Chapter 26 UMIGKAS ang kamay ni Liberty sa pisngi ni Theo. Nanginginig ang buo niyang katawan dulot ng halu-halong emosyon na kanya nararamdaman-- gulat, sakit, at galit. Parang sinasakal ang kanyang dibdib at unti-unti na siyang nanlalambot. Nagmistula siyang kandila sa kanyang kinatatayuan at nalalapit nang maupos. Tila nabingi siya sa kanyang narinig, gano'n pa man ay mabilis na naglakbay ang sakit mula sa nanginginig niyang kalamnan patungo sa kanyang dibdib. It was the most silence of her life. Ilang minuto siyang nakipalaban ng mariing titig kay Theo. Bumuka ang kanyang mga labi sa unang beses ngunit wala siyang naririnig na boses mula sa kanyang lalamunan. Kumuyom ang kanyang kamao kasabay ng paglaglagan ng mga marami pang luha sa kanyang mga mata. "Baby, I'm... I'm sorry--" Ma

