Kabanata 9

2262 Words
HINDI maunawaan ni Angelica ang tunay na ibig sabihin ni Zero sa kaniya nang sabihin nitong isasama siya ng binata sa isang party bilang girlfriend nito. Sinubukan niyang tanungin niya itong tanungin pero hindi ito umimik. Tila ba may gumugulo sa isip nito at bakas ang nakatagong lungkot sa kaniyang nga mata. Mas lalo lang siyang nahiwagahan sa binata at sa totoong pagkatao nito. Pasado alas-onse na ng gabi pero hindi pa rin siya makatulog dahil sa kakaisip kay Zero. Mukhang hindi ito ang lalaking inaakala niya. Sa kabila kasi ng kasunduan nila, hindi niya maramdaman ang pagti-take advantage nito sa sitwasyon nila. Akala nga niya'y pahihirapan siya ng binata pero mukhang hindi naman ganoon ang gagawin nito. Bumuntong-hininga siya at nagpagulong-gulong sa malambot niyang kama. Mababaliw na ata siya sa kakaisip sa gustong mangyari ni Zero. Bakit kasi sa dami ng babaeng pwede niyang isama, bakit siya pa? Ano namang kinalamaan niya sa buhay nito? Hindi rin kasi niya maiwasang kabahan dahil alam niya ang mga taong nandoon sa party, hindi sila mga bastang tao lang, katulad sila ni Zero na nasa mataas na antas ng lipunan. Dahil hindi siya mapakali, nagpasiya siyang bumangon at pumunta ng kusina para uminom ng tubig. Baka kailangan lang niya niyon para makatulog. Tahimik siyang lumabas ng silid. Sinalubong siya ng madilim at tahimik na sala. Sanay kasi siyang pinapatay ang ilaw doon. Dahan-dahan ang bawat hakbang niya pero napahinto siya ng may mapansing bulto na nakatayo sa gawing tapat ng bintana. Kumunot ang noo niya. Si Zero ba 'yon? Dahan-dahan siyang lumapit sa switch ng ilaw. Ni hindi siya nakaramdam ng kaba o kahit ano'ng takot na baka kung sino ang naroon. Malakas kasi ang kutob niyang si Zero iyon. Binuhay niya ang ilaw at hindi nga siya nagkamali ng hinala. Nangunot ang mga noo nito at nanliit ang mga nata ng biglang kumalat ang liwanag. Mas nagtaka siya nang makitang umiinom ang binata. Mukhang malalim ang iniisip nito. Kita niya ang lungkot sa mga mata nito na kahit hindi ito magsalita, alam niyang may pinagdaanan ang binata. Hindi rin naman siguro ito iinom mag-isa nang wala lang. Bahagya siyang lumapit sa binata. Simpleng pajama at sando lang ang suot niya. "Bakit gising ka pa?" usisa niya. Umiwas din agad ng tingin ang binata sa kaniya. Bumaling ito sa labas ng binata habang nasa loob ng bulsa ang kaliwang mga palad nito. Hindi agad ito umimik. Uminom ito sa hawak na glass wine. "I can't sleep," malumanay nitong sagot. "Hindi lang ba talaga kayo makatulog kaya nag-iinom kayong mag-isa?" makahulugang tanong niya. Nararamdaman niyang may mas malalim itong dahilan kaya ito nag-iinom. Saglit na yumuko ang binata at bumaling sa kaniya. "Sa tingin mo may ibang dahilan?" seryosong tanong nito pero hindi roon bakas ang galit o inis. Umiwas ito ng tingin. "You're right, there's another reason why I'm drinking right now. Everyone told me na kapag uminom ka ng alak, kahit panandalian, mawawala ang lahat ng sakit at bigat na nararamdaman mo. Naniniwala ka ba roon, Angelica?" balik nitong tanong. Hindi agad siya nakasagot. Sa kabila ng gwapo nitong mukha, nababanaag niya ang lungkot sa puso nito. Bakit parang naiintindihan niya ang binata, ang nararamdaman nito gayong hindi naman niya iyon alam. Alangan siyang ngumiti. Umiling siya. "H-hindi ko alam kasi hindi naman ako naglasing nang iwan ako ni Papa at iwan niya sa akin ang maraming utang. Hindi rin naman ako naglasing nang mawala ang Mama ko, kaya hindi ko alam kung totoo nga iyon." Kahit matagal nang nangyari ang lahat ng iyon, sumilay pa rin ang lungkot sa puso niya. Marami nang nangyari sa buhay niya pero hindi niya naging takbuhan ang alak. Oo, uminom siya pero hindi para makalimot. Umiinom siya minsan kapag malungkot para mas mailabas niya ang nararamdaman niya. "Kung hindi alak, ano'ng ginawa mo para makalimutan ang malulungkot na bahagi ng buhay mo?" seryosong tanong nito habang nakatingin sa kaniya. Bahagya siyang yumuko. "Umiinom ako kapag malungkot pero hindi para makalimot kung 'di para ilabas lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman ko para in that way, gumaan ang loob ko. Saka, kapag malungkot ako hindi ako at nandoon sa puntong iyon, mas kailangan ko ang mga taong nakakaintindi sa akin, 'yong yayakapin ako." Ngumiti siya. Umiwas ng tingin sa kaniya ang binata. Uminom ulit ito sa hawak na wine glass. Pumihit ito at naglakad patungo sa sofa. Sinundan niya ito ng tingin pero hindi sita gumalaw. "Gusto mo bang uminom, Angelica? Samahan mo ako," alok nito. Bumakas ang pagkaalangan sa mukha niya. Nahihiya rin siyang makiharap sa binata, lalo't hindi naman sila close. Tatanggi na sana siya pero naisip niya ang plano na palambutin ang puso ng binata, na akitin ito. Baka kapag inusisa niya ang buong pagkatao nito, mapalambot niya ang matigas nitong puso. "O-ok lang ba?" nahihiyang sabi niya habang nakangiti. Simpleng ngumiti ang binata. "Of course, mas masarap mag-inom kapag may kasama," sambit nito. Ngumiti siya. "Sige," pagpayag niya. "Kukuha lang ako ng glass sa kitchen," paalam niya at nagmadaling pumunta ng kusina. Hindi niya maintindihan pero na-excite siyang mas makilala ang malalim na pagkatao ni Zero. Alam niyang hindi lang ito basta masungit sa kaniya, may malalim itong pagkatao na gusto niyang malaman. Bumalik agad siya sa sala dala ang glass. Umupo siya sa katapat na upuan ni Zero. Ngumiti ito sa kaniya at agad nilagyan ng alak ang baso niya. "How you manage being alone, Angelica?" Nag-angat siya ng tingin sa binata matapos niyang uminom ng alak. Sumeryoso ang mukha niya. Hindi rin agad siya nakasagot. Bigla niyang naalala ang lahat ng nangyari sa nakaraan niya, mula nang mawala ang kaniyang ina hanggang sa iwan siya ng kaniyang ama kasama ang marami nitong utang. Hindi niya mapigilang hindi malungkot dahil hindi naman naging madali. Malungkot siyang ngumiti. "It wasn't easy, Zero. Nang mawala ang Mama ko, everything's turn disaster for me. Nagsimulang magkagulo-gulo ang buhay namin dahil nalulong si Papa sa sugal hanggang sa puntong nabaon kami sa utang. Mahirap humakbang habang mabigat ang lahat. But then, I realized na hindi pa tapos ang mundo, nandoon pa ako, buhay ako at may-purpose kung bakit hindi ko kasama si Mama." Yumuko siya. "Naiisip ko 'yong mga taong nasa paligid ko, maybe they're experiencing same struggle like me and the fact na 'yong iba mas mabigat pa ang nararanasan pero lumalaban sila." Ngumiti siya sa binata. Hindi alam ni Angelica kung bakit nagawa niyang sabihin sa binata ang mga bagay na iyon ng walang pag-aalinlangan. Sa totoo nga, napakagaan ng loob niya na masabi iyon sa binata. Uminom si Zero sa hawak na glass. Mas nakita niya ang lungkot sa mukha nito. "You're still