CHAPTER 5

1410 Words
CHAPTER 5 WARNING: THIS IS MY FIRST EVER ROMANCE STORY. IF YOU'RE NOT INTO THIS GENRE, or if you're looking a PERFECT story. PLEASE DON'T READ THIS. You've been warned. I am not a professional writer, still learning and improving po! <3 Lilianna Felix’s POV Nagising ako dahil may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa bewang ko at dahan dahan kong minulat ang mata ko para alamin ‘yun. Nanlaki ang mga mata kong yakap yakap ako ni Spencer?! Halos magkadikit na ang mga ilong namin kaya lumayo ako ng kauti at napatingin ako sa braso niyang ‘yun pala ang nakadagan sa ‘kin kaya nabibigatan ako kanina. Parang ang himbing-himbing ng tulog niya? Pero mabuti nga kung ga’nun dahil makakatakas ako dito at naalala ko ang nangyari sa ‘kin kanina, kilala niya ‘yung lalakeng nag ligtas sakin sa room kaya ako napunta dito? Huminga muna ako ng malalim at unti-unti kong inalis ang pagkakayakap niya sakin pero nagulat akong bigla siyang gumalaw kaya awtomatikong nagpanggap akong tulog. Napakagat ako ng saliri kong dila nung naramdaman kong umangat ang ulo niya bigla para tignan ako at nagulat ako sa ginawa niya, Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko! Paano ako makakatakas dito?! Naramdaman kong inaamoy niya pa ako ‘dun kaya gising siya. Napakagat-labi nalang ako nung maramdaman kong dinampi niya ang mainit niyang labi sa leeg ko. “Farah… you... smell good…” Bulong niya kaya napamulat ang dalawang mata ko sa sinabi ni Spencer. Sinong Farah? Karelasyon niya? Dapat sana ‘yun nalang ang nasa sitwasyon ko ngayon! Dahil sa inis, unti unti akong kumawala sa yakap niya para makaalis na dito. Sa buong buhay ko, ginamit lang ako ng ginamit ng mga taong malapit sakin tapos pati ba naman dito?! Sa hindi ko kilala!? Nang makawala ako sa yakap niya, nakahinga ako ng maluwag nung hindi siya nagising kaya unti unti akong umalis sa kama na walang nililikhang ingay para hindi niya ako marinig. Naglakad akong dahan dahan hanggang makalabas ako ng pintuan, mas nakahinga ako ng maluwag nu’ng hindi talaga siya nagising kaya tinuloy ko na lang ang paglalakad ko pababa ng hagdan dahil nasa ikalawang palapag ang kwarto niya, nu’ng marating ko na ang pintuan palabas ng mansion na ‘to bubuksan ko pa lang sana pero may humila ng bewang ko sabay sandal sa pader. “Do you think you can escape young lady? Do you think I am not awake while you’re trying to escape?” madiing saad niya sa malalim na boses kaya lumakas ang kabog ng dibdib ko nu’ng makita ko ang mga mata niyang parang hihigupin ako sa sobrang sama ng tingin niya sakin. “Please, I can’t be with you. You have your girlfriend right? Her name is Farah you whispered that while kissing my neck—“ Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang sinuntok ang pader na nasa gilid ng ulo ko. “Don’t… mention... her name…” Madiing wika niya kaya napakagat labi ko akong hinawakan niya ang buhok pataas ng ulo ko kaya napangiwi ako sa sakit. “You were sold for me… binili kita para sakin… you cannot escape from my hands young lady… especially I realized that your scent is the same as hers.” Nang marinig ko ang mga sinabi niya, uminit agad ang sulok ng mga mata ko kaya binitawan na niya ang pagkakahawak sa buhok ko at humikbi. Nakakakot siya, nu’ng sinabi niya ang mga salitang ‘yun parang dumikit sa tenga ko ang boses niyang parang kasing lalim ng dagat. Nakakatakot, nakakatakot ang mga katulad niya. Gagamitin niya lang ako dahil sa pansarili niyang interes? Hindi ko alam ang ano ang susunod niyang gagawin sakin kaya natatakot ako. “…don’t try to escape, if you did... try your best to hide and if I found you… you’re dead young lady...” Napaupo ako sa sahig sa sunod niyang sinabi sakin, at tumalikod na siya para umakyat sa itaas. Naguguluhan ako bakit mas tumatagal mas lalo siyang naging agresibo. Wala naman akong ginagawa sa kaniya kundi, gusto ko lang makatakas dahil nakakatakot siya? “Sorry for that, my brother just want to escape from his depression.” Nakatingin ako sa sa kinaroroonan ng lalakeng naglalakad sa kinaroroonan ko. “…I think he remember that girl from you, come here I will accompany you upstairs and get some sleep. It’s 2 am.” Dagdag niya pero yumuko lang ako, kapatid niya pala ang Spencer na ‘yun? At yung binaggit niya ngayon lang, siguro ‘yung Farah ang tinutukoy niya. “Here, let me help you.” Nagulat akong bigla niya lang ako bihuhat na parang wala lang pero hindi nalang ako umimik dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Naramdaman kong naglakad na kami pataas habang nakatulala lang ako sa kisame, parang hindi ako makakatakas sa Spencer na ‘yun. Gusto ko lang naman na maging normal ang buhay ko, gusto kong pag aaral lang ang iniintindi ko pero dumagdag pa ‘tong nangyari sa ‘kin. “I’m his elder brother, Denzer Atticus and what’s your name?” Tanong niya sakin, base sa boses niya parang mahinahon lang siya hindi kagaya ni Spencer na nakakatakot ang boses pag nagsasalita. “L…Lilianna Felix...” Pabulong na sagot ko pero narinig kong tumawa siya ng mahina. “Cute name, like you.” Tugon niya pero hindi ko nalang siya pinansin. Alam kong binobola lang niya ako. Nang makaakyat na kami sa itaas, napakunot ang noo kong sa ibang kwarto niya ako dinala. “Saan mo ako dadalhin?” “Relax.” Sagot niya at binuksan niya ang pintuan na tatlong kwarto ang pagitan sa kwarto ni Spencer. Pumasok na kami sa loob at pinaupo niya ako sa sofa. “What’s your relationship with Spencer?” Tanong niya habang naglakad sa isang aparador at may kinuha siya ‘dung kung ano. “Hindi ko siya kaaano ano, basta sa pagkakaalam ko binili niya ako sa halagang 2 million sa tita ko pero natatakot ako sa kaniya kaya gusto kong tumakas.” “Kapag may binili siyang babae, ang alam ko kinakama niya lang at kung nagsawa siya… pinapabalik niya lang sa pinanggalingan.”  Tugon niya at hinarap niya na akong may kapit kapit na basong may lamang gatas. “…pero ngayon ko lang siya nakitang naging agresibo sa isang babae at isa lang ang dahilan ko, may nakita siya sayong nagustuhan niya.” Dagdag niya habang naglakad siya papunta sakin sabay abot ng basong may lamang gatas kaya tinanggap ko ‘yun. “I think that was... 7 months ago, her girlfriend named Farah Zetson everything was fine but I suddenly heard their argument. He raped Farah, but my brother keep telling her that he was badly drunk… but Farah broke up with him and my brother begged to her but she didn’t listen.” “Hindi ‘yan ang rason para pahirapan niya kaming mga babae.” Mabilis na sagot ko at unti-unti ininom ang gatas na binigay niya. “He was depressed… he entered the illegal business and he became a Mafia Boss I think he did that in order to conquer his Anxiety. Lumuwas ng lungsod si Farah at ‘dun na nanirahan sa Tokyo para makalimutan na rin siguro ang nangyari sa kaniya... and my advice for you is... just obey my brother for safety. He’s short-tempered kind of man but he has a kind heart.” Kind heart? Hindi halata dahil nakakatakot siya. “Why are you doing here, young lady? Are you flirting with him?” Lumakas aang kabog ng dibdib ko nung narinig ko nanaman ang nakakatakot niyang boses, at base sa boses niya galit nanaman siya kaya nabitawan ko ang baso at nabagsak ‘yun sa sahig. WARNING: THIS IS MY FIRST EVER ROMANCE STORY. First time kong gumawa ng ganito dati at sinalin ko lang dito kaya don't expect too much. IF YOU'RE NOT INTO THIS GENRE, or if you're looking a PERFECT story. PLEASE DON'T READ THIS. You've been warned. I am not a professional writer, still learning and improving po! <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD