"Alam mo ba kung saan hahanapin si Sonja?" tanong ni Vladimir kay Lucian. Napabuntong hininga si Lucian at umiling. Wala siyang idea kung nasaan si Sonja pero ang Pilipinas lang ang naisip niyang puwede nitong puntahan. Umaasa siyang nandoon nga ito. At kung wala, nakahanda siyang hanapin si Sonja. Hell. Kung kinakailangang halughugin niya ang buong mundo para makita lang ito ay gagawin niya. Kung mayroon siyang natutunang lesson sa nangyari, iyon ay huwag itong bibitawan at hahayaan. Sinabi niya noon sa sarili na tatanggapin niya anuman ang sasabihin at gagawin nito pero ang umalis ito? Huwag naman. Nakakabaliw iyon. "Kung wala siya sa Pilipinas ay magpapatuloy lang tayo sa paghahanap." malamig niyang sagot kay Vladimir. "Okay, sir." anito at tumahimik na. Si Lucian naman at nakatanaw

