Seventeen

2467 Words
HINDI MAKAPANIWALA SI YRRANA sa narinig. It's not just a performance, but a challenge. Dahil kung hindi, hindi naman pipiliin ni X ang parehas na piyesang tinugtog niya. Talaga bang hinamon siya ni X? Sa larangan pa na bihasa siya? Naghahalo ang pagtataka at ang kaniyang sarkastikong paghanga. It's also clear, that X is confused. "Ms. Ishihara, the stage welcomes you now-" Mabilis niyang nilakad ang pagitan nila ng host. As fast as she could, she grabbed the microphone. "I'll find whoever pull off this prank! Maybe you think this is funny, but you are ruining the night!" She is sure. Somebody's behind all of this. Pero bakit? For what purpose? Is it to trigger X... or the other way around? "Yrrana. Let the student play." Salubong ang kilay niyang nilingon ang punong opisyales. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Iba ang pakiramdam niya dito. Ofcourse she won't let X play the same piece that she played paano kung... Dahil ang punong opisyales na ang nagpasiya ay wala na siyang nagawa. Hindi niya ito puwedeng suwayin. Inis niyang dinapo ang paningin sa mga ranggo na kapwa walang pakialam, even if it's obvious that this is suspicious. Mas nangingibabaw sa mukha ng mga ito ang kyuryosidad. And the first rank. Labag sa loob niyang ibinalik ang mikropono sa tagapagsalita. Nagtiim ang bagang niya. Hindi siya makapaniwala. She is trapped! Nangingimi siyang napaatras. Wala siyang magawa kundi ang inis na matawa habang inaanyayahan si X sa entablado. Nanatiling walang emosiyon ang mukha nito habang tinatahak ang daan sa gitna. Lahat ng ulo ay sumusunod sa kaniya. Lahat ay sabik. Their eyes met. Her face is emotionless, but it feels like she's also bothered. Then why? Bakit sumunod pa siya? The question is... could she play better than her? "A round of applause for Miss Xionne Ishihara!" Nanginginig niyang pinanood ang marahang pagkuha nito ng violin. That's hers. "f**k," she cursed. X finally positioned herself. Umawang ang kaniyang labi. Even on how she stood, nakikita niya nang... hindi ito basta-basta. And when X finally did the original-bowing at the beginning... It was consistent. Unbelievable. X has a great control. Hindi pa doon natatapos ang lahat. Dahil nang mapunta na sa gitna ng piyesa unti-unti na iyong bumilis nang hindi kumakalat ang nota. Hindi siya nakarinig ng maling nota o maging kulang na nota. She balled her fists. The familiar feeling eats her. It's impossible, pero ang babaeng iyon lang ang nakapagparamdam sa kaniya nito at ngayo'y pinaparamdam na rin ito ni X sa kaniya. UNTI-UNTING NAPANGISI SI HAZETHE. Should she pity the third rank? She hates them both, pero talaga namang hindi maipagkakailang de hamak na mas magaling si X. She knows how to play the violin, but not as good as Yrrana. Kaya naman ito ang madalas na nagpeperform sa events. She's not expecting that there's someone who's better than Yrrana. Naaalala niya pang napapanood niya ang ikatlong ranggo na nagpeperform sa iba't ibang bansa sa tuwing nasa labas sila ng unibersidad tuwing summer vacation. Hindi niya inaakalang mapapakain ito ni X ng alikabok. "I can't believe that b***h!" Nakangiwi niyang pinanood ang pagmamaktol ng bratinelang si Shasha na kasama nila sa lamesa. She's calling her b***h, when she's a b***h herself. Binaling niya ang paningin sa unang ranggo. His face is serious. Hindi mabasa ang emosiyon. Well, the first rank likes Yrrana, ngayon pa lang alam niya nang mas madagdagan ang galit nito kay X. How funny that it's obvious that X did this on purpose. Para labanan ng unang ranggo? And for the first time, her underling isn't by her side. Nasaan si Simeon? "It's not always good to be curious, Rivera..." Iwinaksi niya ang boses na pumasok sa kaniyang utak. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin iyon. They are right. Simeon's voice screams power and authority. Should she ask the ranks? Dahil sa tuwing magsasalita si Simeon, lagi nilang sinasabing pamilyar iyon. Fuck. Ginugulo siya ng lahat. Tingin ba ng Simeon na iyon ay titigil siya dahil lang sinindak siya nito? There's no way. Nasimulan niya na. Tatapusin niya hangga't makuha niya ang sagot. She glanced at the first rank again. This is for him also. X CAN SMELL YRRANA'S FEAR. Why would fear a lowkey pianist like her? Or maybe this just really proves that she's better than her. Malapit na siyang matapos. Just few more steady bowing for the ending and she's done. Habang tumutugtog, bumabalik sa kaniya ang mga alaala bago niya napagpasiyahang bitawan ang pagtugtog ng instrumento. She's just a child back then when everything was ruined because of the first rank. She stared madly at him, who's looking at her too. The first rank is a first rank. Kahit na binantaan ito ni Simeon, walang makakapigil sa titulo nito na gawin ang gusto. And when he finally saw how embarassed his especial third rank, would he finally fight her? Yrrana is the biggest fish. The biggest bait. Hindi niya pa man natatapos ang pagtugtog ay nakarinig na siya ng yabag ng paa. Nagmamadali ito. The third rank crossed her peripheral vision. She's running away. Ipinagpatuloy niya ang pagtugtog. One fine stroke and she's done. Pinanood niya ang ginawang pag-igting ng panga ng unang ranggo habang pinapanood ang pagtakbo ng ikatlong ranggo. He's sitting like he's holding back his emotions. She saw how the officials refrain the ranks from leaving, attempting to follow the third rank. Even the hands of the saiku ranku is shaking. Funny. Ayaw nitong makikitang nasasaktan ang pinakamamahal na ranggo, lingid sa kaalaman na traydor itong magsalita. How pitiful. Marahan niyang ibinalik ang instrumento. Nakakabingi ang katahimikan habang tinatahak niya ang daan pababa ng entablado nang hindi inaalis ang paningin sa unang ranggo. Sa kabila ng nangyayari ay wala pa rin mababakasang emosiyon sa kaniyang mukha. "Ashton!" Sumabog ang samu't saring komento nang tumayo ang unang ranggo. Naglaho ito sa paningin ng lahat. "Stay here! Wala ng susunod sa ikatlo at unang ranggo!" anang babaeng opisyales. Walang nagawa ang mga ranggo kundi ang mahinto sa kinauupuan nang akma na namang susunod. Matalim ang pagkakatingin sa kaniya ng ilan sa mga ito, kung hindi naman ay nahihiwagaan. Siguradong sinundan na ng unang ranggo ang ikatlo. So what about the duel? Hanggang ngayon, wala pa rin si Simeon. Tumugtog ang malakas na musika. Nang ipagpatuloy ang kasiyahan ay doon siya tiyumempo para umalis doon at hanapin ang dalawang ranggo. She needs to continue, kahit na wala si Simeon. Madilim na ang ilang parte ng unibersidad. Malayo na siya sa kasiyahan na tanging pinanggagalingan ng ilaw. Saan niya naman kaya mahahanap ang dalawang ranggo? She stepped on a branch. Doon na siya nagpasiyang huminto. The third rank's yellow ball-gown is too fancy to be seen from afar. Nakayupyop ito sa puno malapit sa parke. Tila kailangan ng panahon na mag-isa. Hindi niya alam kung dapat niya ba itong kaawaan. Ginawa niya lang ang misyon niya, hindi niya na dapat pang iniisip ang nararamdaman ng iba. She slowly walk back to find the first rank. Kung hindi siya magpapatuloy ay hindi siya uusad. Hindi ang ikatlong ranggo ang pakay ng unang ranggo. Dahil kung oo, kanina pa sana itong naroon. He's the highest rank, siguradong madali na iyon para rito. Kuso. Naramdaman niya ang