Umalis siya sa lugar na 'yon at umuwi na lang. Punong-puno ang isip niya dahil sa sinabi ni Lloyd at sa ginawang paghalik nito sa pisngi niya. She knows that Lloyd was flirting to her and she doesn't like it. Pinipilit niyang intindihin si Lloyd dahil galit ito sa kay Xion kaya pati siya ay nadamay sa galit nito. Pakiramdam niya ay sinasadiya talaga siyang guluhin at asarin ni Lloyd. Nang makarating siya sa bahay ay nangunot ang noo niya dahil nakita niya ang kotse ni Xion na nasa garahe na. Pagkapasok niya ay nagulat siya dahil may bouquet ng bulaklak na nakalagay sa gitna ng lamesa ng living room. "Baby... where did you go? I waited for you," he smiled and get the flowers. Siya naman ay natulala lang nang iabot nito sa kaniya ang bulaklak. "K-kala ko ba may importanteng meeting ka?" g

