Althea POV Nakita ko silang parating na kaya naman todo punas ako ng luha dahil baka malaman pa nilang umiyak ako, nakakahiya... " Althea ito oh tikman mo matamis." Si Marco na inaabot sa akin ang bunga ng sampalok. Talagang nakangiti pa siya... Kaya nginitian ko rin sya at nag pasalamat. Tumabi rin siya sakin at saka tinulungan akong mag balat... Sa kabilang banda naman ay nakita ko si Gigi na katabi si Joseph, mukhang may relasyon na ang dalawa....???? Si Beth at Tyrone naman ay ang sweet din, makikita mo sa mga mata nila na mahal nila ang isa't isa. Hanggang mapa dako ang tingin ko kay Marius at ma'am Steph magka hawak lang ang kamay nila pero ang laki ng epekto sa akin. Ang sarap tanggalin yung kamay, kung nakakasugat lang ang titig ko sigurado putol na ang mga kamay nila ... "

