Nineteen

2075 Words
MAG-ISANG UMUPO SA BAKANTENG upuan sa dinning area ng penthouse si Juszine, ang ikaapat na ranggo. Binabantayan niya ang maintenance engineer at ang mga tauhan nito na inaayos ang PDS o ang Peculiar Detector System na nasira nito lang nakaraang buwan kaya naman hindi na madetect ang mga biglaang lumalabas o pumapasok na peculiar in body sa kanilang penthouse nang walang paalam, hindi magagawang marinig ng nga peculiar in hearing ang usapan sa loob ng penthouse kung nasa labas ito, hindi magagawa ng peculiar in sight na nakita ang nasa loob ng penthouse at ng mga facilities na may PDS ganoon na rin sa mga peculiar in mind. The reason why there's PDS in the student's units, rank's penthouse, official's building and the other facilities except from the classrooms of the regular students is mainly because for everyone's privacy and safety. When PDS exists in a building, hindi magagamit ng mga peculiars na gamitin ang kanilang ability. It's good in terms of security, but for those peculiars in body who has a consent... hassle ang ganito. The reason why the first and second rank were able to teleport the time when Blue reported that the newbie which is X was in danger. Hanggang ngayon din ay iniisip niya pa rin ang reaksiyong ipinakita ng punong guwardiya na nagiimbestiga sa pagkamatay ni Mr. Tolentino. Fishy. Humigpit ang kapit niya sa kulay asul niyang dart. Who exactly is the culprit? "It's fixed, fourth rank." Tumango ang maintenance engineer sa kaniya. Lahat ng employees sa unibersidad ay peculiars. Hindi puwede ang mga normal na tao sa unibersidad. Gustuhin man ng mga ito o hindi ay mapaparusahan sila. "You may leave now," anang niya. Ni hindi niya tinignan ang mga ito hanggang sa tuluyan nang makaalis. Lumilipad ang kaniyang isip. Those four is getting weird... Ashton, Yrrana, X... and that Simeon. "Motives..." naramdaman niya ang biglaang paglitaw ni Laxy, ang ikawalong ranggo sa likuran niya. "Why are you holding your dart? Are you going to warn someone?" Hindi naalis ang seryosong ekspresiyon sa kaniyang mukha. "What motives?" "Why would they kill Mr. Tolentino?" Tumango siya. "Ofcourse, motives... let's go." Halos sabay silang nagteleport ni Laxy papunta sa classroom ni X at Simeon. Two fishes at the same time. Hindi sila puwedeng pumunta sa crime scene since hindi na nila iyon trabaho at mukhang talagang doble ang pagbabantay roon. Nanatili siyang nakatayo samantalang prenteng sumandal si Laxy sa dingding ng hallway na katapat ng pinto kung saan tanaw ang dalawang baguhan. Tahimik na nakikinig si X, samantalang bahagya itong dinadaldal ng katabing si Simeon. Tila wala itong nakikita, ngunit nagpatuloy sa pangungulit si Simeon. Bago pa man nila maagaw ang atensiyon ng mga estudyanteng nasa silid ay nauna na siyang maglakad na sinundan ni Laxy. Nahinto mula sa paglalakad sa hallway at sa pagsipol ang pamilyar na estudyanteng may kulay asul na buhok. Gulat nang makita sila. Nakita niyang kasama ito ni X nang gabi ng acquintance party. Lito itong nakipagtitigan sa kaniya. "You are Blue, right?" Marahan itong tumango. Naramdaman niya naman ang naguguluhang pagbaling ni Laxy sa kaniya. MATINGKAD ANG NGITI NA IBINIGAY sa kaniya ni Simeon. Simula nang manggaling sila sa parke ay mas naging masigla pa ito. Tila hindi nangangawit sa kangingiti. Nasanay na lamang siya kahit na nakakailang dahil titig na titig ito sa kaniya. "Malapit na ang birthday ko!" He said out of nowhere. "Five days na lang." Walang emosiyon siyang nag-iwas ng paningin rito. "Happy birthday." "Hindi pa naman ngayon..." nararamdaman niyang nakanguso ito ngayon. "Advance." Lahat sila ay tinipon sa field para sa archery; lahat ng mga peculiar in body kaya naman natatanaw niya ngayon si Blan na tinututukan siya ng pana. May mas lala pa ba sa pagiging isip bata nito? In Filipino..."Mukhang tanga." "Ha? Ako?" Kaagad na sumama ang mukha ni Simeon sa kaniya. Nakatalikod ito kay Blan na katapat nito kaya marahil inakalang siya ang tinignan at sinabihan. Hindi siya nagsalita. Sinubukan niyang gamitin ang pana. "Are you sure the first rank is already mad? So we won't kill his fishes anymore-" "I don't kill animals." Sandaling natigilan si Simeon. "Why not?" "Why yes? Let's just wait for him to make a move." Nang lingunin niya si Simeon ay awang na ang labi nito sa kaniya. "Move!" She shouted. Nanlaki ang mata niya. Bago pa man niya maitulak si Simeon, nagawa na nitong saluhin ang arrow na pinakawalan ni Blan kahit na nakatalikod. Unbelievable. This long-haired muscular boy really is crazy. Nakita niya pang nagulat si Blan na nagawang saluhin ni Simeon ang palaso. Ibinalik niya ang paningin kay Simeon na nanatiling nakatitig sa kaniya. Nasa kaniya ang buong atensiyon ni Simeon kanina at nagawa nitong masalo ang pana. Does he have eyes at his back? Hindi niya na kinaya. Paano kung hindi nito natiyempuhang masalo ang palaso? Siguradong matatamaan sa braso si Simeon. Ubos na ang pasensiya niya kay Blan. She was about to head to Blan when Simeon hold her arm and pulled her back easily. "Not again, X." Wala siyang nagawa kundi ang alisin ang kamay nito mula sa kaniyang braso. Hindi niya rin naman alam kung bakit biglang kumulo ang dugo niya. Hindi naman sana siya ang tatamaan. "You are Simeon, right?" Isang matangkad na babae ang lumapit sa kanila. Mahaba ang kulot na buhok nitong hanggang bewang, disente magsuot ng uniporme kumpara sa ibang mga babaeng estudyanteng nakikita niya rito. Imbis na tumango si Simeon ay nakipagtitigan lang ito sa babae. Sa isang iglap ay nawala ang atensiyon nito sa kaniya. Wala rin siyang nagawa kundi ang tignan ang babae. Inosente itong ngumiti. "I'm Adeline, pinapatawag ka sa opisina ng mga opisyales." Hindi niya inaasahang marinig iyon. Ngayon ay nagaalala niyang binalingan si Simeon. Tinanguhan nito ang babae. "Wait, why are you being called to the office of the officials?" Simeon shrugged. "I need to go. Wait for me here. Babalik din ako kaagad." She had a bad feeling about this, but she ends up knodding her head. Nang magteleport paalis si Simeon, dumako naman ang paningin niya sa babaeng nagpakilala bilang Adeline. It's weird how the girl c***k her eyes at her na parang sinusuri ang reaksiyon niya, nasundan iyon ng nakakalokong ngisi bago lumakad ang babae patalikod sa kaniya habang kinukulot ang mahabang buhok. Who is that? Why does she needs to look at her like that? "Muntik ko nang tamaan ang tagapagligtas mo-" Nahinto sa pagsasalita si Blan na lumapit sa kaniya nang talikuran niya ito. Humabol pa ito ng pagtawag sa kaniya, pero hindi na siya nag-abala pang lingunin si Blan. Ilang oras na ang lumipas at natapos na ang ensayo para sa archery. Wala pa rin si Simeon. Hindi siya gumalaw mula sa sinasandalang bench na malapit sa puwesto niya kanina. Ang sabi nito ay dito maghintay at babalik kaagad, pero bakit hindi pa rin bumabalik si Simeon? He was called at the office of the officials... what if? Hindi naman siguro. Kung nalaman ng mga opisyales ang pagtraydor nito sa mga tokuyu, dapat sana ay kasabay na siyang kinuha. Then why... Hindi pa sila kumakain ni Simeon. Mag-aalas siyete na at magsasara na ang Canteen. Sanay na rin naman siyang malipasan ng gutom kaya hindi niya na iyon ininda at tinahak na ang daan papunta sa gusali ng mga opisyales. Malayo ang tinakbo niya kaya naman nakaramdam siya ng kaunting pagod. Matagal bago niya nilapitan ng tuluyan ang bulwagan na hinaharangan ng babasaging pinto at ng mga guwardiya ng unibersidad. "Pangalan?" Anang unang guwardiya sa kanan. Sandaling kumunot ang noo niya. "Kung ganoon, wala ang pangalan mo rito? Hindi ka maaaring pumasok." Is he a mind reader? Kaagad siyang nag-iwas ng paningin at nagkunwaring ang nakikitang loob na parte ng gusali ang tinitignan. "Makakaalis ka na," dugtong pa nito. Magpupumilit pa sana siyang pumasok nang biglaang mamatay ang mga ilaw sa gusali. "Why did they turn off the lights?" Wala sa sariling naitanong niya. "Dahil sarado na ang opisina. Umuwi ka na sa unit. Malalim na ang gabi. Hindi ipinagbabawal ang paglabas, pero hindi maaaring pakalat kalat ang mga estudyante sa tapat ng mga pribadong establisyemento." "What about my friend?!" Tumaas bigla ang kaniyang boses. Nagkatinginan ang dalawang guwardiya. Pinatay na ang ilaw at magsasarado na ang opisina. Kung ganoon bakit hindi pa bumabalik si Simeon? "Sarado na, Ms. Ishihara." Tila binasa pa ng isang guwardiya ang nameplate niya. "Ibig sabihin, wala nang tao sa loob." "But..." "Umuwi ka na, hindi mo gugustuhing mapatawan pa ng parusa." Blangko ang ekspresiyon niyang tinalikuran ang mga iyon kahit na naiinis siya. Tinungo niya ang unit. Halos manginig siya sa pagpindot ng password. Wala. Walang tumambad sa harapan niya. Tinakbo niya ang parke. Binubundol na siya ng kaba. This is her last resort. "Where... are you?" He isn't there. Simeon's gone. She thought Simeon would comeback that night 'til sunrise, but he isn't. It's been five days and he's still missing. Talagang nagaalala na siya. Hindi niya kayang magisip ng masamang nangyari rito. Wala siyang mapagtanungan. Wala siyang mahihingian ng tulong dahil si Simeon lang mismo ang kaibigan niya sa unibersidad. Siguradong wala ring amor ang mga ranggo na tulungan sila... Nabuhayan siya nang maalala ang ranggong makakatulong sa kaniya. Ang ikasiyam na ranggo. Kaagad niyang tinakbo ang pagitan nila ni Paiver na nauna na sa laboratory. Doon niya ito napiling kausapin, lugar na hindi gaanong napupuntahan ng mga estudyante. "Why do you want to talk to me?" Kumibot ang labi niya. "And why aren't you wearing your glasses?" dugtong pa nito. Tuluyan na siyang napaiwas ng paningin. Iniwan niya ang salamin sa unit. Siguradong mababatikos siya ng pinuno kapag nalamang nangaalala siya para kay Simeon. Hindi naman siguro nito irereport sa kanilang pinuno ang hihingin niyang pabor rito. "Do you... do you know where Simeon is?" Natigilan ang kaniyang kaharap. "Why are you looking for him?" No. Their deal is just between them two. Hindi niya puwedeng idahilan kay Paiver na katulong niya ito sa misyon. "I..." "You what?" She could hear Paiver's impatient tone. "I need to find him. Help me." Matagal bago ito sumagot. Tila tinitimbang pa ang mga sinasabi at pinapakita niya. "Simeon is... in the punishment hall." Namanhid siya nang marinig iyon. Hindi niya nagawang makapagsalita. "He's the main suspect for the murder of Mr. Tolentino." INIS NA NAPAKAMOT SA ULO si Blue. Bakit nga ba kasi iyon ang sinabi niya? He doesn't have the right to conclude, but since the night of the acquaintance party hindi na nawala sa isip niya si X. She's really is strong, courageous and independent. Naaalala niya pa ang eksaktong itsura ni X nang pasukin ang venue nang walang kapareha. It was... too delicate to watch. He's getting crazy. And when he figured-out that the ranks suspecting X for Mr. Tolentino's death... he couldn't help but to lie. Nalaman niyang nakakulong ngayon si Simeon sa punishment hall at hinihintay na lang ang parusang ipapataw. "s**t! You're an idiot, Blue!" anang niya pa sa sarili. Binalikan niya ang paguusap nila ng ikaapat at ikawalong ranggo na huminto sa harapan niya nang araw na iyon. "You're with X in the acquiantance party, right?" He knew it. It's about that instructor's death. "And?" "I saw the both of you with the instructor," dugtong pa ng ikaapat na ranggo. "Nang mawala ang ikalawang ranggo, sumunod ang unang ranggo... at sumunod si X." He saw it. How the instructor also teleported when X left the venue. "If it's about the murder, I'll give you a clue." "You'll give us a clue?" Anang ikawalong ranggo. "Dapat ka rin ba naming pagsuspetsiyahan?" "I remained at the party until the event is done, so I'm not the one to suspect here." "Then? Who are we going to suspect?" Nakangisi namang itinanong ng ikaapat. He sighed. "I have a friend who's in the same classroom as X and her... hero." "And?" Tila hindi na makapaghintay ang dalawang ranggo. This is somewhat true, but he's not an idiot. Motibo sa pagpatay ang ipinunta ng mga ito. So he'll give them a motive. "He said that Simeon was not in a good terms with the late instructor, he didn't attend the party at nakita niyo rin naman sigurong dumalo si X nang walang kasama." Nagkaroon siya ng lakas ng loob na lagpasan ang mga ito. Nilingon niya ang pintuan ng classroom nila X na nadaanan niya. He bit his lip as the time slowed down as he looks at her. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD