“Hay naku, nasaan na ba si Jasmin?! Kanina pa tayo naghihintay sa kanya! Matatapos na ang lunch break wala pa rin siya” Naiinis na saad ni Kimberly habang nakatingin sa labas ng cafeteria.
“Di na naman siguro sila pinalabas on time Ms. Hernandez.” sagot ko sa himutok ni Kimberly.
Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa loob ng cafeteria. Nakaugalian na namin na sabay-sabay kaming mag lunch. Naging magkaklase kami noong 1st year at nagkasundo. Pero after 1st year ay nagkahiwalay hiwalay kami ng sections pero di nasira ang pagkakaibigan namin.
“Bakit hindi nyo siya tawagan?” suhestyon ni Florence.
“Wala ako pantawag, eh. Meron ka ba?” sagot ko kay Florence.
“Wala din ako eh, ikaw Kimberly , meron ka ba pantawag?” tanong ni Florence kay Kimberly.
“hehehe, wa rin eh.” nakangising sagot din nito.
“Wala pa rin tayong pagbabago, lagi pa rin walang load.” saad ko.
Biglang tumunog ang cellphone ko, “Nagtext si Jasmin, parating na daw siya." Basa ko sa phone ko. Tumayo ako pagkatapos kong basahin ang text. "Pipila na ako, para pagdating niya eh may pagkain na tayo, ano ang sa inyo?”
“Tulad pa rin ng dati ang akin” sagot ni Kimberly,
“Ako rin,” sagot naman ni Florence.
“Okay.”
Pumila na aq sa counter. At ang haba ng pila. Isang lalaki ang nasa unahan ko. Di ko makita ang kanyang mukha dahil masyado siyang matangkad para sa isang tulad ko na 5’2 lang ang taas. Humahalimuyak din ang mamahalin nitong pabango.
Mukhang gwapo pag nakatalikod, eh pag humarap kaya? Baka chaka?
Bigla akong natawa sa naisip ko. Di ko namalayan na ang lalaking nasa harap ko na ang nasa counter.
“Miss, isang sinigang at rice.” Wika ng lalaki sa babaeng nasa counter na mukhang namalikmata pa sa pagtitig sa lalaking kaharap. Medyo familiar sa akin ang boses ng lalaking nasa harapan ko pero di ko matukoy kung sino.
Mukhang natulala pa yata ang babae kaya nagsalita na ako dahil naiinip na ako sa di pa pagkilos ng babae.
“Miss, isang isang sinigang daw at rice.” Mukhang nagising na ang babae sa pagsalita ko.
“Ah, eh, yun lang ba?” tanong ng babae sa lalaki na nakangiti pa sa kaharap na parang nangangarap.
“Yun lang miss.” seryosong saad nito sa baritonong boses. Pati boses, mukhang gwapo.
Pagkalipas ng ilang minuto ay tumabi na ang lalaki sa kaliwa upang hintayin ang kanyang order. Ako na ang nasa harap nang counter at di ko maiwasan na tingnan ang mukha nang lalaking nagpatulala sa babae.
Naramdaman siguro nito na nakatingin ako kaya gumawi rin ito ng tingin sa akin.
Mas lalo kung nasilayan ang gwapong mukha nito. "Bakit parang familiar siya saakin?" bulong ko sa sarili ko.
“Maya, tinatanong ka nung crew kung anong order mo. Kanina ka pa nakatulala diyan.” nakakunot na ang noo nito habang nakatitig sa akin.
“Ha?” Ay putek, nakalimutan kong ako na ang nasa counter. “Ah,, oo nga pala.. hehehe.. Thank you.” saad ko dito. Nakakahiya. Pasimple ko pang pinahid ang labi ko. Baka tulo laway pa ako sa kanya habang nakatingin. Kinuha na nung lalaki ang order niya at umalis.
Nung nasabi ko na ang order ko at gumilid para hintayin i serve ang order ko, may narealize ako. "Teka! Bakit kilala niya ako? Eh hindi naman ako nagpakilala sa kanya?" Biglang may isang imahe anglumitaw sa isip ko. "OMG! Si Jacob Chua. Anong ginagawa nito sa St. Luis Academy?! Kaylan pa siya nakabalik ng Pilipinas?"
Kilala niya ito dahil magkapitbahay sila. Anak ito ng kakompetensya nila sa negosyo. Mula kasi ng magtayo ng Bakeshop ang pamilya nito ay unti-unti ng nabawasan ang customer ng kanilang bakery na ikinainis ng parents niya.
Pinagbawalan siya ng parents niya na makisalamuha sa pamilya nito lalo na dito. Kaya sa tuwing magkakadaupang-palad sila ay di niya ito pinapansin.
Nagulat na lang siya isang araw ng kausapin siya nito at sa pagkataranta niya na makita siya ng parents niya ay naitulak niya ito.
Labis ang pagkabigla sa mukha nito at Simula noon ay wala na itong ginawa kundi ang asarin siya sa tuwing nakikita siya nito. Mukhang nagtanim ito ng sama ng loob ng naitulak niya ito dahil nasaksihan ito ng mga kaibigan nito at ng parents niya.
Kaya labis ang kagalakan niya ng mabalitaan niya na umalis ito ng Pilipinas at Pumunta ng Hongkong kung nasaan ang grandparents nito dahil mawawala na ito sa landas niya at matatahimik na siya. Pero ngayong bumalik ito ay bigla siyang nangamba para sa magiging high school life niya.
Inilapag ko na ang order namin sa table. Nandito na rin si Jasmin. Sinisermunan ni Kimberly ito na halata namang di nakikinig dahil abala sa pagtingin sa labas.
“Jasmin makinig ka naman. Pag na late ka na naman mauuna na talaga kaming kumain.”
“Sorry, di na mauulit. Wala kasing magkalakas ng loob sa klase na sabihan si Ms. Hernandez na break na.”
“Yan din yung sinabi mo last time, eh.” naiinis na sagot ni Kimberly dito. "Ikaw na kasi magkusa sa susunod."
“Maya , sino yung chinitong kausap mo kanina?” tanong sakin ni Florence habang ngumunguya ng fries.
“Ha? Sino?” patanong kong sagot.
“Yung lalaking kausap mo habang nakapila ka kanina.” nakangising sagot sakin ni Florence. "Infairness, ang gwapo." Umakbay ito sa akin. "Di ko alam na malakas din pala ang loob mo na kumausap ng lalaki."
“Si Jacob.”
Biglang nabilaukan si Florence sa fries na kinakin niya. "Si... Jacob 'yun?" gulat na tanong nito sa akin.
"Oo." maikling sagot ko.
"Yung matabang chinito na lagi kang inaasar nung mga bata pa tayo?" tanong ulit nito sa akin. Magkapitbahay at matagal na kaming magkaibigan ni Florence kaya kilala niya rin ito. Tumango na lang ako bilang sagot. "Oh my God! ang gwapo na niya ngayon, friend." titingin pa sana ito kung saan nakaupo si Jacob pero pinigilan ko siya sa mukha.
"Huwag mo nang tingnan." gigil na sagot ko. "Mamaya, malaman pa niya na pinag-uusapan natin siya."
"Eh, totoo naman na pinag-uusapan natin siya ngayon."
"Kahit na, huwag ka naman pahalata." mulat kong saad.
Nakangising tumitig ito sa akin. "Natatakot ka ba? Masyado na kayong matanda para asarin ka pa niya tulad ng dati."
"Sana nga. Pero kung sakali man na guluhin niya ang buhay ko, lalaban na ako." sagot ko dito.
“Maya, bakit ngayon ka lang?” Bungad sakin ng isa sa mga seatmate ko na si Andrea.
“Bakit?” tanong ko habang inaayos ang gamit ko bago umupo.
“Wala lang. Pero alam mo na ba ang bagong balita?" nakangiting tanong nito sa akin.
"Balita? Hindi, wala pa akong alam. Bakit? ano ba 'yun?" balik tanong ko dito.
"May bago tayong klasmeyt."
"Sino?" tanong ko dito pero natigil ito sa pagsagot ng biglang pumasok ang napakabait kong homeroom teacher na si Mrs. Nadine Lee.
“Good morning class.” Si Mrs. Lee ang unang bumabati sa amin. Nakangiti ito sa amin habang nagalalakad papunta ng table nito. Sa edad nitong limampu't pito ay napakaganda pa rin nitong tingnan. "May bago tayong transferee student. Mr. Jacob Chua, pumasok ka na."