Fifteen

2386 Words
PASIMPLENG NILINGON NI X si Simeon na tahimik sa kaniyang katabing upuan. Alam niyang nagsimula ito kahapon, nang dahil sa yakisoba. Hindi dapat siya makaramdam nang ganito, pero nagkukusa. She's still guilty. "What's our second move?" pasimple niyang ibinulong kay Simeon. Kasalukuyang nagkakaroon ng debate ang mga estudyante at ang instructor na si Mr. Tolentino. Hindi ito ang tamang oras para tanungin iyon, sadyang nawalan lang siya ng pagkakataon dahil lumabas kagabi si Simeon. She waited at their unit, but when Simeon cameback hindi siya nito pinansin nang sanang magsasalita na siya. Inaral niya ang tungkol sa unang ranggo, pero inaamin niyang mukhang mas malalim ang pagkakakilala nito sa unang ranggo. She realized she really need Simeon. "Hey..." bahagya niyang sinipa patagilid ang sapatos nito. Nanatiling ang paningin ni Simeon kay Mr. Tolentino na tila ba nakikinig talaga. She sighed. Hindi mahaba ang pasensiya niya kaya naman ngayon pa lang ay nakakaramdam na siya ng inis. "How about let me demonstrate the action para mas maunawaan ninyo?" dinig niya pang sabi ni Mr. Tolentino. Wala siyang nagawa kundi ang tignan ang instructor para magpanggap na nakikinig. "Ms. Ishihara, halika." Hindi man bakas sa kaniyang mukha, hindi siya komportable sa tuwing tumitingin sa kaniya si Mr. Tolentino. There's something about his stares that gives her chills. Dahil hindi naman siya puwedeng tumanggi ay labag sa loob siyang tumayo at pumunta sa unahan. Hindi na siya nakapagsalita para itanong kung ano ang gagawin nang tangkain nitong yakapin ang magkabila niyang bewang. Kaagad niyang naagapang mangyari iyon. Sa isang iglap ay napilipit niya ang braso ng instructor. "Woah!" Nag-ingay ang mga estudyante, bakas ang paghanga. "Ah!" Napaingit naman si Mr. Tolentino nang hindi niya ito kaagad na binitawan. "W-what are you doing?" Kataka taka ang pagiging maamo nito sa kaniya. Sandali niyang idiniin ang pagkakapilipit ng braso nito bago binitawan. "One thing that I hate the most is to be touch, Mr. Instructor." "Don't be too hard on me, Ms. Ishihara." Tumawa ito na tila wala lang ang ginawa niya para rito. Walang kurap niya itong tinalikuran para bumalik sa upuan at tapusin ang klase. Tuluyang natapos ang klase. Naunang tumayo si Simeon. She thought he would wait for her, pero tinalikuran na siya nito at naunang lumabas na siya naman ang talagang gumagawa at si Simeon naman ang nakabuntot sa kaniya. "Walk slowly," anang niya pa. Ni hindi ito lumingon. They were heading to the faculty to get her gown and Simeon's suit for the party. Isang araw na lang ay gaganapin na iyon. She's getting excited - not because of the party itself, but to the thought that all tokuyu's focus would be on the event so there's more chance to do something that would trigger the first rank. Kaya ganoon siya kaatat kausapin si Simeon para sa isang ideya. Sabay nilang narating ang faculty. Pinirmahan nila ang form na kailangan para magkaroon ng permit na kumuha ng gown at accessories na kailangan sa gaganapin na ball sa stock building. "Uh... what do you think should I wear?" Nagkunwari siyang nagtanong kay Simeon kahit na wala naman siyang pakialam kahit na ano ang masuot. Sa wakas ay nilingon na siya nito. Tinignan naman nito ang kabuuan ng masikip nang kuwarto dahil sa dami nang nakahanger na gown per stand. Hindi na siya komportable sa sikip kahit na malaki naman ang area, daan-daan naman ang mga gown na naroon. How did they manage to fill the stock building with stuffs like this? Kahanga hanga. Walang imik niyang sinalo ang suit na napili ni Simeon. Mukhang ito ang pipili nang para sa kaniya. Talaga bang wala itong balak na kausapin siya? Sandali itong nawala sa paningin niya, marahil ay natakpang ng mga stand. Maybe he's four meters away from her now. Nagliwanag ang mukha niya nang bumalik ito dala ang tube-top royal blue ball gown. Kinuha nito ang suit mula sa kaniyang kamay at isinampay sa katabi nilang stand. She thought that Simeon would give her the gown, but he just put it along his suit. With eyes wide open, she startled when both of Simeon's palm landed to her waist. Hindi niya nagawa ang kanina lang na ginawa kay Mr. Tolentino. "W-what are you doing?" she nervously asked. Inosente siyang tinignan nito. "Wala akong makitang measuring tape. So I am measuring your waist with my hands." Gusto niyang matawa. Pero hinayaan niya na lang ito. Siguro nga'y naging malisyoso lang ang pagiisip niya. "Now get your gown and face it to me." Tumalima siya sa utos nito. "Here." "Oh... it's too big. Why's your waist so small? I need to find another one." "Why do you need to do that when I can just wear this to know if it fits me," she