lucky, Angelica dahil may mga tao sa paligid mo na yayakap sa 'yo. What if you're struggling but you don't have someone to talk or even embrace you to comfort you?" mahinang tanong nito pero sapat para marinig niya. Napatitig siya sa gwapong mukhang ng binata. Ano'ng ibig nitong sabihin? Kaya ba wala akong makitang ibang tao na kasama niya? "A-ano'ng ibig mong sabihin?" Pilit siyang ngumit. "May tao bang walang kaibigan o kaya naman pamilya na pwedeng makausap o yumakap sa iyo?" nagtatakang tanong niya. Ngumiti si Zero pero bakas doon ang pait at lungkot. Muli itong uminom hanggang sa maubos ang nasa baso nito. Bakas na rin sa mukha nito ang tama ng alak. "I have family, I have friends pero hanggang doon lang sila sa tawag na pamilya at kaibigan. Magulo, right?" Ngumisi ito. "May family ako but they neglected me. Tinaboy nila ako dahil sino nga naman ba ako? Isa lang naman akong anak sa labas? Yes, I have a lot of friends but not because I'm friendly, dahil 'yon mayaman ako. Nakakatawa 'di ba? And you know what worst? My best friend na akala kong makakaintindi at dadamay sa akin, he betrayed me. Kaya sabihin mo sa akin, sinong yayakap sa akin?" Hindi na nga tinago pa ni Zero ang labis na sakit at lungkot na nararamdaman nito. Speechless siya dahil hindi niya inaasahan ang lahat ng nairinig mula rito. Hindi kasi si Zero ang tipo ng taong iisipin mong miserable ang buhat. Mayaman siya, nasa kaniya na ang lahat, pero ang totoo pala, hindi lahat ng bagay nakukuha niya. "Everyone thinks of me as a lucky guys. Mayaman daw ako, I can buy what I want. Nakukuha ko lahat ng gusto ko, pero ang hindi nila alam na hindi lahat ng bagay na sa akin. Yes, maybe we can say na lahat ng materyal na bagay pwede kong makuha, but not my family's attention at higit lalo hindi si Rian." Mabilis nitong tinungga ang glass at inubos ang laman niyon. Nakita rin niya ang nakakuyom nitong mga braso. Hindi maikakaila ang labis na poot sa puso nito. Kumunot ang noo niya sa pangalang binanggit nito. Rian? Narinig na ba niya ang pangalang iyon? Pamilyar kasi sa kaniya ang binanggit nito. Pilit niyang inisip kung saan niya iyon narinig at ganoon na lang ang gulat niya nang maalalang narinig niyang binanggit iyon ni Zero nang aksidente silang magkasiping sa iisang kama. Ang pangalang iyon ay ang akala ni Zero na siya. "Rian?" banggit niya sa pangalan nito. "I heard you mentioned her name," pagtatapat niya. "Girlfriend mo ba siya?" lakas loob na tanong niya. Namumungay na ang mga mata ni Zero, na halatang lasing na ito. Ngumiti pa ito. "You're right, I mean, you're wrong dahi hindi ko na siya girlfriend. She's my ex-girlfriend na ngayo'y girlfriend ng best friend ko. Hindi ba't ang saya?" Pagbigkas nito sa mga huling salita, bahagyang nabasag ang boses nito kasunod ang luhang pumatak sa mga mata nito. "F*ck them!" mura pa nito habang nakakuyom ang mga palad. "All my life, nagtiwala ako sa kanila. Naging mabuti akong kaibigan pero, sh*t, niloku nila ako ng talikuran." Suminghot si Zero. Muli nitong sinalinan ang baso at agad iyong tinungga. Nanatili siyang nakatingin sa binata. Hindi niya maiwasang hindi maawa sa pinagdaanan nito. Hindi lang tungkol sa pamilya nito, maging sa kasintahan nito na niloku siya kasama ang matalik nitong kaibigan. Iniisip pa lang niya ang sakit na dulot niyon, nadudurog na siya. Hindi iyon madali para sa binata, lalo't walang