Hindi niya alam bakit pa siya tinulungan ni Lloyd. Medyo hindi pa rin siya nagtitiwala rito dahil alam niyang galit ito sa kapatid, sa asawa niya. Pero hindi naman siya nakaramdam ngayon na mapanganib ang lalaki. Pumunta siya sa kusina para kumuha ng maiinom. Kasalukuyang nasa baguio siya, sa bahay bakasyunan ni Lloyd. Nagpalipas sila ng gabi sa isang hotel bago tuluyang umalis at tumungo sa baguio. Naawa pa nga siya rito dahil kulang ang tulog nito. Nang maihatid kasi siya nito ay binilinan lang siya ng mga kailangan niya malaman sa bahay at umalis na rin ito. Simple lang ang bahay pero may kalakihan pa rin. Kailangan niya munang mag-isip isip at ikalma ang utak niya. Masiyadong maraming gumugulo ngayon sa isipan niya. Nasaktan siya dahil parang pinaglaruan siya nito. Hindi pa rin siya