said. "There's no fitting room in this area." Napakurap siya. "There's no need for that. Then, I won't remove my clothes." Sandaling napatitig sa kaniya si Simeon. Nanlaki ang mata. "What?" she innocently asked. Hindi ito nagsalita, napapunas sa noo. "Are you thinking that..." hindi niya na iyon nagawang ituloy. Pakiramdam niya'y nag-init ang pisngi niya. Parehas silang hindi makatingin sa isa't isa. Why are they both so naive? Dahil doon ay nagpanggap siyang naghanap ng panibagong gown na kakasya sa kaniya. Ipinangalan lahat ng mga hiniram na gamit sa kanila. Ultimo sa paglabas ng building ay hindi sila naglilingunan. Mas nagkaroon pa ng mas malaking barrier sa pagitan nila. Wala nang susunod na mga klase dahil lahat ay naghahanda para sa gaganapin bukas. A free day for tomorrow's party is great to think for plans. YRRANA FEELS FRUSTRATED lalo siyang nawalan nang gana na magtanghal. She really wants to fight X. Kung hindi nga lang siya pinigilan ng mga ranggo. Naningkit ang kaniyang mga mata. Naisip niya nang gawing palihim ang laban, pero labanan kaya siya nito? Base on her observations whenever X included in a fight, she was called useless everytime. Hindi naman siguro iyon nagkataon. So... that word has something to do with her? "What were you thinking?" It's Quuor. Nahinto siya sa pagtanaw sa mga estudyante mula sa veranda ng kanilang penthouse. Makikita ang saya sa mga ito, sabik sa kaganapan bukas. Because of that the classes were cancelled. What a waste of time. "What to wear at the party," she lied. Hindi naman peculiar in mind ang ikalawang ranggo. There's no way he could read her mind. "You'll look good in anything that you wear..." "Ikaw ang date ko, kaya dapat lang na magandang maganda ako. Isa pa, magpeperform ako para sa mga opisyales at bisita." Natahimik ito. Humilig sa kinatutuunan na veranda. "What? Umaasa ka na magiging date mo si X?" nandoon ang sarkasmo sa kaniyang boses. Hindi niya maitago. Why would ask X, when she's just beside him? "Cause I thought you'd be paired-up to Ashton." The reason why she asked Quuor in front of the ranks is because of the first rank. He is a Yomashi. Isang hiling lang ay nasusunod. She remember the consecutive years whenever Ashton requests to be her partner. Hindi siya makatanggi. "This is our last year here," she said. "Hindi naman siguro masama kung iba ang maging date niya for this year, palagi naman siyang pinagbibigyan." "Yrrana." Naging mariin ang pagkakabigkas ni Quuor. Well, he is originally kind. Tila nakababatang kapatid ang turing nito kay Ashton. Kaya malamang ay sasawayin siya nito. But she is really frank. Walang preno ang bunganga niya. "What? Tama naman ako 'di ba? He needs to come out of his shell. Siya ang unang ranggo. He should know his responsibilities. Ang alam niya lang ay manahimik at mangolekta ng mga regalo sa-" "Yrrana!" Hindi biro ang inis na ipinakita nito sa kaniya. "I'm sorry okay?! I know I am harsh, but this is the truth!" Napailing ito sa kaniya. "You know that he likes you." Siya naman ang natahimik. She's smart. Kung paano pa lang siya tratuhin ni Ashton, alam niya nang gusto siya nito. He's just an introvert and tight-lipped boy that's why he isn't good at expressing his feelings. "He likes me, but I don't like him the way he did. You also know that you are the one that I like so don't push me to that chil-" Naputol siya sa pagsasalita nang makarinig ng natabig na bagay. She's sure that they're the only one in their penthouse. Ang mga kapwa nila ranggo ay may inaasikaso para sa pagdalo sa kasiyahan. Kung ganoon... NAPANGISI SIYA NANG MARINIG ang plano ni Simeon. The first rank is really weird. First thing was his cabinet filled with presents and now an aquarium? "Are you sure?" hindi nakatakas ang natatawang tono niya. "It's in their classroom, but it's locked 'cause the classes are cancelled." She shrugged. It's a waste of time to make fun about it. Susundin niya na lang ito dahil mas nay alam ito kaysa sa kaniya. "Then, where are we going to find the key?" Hinawakan siya nito. Kaagad niyang hinila ang pulso niya. Hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang kakaibang pakiramdam na dulot nito at ngayon ay dadagdagan pa? "Hold my hand!" inis pa ito. "What's wrong with you?!" she shouted back. Hindi siya ganoon kadaling magtaas ng boses pero dahil sa asta ng kaharap ay nagkukusa iyon. "I said I don't want to-" bago niya pa man makuha pabalik ang braso ay nagteleport na sila sa likod na parte ng penthouse ng mga ranggo. Inis siyang inismiran ni Simeon. She did the same. Naging maingat sila sa pagpasok sa loob. Sigurado raw si Simeon na walang tao roon. Kung bakit alam nito ang kinaroroonan ng susi ng silid-aralan ng mga ranggo ay iyon ang hindi niya alam. Maaaring dahil dati itong ranggo kagaya ng sinabi nito. She just followed him quietly. She's also trained to move like an air and to pass to a dim place without a trace or any shadows. Simeon walk to the stairs without any sounds, she also did. Pinasok nila ang isang kuwarto. Muli na naman siyang namangha. Magdadalawang linggo pa lang siya sa unibersidad at hindi pa nalilibot ang kabuuan niyon. Hindi pa nakikita pero alam ang bawat impormasyon. Talagang malaki nga ang ginastos sa bawat facilities na narito. Dahil ang mga estudyanteng ito ay itinuturing na investments ng Yoguri corporation. They are inside a room filled with instruments and glass cabinets. The place is lighted by yellow chandeliers and bulb. It's wide and sophisticated. She bit her lip as she scan the violin displayed in a glass cabinet with the other string instruments. "Bakit ka huminto?" Pabulong nang itanong ito ni Simeon. "Nothing. Let's find the key-" Hindi siya kaagad na nakakilos nang magkatitigan sila nito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magsalita na ni kumurap ay hindi niya magawa. Tila hinihigop siya ng kakaiba nitong mata. It's black but it still seems different. She can't explain it. "How surprising..." anang pa nito. "I got the key." She was about to speak when Simeon finally turned his back at her. What's surprising? Naudlot ang sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang kulitin si Simeon na ituloy ang sasabihin. "Surprising what?" she asked. "Cause I thought you'd be paired-up to Ashton." Nagkatinginan sila ni Simeon. f**k. There's someone in this room's balcony! Sabay silang napatago sa gilid ng slidding door na naghahati sa balcony at sa kuwartong kinaroroonan nila. "We already have the key. Let's teleport before we get caught!" she whispered. Hindi siya pinansin ni Simeon. It feels like he's listening attentively to those two ranks from the balcony. "This is our last year here. Hindi naman siguro masama kung iba ang maging date niya for this year, palagi naman siyang pinagbibigyan." It's the third rank, Yrrana. Laging pinagbibigyan? "So these ranks seems like back-stabbing your future leader." Humilig siya at nangaasar na ibinulong iyon kay Simeon na nanatiling nakatalikod sa kaniya para silipin ang dalawang ranggo. "Yrrana," sinaway ito ng ikalawang ranggo. "It's your second rank, the leading man type?" she continue dissing the ranks. "What? Tama naman ako 'di ba? He needs to come out of his shell. Siya ang unang ranggo. He should know his responsibilities. Ang alam niya lang ay manahimik at mangolekta ng mga regalo sa-" "Yrrana!" The second rank seems mad. Gusto niyang mapasipol nang marinig iyon. "He would die anyway." "I'm sorry okay?! I know I am harsh, but this is the truth!" "You know that he likes you." Umawang ang kaniyang labi. "Seriously? Are we really going to eaves-drop about this?" "He likes me, but I don't like him the way he did." "That freaking hur-" napalunok siya nang magtama ang mata nila ni Simeon nang sa wakas ay harapin na siya nito. Tinitingala niya ito. Maliwanag sa labas ng balkonahe at tumatagos iyon sa pagitan ng salamin at ng manipis na puting kurtina na kinatataguan nila kaya kahit papaano ay naging malinaw sa kaniya ang mukha nito. His eyes were mad. Nakita niya na ang ganito ng reaksiyon ni Simeon nang panoorin sa kantina ang pag-alis ng ikatlo at ikalawang ranggo nang magkasama. But this time, he's more livid. But for what? Dahil ba pinagsalitaan niya nang masama ang mga ranggo? He said that he's a former rank before so maybe that's why he's mad because he's offended? "A-are you... alright?" Hindi niya dapat nararamdaman ito. Nagkusa nang makitang magtubig ang mata ni Simeon. "You also know that you are the one that I like so don't push me to that chil-" Marahas nitong hinawakan ang braso niya na lumikha pa ng ingay nang tumama ang kamay ni Simeon sa salaming pintuan ng balkonahe. Napahinto ang ikatlong ranggo. Paniguradong narinig sila. Akala niya'y mahuhuli na sila nang sa isang iglap ay nakabalik na sila sa hallway ng kanilang unit. He looks so weary. Pumasok ito nang walang imik sa unit matapos magbitaw ng titig sa kaniya. Sinundan niya ito. "How about the aquarium..." hindi niya na sana ito itatanong dahil halatang nagbago ang timpla nito, pero mahalaga sa kaniya ang misyon niya. "Abort the plan." Inis niyang sinundan ng paningin si Simeon na naupo na sa sofa na katapat niya. "W-what?" Bagama't may halong inis ay nanatili siyang kalmado. "Let's have the biggest fish." Hindi siya nagsalita nang hindi maunawaan ang sinabi nito. "The third rank. She will be our next bait." Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD