Chapter 3: The Race

1037 Words
Joshua POV     "Babe! Kailangan ba talagang sumali ka sa race? Look, hindi ako pabor sa pag re-race mo." Busangot na turan ng kanyang girlfriend. Kasalukuyan silang nasa kanyang condo.     "Babe, you know how much I love race. This is part of my life. Saka mapag-usapan na natin to before, right?" Aniya bago ito niyakap at kinintalan ng halik sa mga labi nito.     "Hindi ko lang maalis ang mag-alala tuwing nasa kalagitnaan ka ng karera. Pakiramdam ko anumang oras pwede kang mapahamak." Puno ng pag-aalalang katwiran ng kanyang nobya.     Napabuntong hininga na lang si Joshua. Ilang beses na rin nilang pinag-awayan ni Clair ang tungkol sa pag re-race niya. Ilang beses na rin niyang pina-unawa dito kung gaano kahalaga sakanya ang pag-rerace. Pasalamat na lang niya na patuloy parin siya nitong ino-unawa.     "Promise Babe, last na to." He can't help but to think twice.     "Ilang beses mo na bang sinabi sa'kin 'yan?" May inis na wika nito bago umalis mula sa pagkakayakap niya.     "Promise, last na talaga to." Just like ehat he said. This will be the last. Plano na kasi niyang magpropose kay Clair.     "Ewan ko sayo! Oras na tumuloy ka sa karerang 'to, brake na tayo! Nakakapagod narin kasing unawain ka." May pinalidad na anito bago siya iniwang tulala.     Napa-iling na lang si Joshua nang makahuma siya. Hindi na siya pwedeng umatras sa laban. Wala ngayon si Cris para maging substitute niya.     Napabaling siya sa kanyang cellphone na nasa center table nang tumunog ito. It's Xander.     "Bro! Hinahanap ka na. Ilang oras na lang bago magsimula ang karera."     "Yeah, I'm coming. Medyo di lamg kami okay ni Clair." Napasabunot siya sa kanyang buhok habang inaalala ang sinabi ng kasintahan bago ito umalis.     "Bro, maya mo na lang problemahin si Clair. You should know that Brian is going to race." Nasa himig nito ang pag-aalangan.     "Brian? Good! Atleast mas may dahilan ako para seryosohin ang karerang ito."     Hindi na niya hinintay na makapagsalita si Xander. Agad na niyang pinutol ang tawag. Bago nagmamadaling kinuha ang susi ng kanyang sasakyan.     Brian Razol, ang mortal niyang kabangga sa race world pati na rin sa pag-ibig. His mortal enemy to be exact. Dahil satwing nagkakanobya siya'y sinusulot nito. Hindi rin ito patas sa pakikipaglaro. Ang dahilan kung bakit inis na inis siya dito.     He remember Clair. Good thing dahil kaunti lang ang nakaka-alam sa relasyon nila. Isang dahilan kung bakit minsan nagtatampo na ito sakanya.     Wala siyang rason para itago ang relasyon nilang dalawa sa publiko. Ayaw lang niyang mapagpyestahan ng media ang kasintahan. Idag-dag pa na hindi siya gusto ng mommy niya. Gayong wala naman siyang makitang dahilan para ayawan ito ng mommy niya. Maging ang ibang mga pinsan ay halatang ilag din pagdating kay Clair. Isang bagay na hindi niya nagugustuhan. But he can't contradict them. They're his relatives after all. Hinahayaan na lang niya, sigurado naman siyang oras na makilala nila si Clair ay magbabago din ang tingin ng mga ito sa nobya.     Ilang minuto lang bago siya makarating sa venue ng tornament.     Muli niyang chenecked ang cellphone kung may text si Clair. Saddenly, there's none.     Napabuntong hininga na lang siya. Sa hindi malamang dahila'y kinakabahan siya. Gusto niyang manuod si Clair sa laban niya. But it's only his wishfull thinking. Mukhang malala ang tampo nito ngayon. Aamuhin na lang niya ito after his game.     Napapa-iling na dumeritso siya sa headquarter nila. Kailangan muna niyang magfocus sa laro.     Pagkaparada niya ng kanyang sasakyan ay sinalubong siya ng mga kaibigan at pinsang manunuod sa karera niya.     "Bro! Still the same, eh?" Salubong ng pinsan niyang si Flint. The ultimate cassanova king in their family.     "Naman, same to you. Babaero ka parin. Walang pinagbago." Balik niyang bero na tinawanan lang nito.     "Yow! Hindi mo kasama girlfriend mo?" Si Matt na hawak ang isang cone ng ice cream.     "Tsk! Medyo nagtatampo." May kasamang iling niyang sagot.     "Yan na nga'ng sinasabi ko sa inyo eh. Woman only give a head ache. Bakit ba kasi hindi niyo ako gayahin? No girlfriend, no problem." Proud na singit ni Flint, dahilan para makatanggap ito ng batok mula kay Xander.     "Gago! Ikaw lang bro! Wag mo kami idamay."     Napahalakhak naman si Flint sa tinuran ni Xander na ikina-iling na lang niya.     Hindi rin naman niya ito masisi dahil alam niya ang kwento nito.     "Let's go, thirty minutes na lang bago magsimula ang laban." Gabriel na kanina pa tahimik.     Gaya ng dati, humiwalay siya sa mga ito.     Pagkasakay niya sa kanyang sasakyan ay agad na siyang nagtungo sa starting point. Sinalubong siya ni Mariel, ang isa sa mga head organizer para sa instractions.     Saglit lang silang nag-usap bago niya inayos ang lahat ng kakailanganin. From atire, gair and car check-up. Handa na rin ang gagamitin niyang sasakyan para sa karera.     Bago pa man siya sumakay ay muli siyang napatingin sa kanyang cellphone nang umilaw ito. There's a notification coming from unknown number.     Nakaramdam siya ng kaba at pagdadalawang isip kung titignan ba niya ito o hindi. At the end, he open the message. Na pinagsisihan niya.     NANG magsimula ang karera'y subrang bigat ng pakiramdam ni Joshua. Pakiramdam niya'y talo na siya kahit na kaninang hindi pa man nagsisimula ang laban.     Hindi niya namalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha. He can't believe that she can do such thing. Ang masaklap ay ngayon pa. Kung kailan nasa kasagsagan siya ng karera.     Hindi niya lubos akalaing magagawa iyon ni Clair. Masyado niya itong mahal at subrang laki ng tiwala niya dito. Pero ginagago na pala siya na wala man lang siyang kamalay-malay.     Huminga siya ng malalom. Pilit kinakalma ang sarili. Humigpit din ang hawak niya sa manibela ng sasakyan. Mas lalo pa noyang binilisan ang pagpapatakbo habang nakikipagpatentero sa obang mga kalahok. Subalit hindi niya inaasahan ang sunod na nangyari.     Bigla siyang nawalan ng kuntrol. Namalayan na lang niya ang sarili na nasa bingit na ng kamatayan. Kalansing ng nagngingit-ngitang bahagi ng sasakyan ang kanyang naririnig. Pilit man niyang gisingin ang sarili'y hindi na niya magawa. Tanging hiyawan sa paligid at malakas na tunog ng pagkakataob ng kanyang sasakyan ang huli niyang narinig. Unti-unting nilamon na siya ng kadiliman. ••••••To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD