"SORRY," mahinang anas ni Art habang nakahiga sa tabi niya. Katatapos lang ng mainit na sandali sa kanila. At katulad nang unang beses na may mangyari sa kanila, tumatanggi ang isip niya ngunit nadadaig ito ng traidor niyang puso at katawan. Nakaunan siya ngayon sa dibdib nito habang nakahiga ito at nakapatong ang isang braso sa noo, at ang isa ay nakapulupot sa katawan niya. Binalak sana niyang lumayo rito pagkatapos, ngunit hindi siya nito pinayagan. May pwersang kinabig nito ang katawan niya at mahigpit na ipinaikot ang braso sa kanya, sinigurong hindi siya makakalayo rito. Kaya't damang-dama niya ang pagkakadikit ng mga hubad nilang katawan. Tila wala sa loob na marahan pa nitong hinahaplos ng mga daliri ang braso niya. Pataas. Pababa. Paikot-ikot. May nararamdaman siyang masarap na

