Naka sakay na kami sa sasakyan ni Ken ako ang nasa likuran at si Paul naman ang nasa unahan dahil nga sa lasing na si Paul eh kung anu ano ang sinasabi at kwe-nekwento nito ng malapit na kami sa apartment ay si Paul na ang unang bumaba dahil una nameng madadaanan ang apartment nya at agad naman ito bumaba '' Catalina hindi kapa baba ''tanong saken ni Paul''agad namang sumagot si Ken ''okay lang pre malapit nalang naman ata apartment din ni Katelyn ihatid ko nalang din sya '' agad naman akong sumagot ''okay lang Ken dito nalang din ako malapit na din naman yong bahay ko para dika na din maabala late na din para makauwi kana din agad at makapagpahinga na din.
Umalis na din Ken pagka baba ko ''gusto mo bang kumain muna?''tanong ni Paul saken'' hindi na busog pa naman ako tsaka wala ng bukas ng gantong oras no masyado ng malayo kung dun pa tayo kakaen sa may lugawan''saad ko sakanya '' hindi naman tayo sa lugawan kakaen eh dito sa apartment ako may stock ako ng paborito mong noodles dyan ano tara ''dagdag pa nya .
Napaisip ako sa sinabi ni Paul at bigla nanaman pumasok sa isip ko ang nangyari samen baka maulit nanaman ang mga nangyari pero dahil alam ko na wala naman yon sa kanya ay ipinakita ko din sakanya na wala din yon saken kahit alam ko naman na ako lang talaga ang nag iisip nun.
Pumasok na kami sa loob ng apartment nya at nagluto naupo lang ako sa may lamesa habang inaantay matapos ang niluluto nya maya maya pa ay ''Catalina wala kabang itatanong saken" wala naman at napaisip ako kung ano ba ang gusto kung itanong sa kanya ? bakit me dapat ba akong itanong sayo? ''saad ko sakanya'' Wala naman ,wala ka bang naaalala? tanong nya sa akin'' at dun ko naisip yong nangyari samen kaya nagpanggap nalang ako na wala ''Wala naman bakit ano bang nangyari lasing ka nga kung ano anu sinasabi mo eh ''pabirong sabi ko'' ayoko na din kasi sanang ungkatin pa yong nangyari samen para di kami magka ilangan sa isat isa at tumigil na din sya sa pagtatanong nya .
Kumain na kami ng sabay tulad ng dati iniiwasan ko nalang tumingin sa mapupungay nyang mata at nilibang ko ang sarili ko sa pagkaen''gusto mo dito kana lang matulog? saad saken ni Paul''at bigla nalang akong nasamid sa tanong nyang iyon ''hindi na sa bahay wala akong bahay ''patawang sabi ko sakanya '' minadali ko na ang pagkaen ko para makaalis agad hindi naman kasi ganun si Paul dati kaya naguguluhan din ako .
Nagpaalam na ako kay Paul na uuwi na ko palabas na ko ng pintuan ng ''biglang niyakap nya ko ng patalikod sa kanya dahil nakatali ang buhok ko ay ramdam ko sa leeg ko ang mainet nanaman nyang hininga hindi ko alam pero nagustuhan ko ang ginawa nyang yon saken na para bang may pumipigil saken para hindi umalis pero naisip kong hindi tama yon kaya minabuti ko nalang din na umalis ''hoy Paul mangungutang ka ba at naglalambing ka'' pabirong sabi ko nalang sa kanya'' at agad din naman syang umalis sa pagkaka yakap sa akin at nagmadali na din akong umalis .
Habang naglalakad ako pauwi ay naisip ko pa din ang ginawa ni Paul saken gusto nya ba ko kaya nya ginawa yon? oh dahil gusto nyang maulit lang din ang nagyari sa amin,mas lalo akong naguguluhan sa mga pangyayari.
Kinabukasan.....
To be Continued............