Aanyayahan sana kita," ani Lito. "Pass ako. Kailangan kong mae-deliver itong cellphone bago magabi." "Oh, siya. May salo-salo kina Leandro mamayang gabi. Sumunod ka na lang." "Susubukan ko." "Noah, sumunod ka. Maraming handa para maipagbalot mo na rin si Lola Selma at Ethan ng makakain hanggang bukas." May punto naman ang kaibigan niya. Sa tuwing kaarawan ni Leandro parating magarbo ang selebrasyon nito. Nag-iisang anak ito ng mga Verdadero, ang dating amo ng kaniyang Imang. Mainam na rin kung dadalo siya. Maipagbabalot niya ng pagkain ang kaniyang lola at anak. "Sige, kita na lang tayo mamaya,’tol." "'Wag ka mang-indyan, Noah! Mapepektosan kita!" "Oo na!" sigaw nito sa kaibigan," dadalo ako sa kasiyahan." * * * SUMAPIT ANG HAPON natapos na ni Noah ang mga cellphone na pinaayos ng kliyente niya sa Recto. Mga nakaw na telepono iyon. Kailangan niyang e-refurbished para mabenta ng segunda mano. Mali man sa batas at sa mata ng tao ngunit kailangan niyang kumita. Pangkain nila at pang-gamot ng kaniyang Lola Selma. "Lola, mauna na ako. E-deliver ko lang ho itong mga nagawa ko." "Mag-iingat ka apo," ani Selma. “Si Ethan, ho?” “Natutulog ang anak mo,” sagot nito. Niyakap ito ni Noah at hinalikan sa noo," Imang, 'wag n'yo na akong hintayin. Gagabihin ako. Naipagluto ko na kayo ng hapunan. Nariyan sa mesa. Huwag n'yo kalimutan iyong gamot mo sa altapresyon at dyabetis." "Aakyat ka ba ng ligaw apo?" "Imang kahit magkandarapa ang mga dilag sa harapan ko. Pag-hahanap po ng trabaho ang uunahin ko, kayo at si Ethan. " "Noah apo. Paminsan-minsan ay magsaya ka naman. Sumama ka sa mga kaibigan mo." "Hay Imang. . .” hinawakan niya ang kulubot ng kamay nito,” . . . Imang parang pinagtutulukan n'yo ako palayo." "Apo, hindi. Gusto kong makita kang masaya. May nobya. May kilalaning nanay ang anak mo,” huminga ito ng malalim at tinitigan si Noah sa mga mata,” bago man lang ako pumanaw sa mundo." "Hindi pa kayo mamatay. Imang. . . bawal makalimot huminga,” ani Noah habang yakap-yakap ang kaniyang lola, “naiintindihan n'yo ba? Bawal!" May lungkot sa mga mata ni Selma ngunit pilit itong ngumiti at kumaway habang palabas ng barong-barong si Noah. "Mahal na mahal kita, apo." "Mahal ko rin kayo, Imang." Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ganoon sila mag-usap ng kaniyang Imang. Nang mag-karoon siya ng iba’t ibang raket ay madalas ay pawang nababahala ito sa bawat paglabas niya ng bahay. Tila ba may lihim itong tinatago sa kaniya. Pakiramdam ni Noah ang bawat pag-uusap nila ay pawang pamamaalam. * * * NAGLAKAD NA SI Noah palabas sa masikip na iskinita. Nagkalat ang mga batang uhigin at walang saplot na nagtatakbohan sa masukal na daan. "Uy, Amboy! Saan ang lakad natin?" Tanong ng isang tambay na hindi matandaan ni Noah ang pangalan. Sa dami ng tambay sa kanilang barangay marami roon ay lasingero, lulong sa droga at adik sa sugal. "Diyan lang sa Recto, parekoy!" sagot niya. Kailangan sumagot o tumagay kapag inalok ng mga lasengo sa kanto. Dahil kung hindi bugbog sarado ang aabotin niya. "Noah, darling. Kailangan mo ba ako e-didate?" maharot na tanong ni Paloma. Kaibigan ito ni Noah ang katuwang niya sa pag-aalaga kay Ethan ng iwanan sila ni Molly. Si Paloma ang kasa-kasama niya sa elementarya hanggang hayskul. Ngunit hindi na ito nag-aral ng kolehiyo. Nag-tatatrabaho na ito bilang pole dancer sa Pegasus. Night club ng mga mayayaman negosyante, artista at pulitiko sa Malate. "Kapag bilyonaryo na ako, Paloma," pabirong sagot ni Noah sa kaibigan. Kahit ni katiting ay wala siyang pagtingin sa napakagandang dalaga. Breadwinner ito. Katulad niya ay bente-uno anyos pa lamang ito. Si Paloma ang panganay sa isang dosenang anak ni Aling Unding at Mang Dolfo. Lasengero at palamunin ang ama nito. Samantalang ang ina ay labandera ng mga Verdadero. "Hintayin ko ang araw na 'yan, Noah. Ramdam ko balang araw sisikat ka," sagot nito habang nakalingkis ang braso na pasimpling kinikis ang dibdib sa braso ni Noah. "Umuwi ka na, Paloma. Pakalat-kalat ka rito kaya ka—" "Hayaan mo sila." "Halika ka na nga. Ihatid na kita sa bahay n’yo." "Sabi ko na nga ba. Hindi mo ako matiis." "Marami naman trabaho. Bakit sa Pegasus pa?" "Ikanahihiya mo ba ako,Noah?" "Hindi." Pegasus rin ang letrang nakalagay sa mga larawang nakita niya na tinatago ng kaniyang Lola Selma. Larawan ng isang magandang dilag na pawang may dugong banyaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD