" s**t!! Self napaka Ganda mo nilalang!" proud na proud sa sariling sambit niya.
habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.
Kung pagandahan lang naman ay di siya papahuli.siya na laging winner sa mga pageant.
" Makikita ko uli si fafa SJ" kilig na kilig habang iniisip ang lalaki. SJ short for Sebastian Jace ang lalaking Nag pakilig sa kanya kahit sa simpleng sulyap lang sa malayo ay okay na yun sa kanya. muli niyang tinignan ang sarili..
"Not bad self kahit cheap ang damit at make up mo maganda ka pa rin" wika niya.
"Disang Ano ba ang tagal mo naman mag bihis"!! galit na sigaw ng ina.
Nag aatubiling lumabas siya ng kwarto.napataas naman ng kilay ang ina ng makita siya.tinignan siya mula ulo pababa ng paa at binanatan naman siya ng puna.
"Mag Debut ka? Aba ang Kapal ng make up mo. yung nguso mo parang kinagat ng putakti sa sobrang pula! aba Disang mag titinda ka lang sa palengke naka make up ka pa! sino ba pinag papagandahan mo don? si keloy ba? sermon ng Ina sa kanya.
Napangiwi naman siya sa tinuran ng ina.si keloy kasi yung kababata niya na may gusto sa kanya.
" Nanay naman ayaw ko lang mag muka akong bisugo kapag mag titinda ako! sagot niya sa ina.
" Umalis ka na nga Disang baka mabambo kita nitong hawak kong tambo! inis na wika ng ina sa kanya..
" Ang bantot naman ng tawag niyo sakin! Deshna po name ko! maktol niya sa ina.sabay dampot ng bag sa upuan.
"Aalis na po ako Nay! paalam niya sa ina.
agad agad niyang tinungo ang paradahan ng tricycle sumakay na dito.
Habang nasa tricycle tinawagan niya ang Kapatid niyang si kring.
" hello kring Ikaw muna mag bantay sa diyan ha.may pupuntahan lang akong importante" kausap niya sa nakababata niyang kapatid.
"Okay po ate basta yung pasalubong ko ha! sagot naman ng kapatid sa kanya.
"Okay sige basta wag kang mag sumbong kay nanay na umalis ako ha! bilin niya dito.
"okay po ate bye na! binabaan na siya ng tawag ng kapatid.
Kinuha niya ang kanyang make up kit at nag retouch ng mukha. malapit na kasi ang Mall kung san sila mag kikita ng Bestfriend niyang si mona.