LAYLAY ang mga balikat niyang pumasok sa malaking gusali kung saan nagtatrabaho si Angelica bilang isang staff roon. Ukupado ang buong sistema niya sa nagdaang araw dahil sa maraming nangyari sa kaniya. Hindi pa rin siya makapaniwala na naibigay niya ang sarili sa lalaking hindi naman niya kilala at ang masaklap pa, ito ang lalaking pinagkakautangan ng kaniyang ama.
"Angel! Angel!" Lumingon siya nang maulinigan ang boses ang pamilyar na boses na iyon at hindi nga siya nagkamali, si Mhariel ang tumatawag sa kaniya. "Kanina pa kitang tinatawag parang wala kang naririnig. Are you ok?" Sinuri pa nito ang hitsura niya.
Umiwas siya ng tingin sa kaibigan at nagpatuloy sa paglalakad. "I want to be ok, Mhariel pero paano? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko, wala na akong uuwiang bahay," malungkot na pagtatapat niya. Naiiyak siya kapag naiisip na baka tuluyan na siyang paalisin ni Zero sa bahay niya.
Kumunot ang noo nito. "Huh? Bakit naman?"
"Mamaya ko na sasabihin sa 'yo ang lahat, I need to work for now. Kailangan kong mag-ipon ng malaking halaga para makuha ko ang bahay ko." Bumuga siya ng hangin. Saktong nasa tapat na sila ng silid kung saan sila nagtatrabaho. Pumasok siya roon, kasunod ang kaibigan. Hindi na ito nakapagtanong pa sa kaniya.
Nagsimula silang magtrabaho pero wala roon ang buong isip niya. Paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isip ang nangyari sa kanila ni Zero at ang gusto pagkuha nito sa bahay niya. Pakiramdam nga niya, walang pumapasok sa isip niya habang nakaharap sa monitor niya. Magulo ang isip niya at ang gusto lang niya, mabayaran ang utang sa lalaking iyon na walang pakialam sa nangyari sa kanila. Naiinis at nagagalit siya rito.
Rumehistro ang labis na gulat sa mukha ni Mhariel nang ikwento niya rito ang nangyari nang nagdaang araw, maliban sa gabing pinagsaluhan nila ni Zero. Kasalukuyang lunch time nila kaya nasa labas sila para kumain.
"What? Grabi naman ang Zero na 'yon. Dalawang buwan? Sa tingin ba niya ganoon kadaling bayaran ang kalahating milyon? Kung sa kaniya malamang oo dahil mayaman siya, pero sa ating mahihirap? Pang tatlong taong sahod ata natin 'yon, eh," reklamo nito na nasa kaniya ang simpatiya matapos lunukin ang pagkain.
Puno ng pagkabahala ang mukha niya na kanina pang nakasimangot. "Hindi ko alam, Mhariel. Paano ko babayaran ang kalahating milyon sa loob ng dalawang buwan? Kahit ibenta ko ang isang kidney ko, hindi pa rin sapat, eh." Gusto niyang maiyak sa tuwing iniisp ang utang ng ama na iniwan sa kaniya.
Halos hindi naman niya magalaw ang pagkain habang hawak lang ang kubyertos.
"Eh, 'di dalawa para konti na lang ang kulang. Sama mo na rin apdo, balun-balunan at atay mo para mabayaran mo ang half a million na utang ng Tatay mong marunong mangutang pero hindi marunong magbayad." Umingos pa ito.
Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan, saka sumimangot muli. "'Pag ba benenta ko ang lahat ng iyon, buhay pa ako? Eh, ano pang silbi ng pagbabayad ko kung mamatay na ako?"
"Oo nga ano?" Saglit itong nag-isip habang nakanguso. "Tama! Kung ibebenta mo rin naman lahat ng lamang-loob mo at pagkatapos patay ka na, eh, 'di ibenta mo na lang ang sarili mo sa kaniya. I mean, 'yong buhay mo." Ngumiti pa ito na parang nakaisip ng magandang ideya. Sumubo ito ng pagkain.
"What? Are you out of your mind, Mhariel? No! Higit sa five hundred thousand ang buhay ko," agad na reklamo niya pero agad napayuko nang maalala ang nangyari sa kanila ni Zero. Ibinigay niya ng libre ang p********e niya. Bakit nga kaya hindi niya singilin ang binata? Lumiwanag ang mukha niya. Desperado na kung desperado pero gagawin niya ang lahat para hindi mawala ang bahay na iyon. "Tama, Mhariel, may naisip na akong ideya."
Si Mhariel naman ang kumunot ang noo. "Ano'ng ideya? 'Yong aakitin mo si Zero o 'yong ibabayad mo ang sarili mo sa kaniya?"
"Basta may naisip na akong ideya at akin na muna iyon," masayang aniya samanatalang hindi niya alam kung magwo-work ba iyon o hindi.
"Kumain ka na kaya muna, Angel. Ako ang natatakot sa ideya mo, eh, baka kung ano na 'yan. Hindi naman ako seryoso na ibenta mo ang lamang loob mo, pero 'yong akitin mo si Zero, seryoso iyon." Bumungisngis si Mhariel sa kaibigan.
Natawa siya at napailing. Nagpatuloy sila sa pagkain.
—
TAHIMIK na naglakad si Angelica sa kalye matapos niyang bumaba ng jeep. Malapit lang naman kasi sa highway ang bahay niya. Isang kalye lang ang layo niyon. Abala siya sa pagtipa sa kaniyang cellphone.
Inilayo niya ang paningin sa hawak na cellphone nang marating ang bahay niya. Nagtaka siya nang mapansin ang nakaparadang kotse, 'di kalayuan doon. Kumibit-balikat lang siya. Lumapit siya sa pinto habang kinukuha ang susi sa shoulder bag na suot niya. Inayos niya ang hibla ng buhok na humarang sa kaniyang mukha. Nang hawakan niya ang doorknob ng pinto, nagtaka siya nang mapagtantong hindi iyon naka-lock.
Hindi agad siya gumalaw para buksan iyon. Kumunot ang noo niya. 'Sino ang nasa loob?' tanong niya sa sarili. Kinabahan siya dahil baka may magnanakaw sa loob ng bahay. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto habang kumakabog ang dibdib niya. Inihanda niya ang sarili sa madadatnan doon.
Ngunit nang tuluyang bumukas ang pinto, walang taong naroon kung 'di maleta at dalawang backpack na nasa sofa niya. Luminga siya sa paligid pero wala siyang makitang taong naroon. Nanlaki ang mga mata ni Angelica nang maisip si Zero. Paano ito nakapapasok sa bahay niya?
Bumakas ang kaba sa mga mata niya nang makarinig ng yabag sa bahaging CR, malapit sa kusina ng bahay. Dahan-dahan siyang humarap. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang tumambad sa kaniya ang topless na si Zero. Tanging tuwalya ang nakatapis sa bahaging baba nito. Napalunok siya at hindi namalayang nakatitig na sa maganda nitong katawan. Ang bawat pagdausdos ng mga butil sa makinis nitong balat patungo sa tila hinulma nitong abs ay nakikita niya.
Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin sa kaniya habang nagpupunas ng basang buhok. Hindi nakaiwas sa paningin niya ang malaking biceps nito. Sino bang hindi maaakit sa perpektong katawan ng isang Zero Cordalez?
"If you keep on staring at my body, baka tumulo ang laway mo."
Kumurap siya ng ilang beses nang nawala sa harap niya si Zero. Napalunok muli siya at kinalma ang sarili. Hindi niya alam kung saan titingin dahil sa pagkapahiya. Pakiramdam din niya'y namumula na ang kaniyang pisngi. Dahan-dahan siyang humarap at nakita niya si Zero na naghahanap ng damit sa maleta nito.
"A-ano'ng ibig sabihin nito? Bakit nandito ang mga gamit mo, huh?" nagtatakang tanong niya.
