Prologue

542 Words
"ANO 'Pa? Ginawa mong collateral ang bahay na 'to sa utang mo para lang ipangtustus diyan sa bisyo mo?" gulat na sambit ni Angelica Soriano nang aminin ng kaniyang ama na si Fernando na ginawa nitong collateral ang bahay para makautang ito sa kung sino para ipangsugal. Natampal niya ang noo at napamaywang dahil sa inis at galit niya sa kaniyang ama. Kasalukuyan silang nasa salang mag-ama at marahil hindi na nito kinaya ang konsensiya kaya umamin na ito sa kaniya. Wala na nga itong ibang ginawa kung 'di ang magsugal, ginawa pa nitong collateral ang bahay na nag-iisang iniwan ng kaniyang ina. "Anak, I-I'm sorry," paghingi ng tawad ng kaniyang ama. "'Pa, naman alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang bahay na 'to. This is my Mom's home, ito lang ang iniwan niya sa atin. Nandito lahat ng alaala natin kasama siya," patuloy ni Angelica na hindi na naitago ang inis at galit sa ama. "Magkano ang inutang mo, 'Pa?" sabay seryosong tanong niya. Bahagyang yumuko si Fernando at malungkot na nag-angat sa kaniya ng tingin. "I'm sorry, anak. Alam kong mali ako sa ginawa ko at pinagsisihan ko iyon. Alam ko kung gaano kahalaga sa 'yo ang bahay na ito. Hayaan mo, gagawa ako ng paraan para mabayaran ko ang utang ko at para hindi kunin ang bahay." "Magkano ang utang mo, 'Pa?" muling tanong ni Angelica. "At paano mong mababayaran ang utang mo? Dahil diyan sa kasusugal mo, nababaon ka na sa utang at pati itong bahay, ginawa mo pang collateral," sumbat niya rito. Yumuko si Fernando. "Kalahating milyon, anak," pagtatapat nito. Nanlaki ang mga mata ni Angelica at napaawang ang bibig. Kalahating milyon? Saan kukuha ang ama niya ng ganoon kalaking halaga? "Kalahating milyon?" Napasinghap siya. "At paano mong mababayaran ang ganoon kalaking halaga? 'Pa, hindi mo ba naisip kung ano'ng mawawala sa atin kapag nawala ang bahay na 'to? 'Pa, naman hindi ka na bata, alam mo na ang tama at mali," saad niya na halos hindi makatingin sa ama. "Pasensiya na, anak hindi ako nag-isip," patuloy na paghingi nito ng paumanhin. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam ang sasabihin at wala na rin naman siyang magagawa dahil nangyari na ang lahat. Ang kailangan na lang niyang gawin, gumawa ng paraan para hindi kunin ang bahay pangbayad sa utang ng kaniyang ama. "Gaano katagal ang palugit na binigay ng inutangan mo, 'Pa?" Nangungusap na tumingin sa kaniya ang kaniyang ama. Namumungay ang mga mata nito na bakas ang pagsisisi roon. "Dalawang buwan," sagot nito. Mariin siyang napapikit. Dalawang buwan? Paano sila hahanap ng ganoon kalaking pera sa loob ng dalawang buwan? Hindi rin sapat ang kinikita niya sa trabaho niya bilang staff sa isang kompanya. Ang ama naman niya'y walang ibang ginawa kung 'di ang magsugal. Nakailang beses siyang nagbuga ng hangin bago iniwan ang ama sa sala. Hindi niya ito magawang tingnan. Nagagalit siya rito at gusto niyang isumbat ang lahat pero alam niyang wala nang patutunguhan pa iyon kung gagawin niya iyon. Hindi papayag si Angelica na mawala ang bahay na naging tahanan ng maraming alaala niya kasama ang ina. Tanging ang bahay lang na iyon ang naiwan nito. Hindi siya makakapayag at gagawin niya ang lahat para lang hindi ito mawala sa kaniya. Lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD