Nakatanaw siya sa labas ng restaurant, malakas ang ulan dahil sa bagyong dumating. Hindi kasi siya nakapanood ng balita mabuti na lang na lagi siyang may dalang payong sa bag. Bilang lang sa kamay ang customer ngayong araw dahil na rin sa panahon. Ito ang last day niya sa trabaho kaya naman ay kumikilos siya ng todo kahit na sinisita siya ng mga kasamahan niya na sila na sa ibang gawain. "Ako na magpupunas dito, sa counter ka lang muna," ani ni Dianne sa kaniya. "Okay lang, kaunti lang naman ang lilinisan," sagot niya rito. "Last day mo na rito kaya chill ka lang," natatawang ani nito. "Isa pa't kaunti lang ang gagawin natin kaya 'wag mong akuin ang lahat dahil kaya mo, dapat hati pa rin sa gawain," dagdag pa nito. Hindi na siya nakapalag sa kaibigan at hinayaan na itong magpunas ng mga