kakaibang prisensiya sa kaniyang likuran. Naglaho ito, hindi siya sigurado sa nagmamay-ari ng katawang iyon. She run. It feels like she was automated. Halos matumba siya nang biglaang lumitaw ang unang ranggo sa harapan niya. So he's here? Is he finally going to grant her request for a duel? Ilang segundo silang magkatitigan, ni hindi siya nakarinig ng kahit na ano rito. He's just staring at her with no anger evident. But... she thought. "A duel with a newbie isn't hard for a rank like you, right? Your precious things won't be harmed if you just accept the duel." Sa kabila ng kaniyang sinabi ay walang nagbago sa emosiyon nito. Again, she was hypnotized by those silver eyes. Hindi siya makapaniwalang tinalikuran lang siya ng unang ranggo. She was about to call him when someone from behind her spoke. "A duel in bed with me is far more better than that boring rank." What? She feels disgusted when she finally turned her back to see the man who uttered those dirty words. The fine-instructor, Mr. Tolentino. Muli niyang naramdaman ang takot na naramdaman nang sinubukan siyang itali ni Blan ng nakahubad, mas malala ang takot na nararamdaman niya ngayon. Mabilis niyang nilingon ang unang ranggo na hindi pa naman nakakalayo, pero hindi rin nag-aksaya ng segundo na lingunin ang gawi niya. While watching the rank, why does she feel like crying. "I can't see it in your face, Ms. Ishihara. But I know you are afraid by now, you should not. You'll enjoy this-" Bago pa man nito maituloy ang sasabihin ay nagawa niya na itong sapakin. f**k her ball gown. It's too hard to move wearing this! He is disgusting. An instructor preys a student like her? It makes sense... the way he looks at her and treats her. "I am a student, you'll be punished," said without a trace of fear in her voice even if she's feeling the opposite. Simeon... She can't help but to chant his name. Where is he?! "May alas ako, Ms. Ishihara. I won't get the punishment you're saying." Mariin nitong pinunasan ang dugo na lumandas sa labi nang makatanggap ng suntok mula sa kaniya. She tried to punch the instructor again, but this time he was able to caught her fists. Nanlaban siya, pero hindi niya nagawang makawala. He's a peculiar in body, worst an instructor who's knows everything about his ability. "Let go of me, Mr." Malagkit ang tingin nitong umiling sa kaniya. "I won't." Napahiyaw ito nang magawa niyang sipain ang kaliwang binti nito, pero hindi doon natatapos ang lahat. Nawala siya sa balanse dahil natamaan niya ang suot na gown. Naging malakas ang pagtama ng kaniyang likod sa lupa. "Kuso..." Galit na sumigaw si Mr. Tolentino sa kaniya. Nawala ang mabait nitong asta. He is a two-faced monster. "Inuubos mo ang pasensiya ko, Ms. Ishihara!" Why's everybody's getting on her way?! Hindi ganito ang mga inaasahan niyang mangyari! Wala na siyang lakas nang hawakan nito ang kaniyang braso. Mariin iyon, halos mapiga ang laman niya. She crawled. Lumabo sa kaniyang paningin ang unang ranggo na malayo na sa kinaroroonan nila. Misyon ang ipinunta niya rito... hindi ito. Simeon... Nagawa niya pang tawagin sa huling pagkakataon si Simeon bago pa man sila lumitaw sa lugar ng instructor. Alam niya ang building na kinaroroonan nila, malayo ito mula sa kanilang unit. Kahit na imposible, hindi siya nawalan ng pag-asa na maririnig siya ni Simeon. The instructor dropped her on a sofa. She's shaking. Maging ang pagtakas ay nawala na sa isip niya. "You have no family outside this university, am I right?" Unti-unti itong pumatong sa kaniya. He's holding a sharp knife, tracing her cheeks. It's alright. It's just her body. Hindi siya puwedeng mamatay hangga't hindi natatapos ang mission. She'll just endure the pain and disgust. Her body froze when his lips finally touches her neck. Why does she have to get through this? Marahan itong umangat mula sa pagkakapatong sa kaniya. Unti-unting hinuhubad ang saplot pang itaas. How disgusting. But in a split of seconds... Kumalat ang dugo mula sa dibdib nito. It was a gun! A gun with a silencer. She hurriedly got up to see what's happening. The man behind the trigger is no other than the first rank. But why... Nagawa pa itong lingunin ni Mr. Tolentino. "Fuck... I didn't know that a highest rank could be a big traitor." Tumawa pa ito na tila walang iniindang sakit. Muling kinalabit ng unang ranggo ang gatilyo nang hindi naaalis ang madilim na awra. Sa isang iglap ay bumagsak ang katawan ni Mr. Tolentino. Nagtama ang mata nila ng unang ranggo. Akala niya'y isusunod na siya nito nang talikuran lang siya nito para tahakin ang daan palabas ng pinto. Nanikip ang kaniyang dibdib. Pinigilan niya ang emosiyon. Why did he save her? As fast as she could she run after the rank. Hanggang ngayon ay abala ang lahat sa kasiyahan, sigurado siyang walang nakakita sa nangyari. Kusa itong huminto nang wala pa naman siyang sinasabi. Tila nabasa ang kaniyang iniisip nang magtama ang kanilang mata. Marahas nitong ipinulupot ang palad sa kaniyang braso. Hindi niya nanagawang bawiin ang sariling braso dahil sa halo-halong emosiyon na nararamdaman. Muling nagtama ang kanilang mata. Masyado silang magkalapit sa isa't isa kaya naman madali na sa kaniyang naamoy ang natural nitong aroma. "I am a rank and this is my obligation." Naging malalim ang paghinga nito. "You're my prey, not anyone's." Mas lumakas ang pagtibok ng kaniyang puso. This is far louder than earlier when she is scared. There's something else... IT'S HIS FAULT. IT'S HIS FAULT WHY X is in that situation. He's now walking away. He tried his best not to feel this. If only he could block her voice, but she kept on calling her. He kept on hearing the p*****t instructor's voice. Simeon... His jaw tightens. The envelop was from him. He ordered the instructor to take care of it, in return he can have X nang hindi malalaman ng kahit na sino. No one will close their mouth when given an order like this, except those who has given prizes. It's his fault. Huminto siya sa paglalakad. Nang lingunin niya ang kaninang puwesto, wala na roon ang instructor at si X. He'll kill that instructor. "Fuck." He teleported at their unit as fast as he could after he left X at the instructor's units. When he heard that someone's coming, he hurriedly covered himself with a blanket, pretending to be asleep. Gaya ng inaasahan, pumasok sa kaniyang kuwarto si X. Umupo ito sa paanan ng kaniyang kama. Mabibigat ang ginawang paghinga. Matagal bago ito nagsalita. "I t-think... the plan worked. Have a good rest. Goodnight." Hindi pa man ito nakakalagpas sa kaniyang kuwarto ay narinig niya na ang hikbi nito. "The yakisoba is too bland. Give me that." It feels like someone's piercing his heart. No one appreciates his effort. Everyone just sees him as a useless brat who only know is to depend to his family. A rank who always plays safe. But that day... he could finally have one. Which is X. "Hindi nga ito para sa'yo!" Binawi niya ang yakisoba nang tangkain itong kunin ni X. "Fine," ika nito tila sumuko na. "Look!" Kaagad niyang nilingon ang tinuro ni X, pero wala siyang nakita. Nang ibalik na niya ang paningin niya, hawak na ni X ang yakisoba na nakapatong sa hita niya. "I knew it, it tastes better than that." Napanguso siya. It tastes the same though. Itutuloy. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD