Kabanata 17

1715 Words
"SIYA nga pala, hindi ba't sabi mo hahanapin mo si Papa, may balita ka na ba kung nasaan siya?" tanong ni Angelica kay Zero habang lulan sila ng sasakyan nito para ihatid siya sa trabaho. Nagtatakang lumingon sa kaniya si Zero na tila hindi inaasahan na itatanong niya iyon. Agad din itong umiwas ng tingin sa kaniya. "Ah! T-tungkol kay, Tito? I've tried to find him, My Angel pero mukhang mahirap siyang hanapin dahil wala akong mahanap na impormasyon kung nasaan siya," sagot nito habang nakatingin sa kalsada. Ngumuso siya. Bumakas ang lungkot sa mukha niya. "Mukhang ayaw talaga niyang magpakita sa akin." Dapat na ba niyang tanggapin na hindi na ito magpapakita sa kaniya? "Hindi iyon ganoon, Angel baka hindi ka pa lang niya kayang harapin dahil sa lahat ng ginawa niya sa iyo," komento ni Zero. Binalingan niya ito at bakas ang simpatiya nito para sa kaniya. Hindi niya magawang ngumiti kaya umiwas na lang siya ng tingin sa nobyo. "Sana nga, Zero." Humalukipkip siya. "Sa kabila ng lahat ng nangyari at sa mga ginawa niya sa akin, nag-aalala pa rin ako sa kalagayan niya. Kumakain pa ba siya ng tama? Nakakatulog ba siya ng mahimbing? Natatakot ako para sa kaniya, Zero." Narinig niya ang pagbuga ng hangin ng binata. "Hindi mo kailangan mag-alala sa kaniya—I mean, I think he's in good situation right now." Lumingon siya kay Zero at hindi agad nakasagot. Baka sinasabi lang nito iyon para pagaanin ang loob niya. Ngumiti siya. "Sana nga," pagsang-ayon niya. Kapagkuwa'y huminto na ang sasakyan ni Zero sa tapat ng gusali kung saan siya nagtatrabaho. Humarap sa kaniya si Zero at hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Konting panahon na lang, magkikita rin kayo ng Papa mo. I'll do everything para mahanap ko siya at maiharap ko sa iyo dahil alam kong iyon ang makakapagpasaya sa iyo at gagawin ko iyon. Gusto ko palagi kang masaya at alam kong mabubuo may kulang pa rin diyan sa puso mo at iyon ay ang Papa mo." Ngumiti ito na nagbigay sa kaniya ng pag-asa na magkikita ulit sila ng kaniyang ama. Hindi niya alam pero naiiyak siya dahil sa sinabi ni Zero. Ramdam niya mula rito ang pagmamamahala at ang pakialam nito sa kaniya. Masaya na siya na kasama niya ito pero hindi pa rin sapat iyon dahil kulang pa rin hanggat wala ang kaniyang ama. Labis na pagpapasalamat ang nagrarapat niyang ibigay kay Zero dahil sa Kabutihan nito sa kaniya. "Shh! Don't cry! Basta magtiwala ka lang sa akin, ok? Ihaharap ko sa iyo ang iyong ama." Tumango ito. Pinahid nito ang luha sa mga mata niya at hinalikan siya sa noo. Kapagkuwa'y bumaba ang labi nito sa kaniyang mga labi. Pumikit siya at hinayaan itong angkinin ang kaniyang mga halik. Wala na siyang ibang mahihiling bukod sa magkita na sila ng kaniyang ama. Napakasuwerte niya sa pagmamahal na binibigay sa kaniya ni Zero. — "SIGE, mauna na ako sa iyo," paalam ni Mhariel sa kaniya. Kumaway pa ito habang paliko sa daan patungo sa tinitirhan nito. Ngumiti siya sa kaibigan. Nang mawala na ito sa paningin niya, nagsimula na rin siyang maglakad. Kinuha niya ang cellphone na nasa shoulder bag niya. Kumunot ang noo niya nang wala siyang nakitang text o missed call mula kay Zero. Hindi kasi ito nagsabi na hindi siya nito susunduin. Bigla tuloy siyang nag-alala para rito. Baka may nangyari na sa binata. Matapos niyang mag-send ng message kay Zero, mas binilisan niya ang paghakbang para madali siyang