Lumingon ito sa kaniya. "Don't you remember? I was told you na dito ako titira, 'cause why not? Wala kang karapatang mag-complain dahil akin ang bahay na ito." Wala man lang emosyon ang mukha nito.
Kumurap-kurap siya. "What? A-ano'ng dito ka titira? Hindi pwede! Babayaran ko naman ang utang pero hindi ka pwedeng tumira rito."
"Sino'ng nagsabi sa 'yo? I'm the new owner of this house," giit nito.
"No! P-paanong nakapasok ka rito? May lahi ka bang akyat bahay gang?"
Tumayo ito habang seryosong nakatingin sa akin. Nasa harap niya ito habang kita niya ang lantad nitong katawan na parang isang modelo. Bahagya siyang tumingala dahil 'di hamak na mas matangkad ito sa kaniya.
Humakbang si Zero palapit sa kaniya kaya napaatras siya. Hindi nito inaalis ang seryosong tingin sa mga mata niya kaya agad siyang umiwas. Humakbang ulit ito palapit sa kaniya kaya muli siyang napaatras.
"Sa tingin mo ang gwapong katulad ko magiging isang akyat-bahay? This is my house that's why I have my own key to give me an access to go here whenever I wanted to."
Ni kaunting pagbabago sa emosyon ng mukha nito, hindi nangyari. Umaatras siya sa bawat paghakbang nito palapit sa kaniya hanggang sa nawalan siya ng balanseng dahil sa maling pag-atras niya. Napasigaw si Angelica at mariing napapikit.
Inasahan niyang babagsak siya sa matigas na sahig pero hindi iyon nangyari bagkus naramdaman niya ang matigas na braso na pumulupot sa baywang niya dahilan para hindi siya bumagsak. Napakapit sita sa balikat nito. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at tumambad sa kaniya ang gwapong mukha ni Zero na nagdala pa ng dagdag na dating ang basa nitong buhok na bahagyang mahaba. Nakahinga siya ng maluwang pero nanlaki ang mga mata at nagtak nang may maramdaman siya sa gawing binti niya.
Napakurap siya ng ilang beses. Gumuhit ang pagkabahala sa mukha ni Zero. Napakurap ito. Nakita niya ang malaking adams apple nito na tumaas-baba dahil sa paglunok nito.
Mabilis siyang tumayo nang bahagya siyang kabigin ni Zero. Bumitaw ito sa kaniya. Hindi niya alam pero imbis na tumalikod, tumingin siya sa parteng baba nito sa kuryusidad sa nangyari.
"Haa!" sigaw niya nang makita ang kahubaran ni Zero. Natanggal nga ang tuwalya sa katawan nito nang saluhin siya. Mabilis na tinakpan niya ang mga mata.
"Hey! Ayusin mo nga ang pagtakip ng mata mo, you're still see me," reklamo nito habang mabilis na inaayos ang tuwalya sa katawan.
Tumalikod siya at napalunok ng ilang beses. Kumurap-kurap siya habang bakas ang pagkapahiya sa mukha niya. Pakiramdam sin niya ay namumula ang pisngi niya.
"Nahiya ka pa, nakita mo na rin naman ang bagay na ito."
"Kapal mo! W-wala akong intensyong tingnan ang maliit—I mean, 'yang ano mo," tarantang aniya.
Ngumisi si Zero. "Maliit pala, huh? Napaungol ka nga nito at muntik mo ng hindi kayanin."
"Tumigil ka nga! Nakakadiri ka!" Sumigaw pa siya, saka tinakpan ang tainga habang nakapikit dahil sa mga sinasabi nito.
Narinig na lang niya ang mahinang pagtawa ni Zero at ang yabag nito patungo sa banyo. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at inis na tiningnan si Zero na palayo. Pumadyak pa siya sa sahig.
Marahas siyang naglakad patungo sa silid niya at umupo sa gilid ng kama niya. Natulala siya nang muling nilarawan ng utak niya ang kabuuang katawan ni Zero. Marahan at dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi na namumula dahil sa hiya. Sa huli'y umiling siya ng ilang beses para ilayo sa isip niya ang nakakatulalang katawan ni Zero.