ibang taong gustong dumamay sa kaniya. Gusto niyang damayan si Zero, gusto niyang iparamdam sa binata na hindi pa rin ito nag-iisa, na nandoon siya na handa itong damayan at i-comfort dahil alam niya ang hirap ng mag-isa mong papasanin lahat. "I'm sorry to hear that, Zero. H-hindi ko alam na ganiyan pala kabigat ang pinagdaraan mo," aniya. Lumapit siya sa binata. Hinawakan niya ang balikat nito at marahang isinandal sa kaniyang balikat. Nakakailang baso pa lang siya pero ramdam na niya ang pagkahilo. "Kung gusto mong marinig ang sorry mula sa kanila, ako na ang hihingi ng sorry sa ginawa nila sa 'yo because deserve the apology." Marahan niyang tinapik ang balikat nito. Kahit naaamoy niya ang ang alak, hindi pa rin nakaligtas sa pang-amoy niya ang natural na mabangong amoy ng binata. Narinig niya ang paghikbi ng binata. Naawa siya rito at naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Hindi na rin niya naiwasang mapaluha dahil ang simpatiya niya ay nasa binata. Kapagkuwa'y bumitaw na si Zero sa pagkakasandal sa kaniya. Pinahid nito ang luha sa mga maa nito. Dahil magkatabi sila, hindi nalalayo ang agwat ng kanilang mga mukha sa isa't isa. Kita niya ng malapitan ang gwapo nitong mukha na may bahid ng lungkot at sakit na gusto niyang pawiin sa paraang alam niya. Ngumiti siya. "Zero, you're strong dahil hanggang ngayon, nakatayo ka pa at lumalaban," mahinang sambit niya. Hindi nagbago ang expression ng mukha nito. nanatili ang mga mata nito sa kaniya na para bang ayaw na nito iwaglit ang paningin. "Tama ka, malaking bagay ang yakap ng ibang tao, ng taong nakakaintindi sa 'yo. Thank you, Angelica," masuyong sabi nito. Ibang-ibang Zero ang nasa harap niya ngayon. Napakalayo nito sa masungit at mayabang na nakilala niya noon. Ngayon, alam na niya ang totoong pagkatao nito, ang totong Zero. "Dahil may pagkapareho ang sitwasyon natin at kung kaya kong pagaanin ang loob ng kahi sinong tao, gagawin ko," malumanay na sagot niya. Hindi pa rin winawaglit ni Zero ang paningin sa kaniya kaya nakaramdam siya ng pagkailang. Naging magulo ang mga mata niya at hindi alam kung saan iyon titingin. Bahagya na lang siyang yumuko. Kinakabahan siya at tila ba naging mainit ang gabi kahit malamig naman ang simoy ng hangin. Hindi na rin normal ang pagtibok ng puso niya. Nang mag-angat siya ng tingin kay Zero, nagtama ang kanilang mga mata. Bakas ang administration at paghanga sa mukha ng binata. Pakiramdam niya'y huminto ang pagtibok ng puso niya dahil tila ba nahuli ni Zero ang atensyon niya. Hindi siya makagalaw para iwasan ang mga tingin nito na tila ba nag-aanyaya sa kaniyang halikan ang maganda nitong labi. Mas tumindi ang kakaibang nararamdaman niya. Mas uminit ang paligid dahil sa mapanukso mga tingin ni Zero. Mayamaya pa'y naramdaman niya ang kamay ni Zero na humawak sa kamay niya na nakapatong sa sofa. Tila sinalakay siya ng boltaheng kaba. Hindi niya alam ang gagawin nang lumapit pa ang mukha ni Zero sa kaniya. Napalunok siya pero hindi niya magawang umiwas. Dahan-dahan ang paglapit nito sa mukha niya hanggang sa kusang pumikit ang kaniyang mga mata at hintayin na lamang ang paglapat ng mga labi nito sa kaniya. Hindi nga siya nabigo nang maramdaman niya ang malambot na labi ni Zero sa kaniya. Masuyo ang halik na iyon, puno ng emosyon at dama niya ang ligaya roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD