Tiningnan niya ang kabuuan niya sa isang malaking salamin. She looks like an elegant and sophisticated woman. Nakasuot siya ng isang mamahaling dress at sapatos na binili sa kaniya ng binata. Bumaba ang tingin niya sa singsing na nakasuot din sa daliri niya. Makikilala niya na ang ama nito at mga kamag-anak. Gusto niyang matawa dahil mapaglaro talaga ang tadhana. Kung kailan na may problema silang dalawa tiyaka pa sumakto ang family gathering ng mga ito. Wala siyang magagawa dahil isa lang siyang empleyado nito. Bayad siya para umaktong asawa ng binata. "If you're ready we can go now." Hindi nya nilingon ang binata nang pumasok ito sa kwarto niya. Hindi siya umimik at tahimik na kumilos para kunin ang sling bag na dadalhin. Lalagpasan niya sana ito para siya na ang maunang lumabas ng kw