makarating sa bahay dahil baka nandon ang binata. Habang naglalakad siya, napahinto siya nang mapansin ang isang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa tapat ng isang maliit na kainan, sa kabilang gilid ng kalsada. Kumunot ang noo niya. Maliwanag kasi sa gawing iyon kaya agad niyang nakita iyon. Mas nagulat siya nang bumaba mula sa sasakyan si Zero. Nanliit ang mga mata niya. Ano'ng ginagawa ni Zero roon? Kinuha niya ang cellphone at nadismaya siya ng makitang wala itong reply. Akala pa naman niya ay abala ito sa trabaho kaya hindi siya nito nagawang sunduin. Hindi niya maintindihan pero bigla siyang kinabahan. Kung ano-ano ang pumasok sa isip niya kung bakit nandoon ang binata. Hindi siya mapakali kaya nagpasiya siyang tumawid ng kalsada at sundan ang binata kahit natatakot at kinakabahan siya sa maaari niyang makita. Bumilis ang t***k ng puso ni Angelica nang makarating siya sa tapat ng kainan. Halos hindi niya kayang ihakbang ang mga paa niya para pumasok doon at tingnan kung bakit nandoon ang binata. Nilakasan niya ang kaniyang loob. Pilit siyang tinutulak ng isip niya na puntahan ito roon. Dahan-dahan habang nanginginig ang mga kamay niya habag binubuksan ang pinto ng kainan na iyon. Mas nadoble ang boltahe ng kabang nararamdaman niya. Nang mabuksan niya iyon, tumambad sa kaniya ang tahimik na lugar, iilan lang ang kumakain doon. Tuluyan siyang pumasok. Iginala niya ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng silid na iyon at nakita niya ang pamilyar na bulto, sa gawing gilid ng silid. Kumunot ang noo niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa gawing iyon. Mas lalo siyang nagtaka nang makitang hindi babae ang kasama ni Zero. Mula sa likod ng lalaking kausap nito, pamilyar ito sa kaniya. Ang lapad niyon, ang hugis ng ulo at ang panamamit nito. Sinalakay siya ng kaba habang papalapit sa dalawang lalaki. Halo-halong emosyon ang nagsisilitawan sa kaniyang damdamin. Napangiti siya nang tuluyan niyang maaaninag ang lalaking kaharap ni Zero. Binalot siya ng kaba at pananabik dahil tama nga siya, ang kaniyang ama ang kausap ni Zero. Kumalat sa sistema niya ang labis na saya at kagustuhan niyang yakapin ang ama. "I'm sorry, Tito pero hindi po dapat malaman ni Angel na matagal na tayong nagkikita." Ang saya at pananabik na naramdaman niya ay naglahong parang bola. Napalitan iyon ng pagkadismaya at pagkagulat. Napawi ang ngiti sa mga labi niya. Ano'ng ibig sabibin ni Zero? "A-ano'ng ibig sabihin nito?" Kapwa nagulat ang dalawa nang marinig nito ang boses niya. Nagkatinginan pa ang mga ito. "A-anak!" nauutal na sabi ni Fernando. Ngumiti ito na bakas ang saya at pananabik sa mukha nito dahil sa wakas nagkaharap na ulit sila. Iyon din sana ang mararamdaman niya kung hindi niya narinig ang sinabi ni Zero. Tumayo sa pagkakaupo si Fernando at lumapit sa kaniya. "T-tama ba ang narinig ko, Zero, Papa? Matagal na kayong nagkikita habang ako naghihintay na magpakita ka sa akin, habang ako umiiyak kapag akala ko ikaw 'yong nakikita ko." Bumaling siya kay Zero. "I trusted you, Zero." Hindi na niya napigilan ang tumulo ang luha sa mga mata niya. "Nagtiwala ako sa 'yo. Alam mo na umiiyak ako, hinanap ko si Papa, gusto ko siyang makita at makausap at matagal mo na pa lang alam kung nasaan siya pero hindi mo sa akin sinabi. Bakit ka nagsinungalin sa akin? Bakit kailangan mong itago sa akin ang totoo?" sigaw niya sa binata. Hindi na niya alintana ang mga taong naroon. Saglit na yumuko si Zero, bakas sa mukha nito ang pagkabigla sa mukha nito. "A-Angel, let me explain," anito. Lumapit pa ito sa kaniya at hinawakan ang kamay niya pero agad niyang inilayo iyon. Umiling-iling siya. Pinahid niya ang luha sa mga mata niya. Kahit nanabik siya sa kaniyang ama, kahit gusto niya itong yakapin hindi niya magawa dahil nadagdagan na nama ang galit niya rito. "Ano pa'ng dapat mong ipaliwanag, Zero? Narinig ko lahat. Malinaw sa akin na matagal mo ng alam kung nasaan si Papa at itinago mo sa akin iyon. Akala ko pa naman tutulungan mo akong hanapin siya dahil sinabi mo sa akin iyon. Umasa ako, Zero pero all this time alam mo na pala kung nasaan siya?" Mapait siyang ngumiti at mariing tiningnan si Zero. Binalingan naman niya si Fernando. "Handa na sana akong patawarin at kausapin kayo, eh, pero nagbago na ang isip ko." Bakas an galit mga tingin niya. Akala pa naman niya'y iyon na ang panahon para magkaayos siya ng kaniyang ama sa tulong ni Zero, pero mukhang hindi iyon ang nangyari. Muli niyang tinapunan ng galit na tingin ang dalawa, saka siya tumalikod at naglakad palayo. Pipigilan pa sana siya ni Zero pero pinili nitong hindi iyon gawin. Patuloy sa pagluha ang kaniyang mga mata habang tumatakbo siya palayo sa lugar na iyon. Pakiramdam niya'y trinaydor siya. Pinaniwala siya ni Zero na tutulungan siya nito pero nagsinungalin ito sa kaniya, noon pa lang. Ano'ng dahilan nito para gawin iyon? Gusto niyang sumigaw para ilabas ang lahat ng sakit pero hindi niya magawa dahil sa public place siya kaya umiyak na lang siya ng umiyak habang kagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang paghikbi. Narating niya ang bahay at agad siyang pumasok doon. Dumaan siya sa silid ni Zero. Dahil sa galit niya, pumasok siya roon para sana ilabas ang mga gamit nito. Wala na silang dahilan para magsama pa dahil akala niya'y mapagkakatiwalaan niya ito, na maiintindihan siya ng binata pero nagkamali siya. Tumambad sa kaniya ang malinis na silid nito. Mabilis niyang kinuha ang mga maleta at binuksan ang mga cabinet. Marahas niyang inilabas ang mga damit doon habang umiiyak. Nang matapos niyang ayusin iyon, tumayo siya. Nang akmang lalakad na siya palabas para dalhin doon ang mga gamit ng binata, napansin niya ang isang papel na nakapatong sa ibabaw ng side table ni Zero. Hindi niya alam pero dahil sa curiosity niya, dahan-dahan niyang binitawan ang maleta at nilapitan ang papel. Kinuha niya iyon. Agad siyang sinalakay ng kaba nang mabasa ang laman ng papel. "Transfer Certificate of Title," basa niya sa papel. Ano'ng ibig sabihin nito? Akala niya'y hindi sa kaniya kukunin ni Zero ang bahay pero ano'ng ibig sabihin ng papeles na ito? Sunod-sunod na tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Napaatras siya at nanghihinang napaupo sa gilid ng kama. Nakita niya maletang inayos niya, saka lang niya naalala na siya pala dapat ang umalis sa bahay na iyon at hindi si Zero. Ano'ng gagawin niya? Niloku siya ni Zero para tuluyan nitong makuha ang bahay niya. Ang tanga niya para magtiwala sa binata at ibigay ang lahat dito. Kaya pala binayaran nito lahat ng utang ng kaniyang ama para tuluyan siyang mabaon sa binata at nang sa ganoon, hindi na niya ito mabayaran at wala siyang ibang magagawa kung 'di ibigay dito ang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD