20. PANIC

580 Words
"Wait. Kukuha pa ako ng maraming dugo." ani Lucian at dali-daling lumabas. Napangiwi si Sonja nang hindi pa rin maghilom ang malalalim na kalmot sa baywang. Hinang napahiga na lang siya sa dayami at pinakiramdaman ang sarili. Napapangiwi siya sa hapdi ng mga sugat. Napakagat siya sa ibabang labi. Mukhang alam na niyang iyon na ang magiging huli nilang pagniniig ni Lucian. Mukhang kinabahan kasi ito sa nakitang kondisyon niya. Agad nakaramdam ng pagtutol si Sonja. Ngayon pa na alam na niya kung gaano kasarap itong kaniig? Hindi siya natatakot sa mga damages na natatamo dahil alam niyang normal lang iyon. Isa pa, bumabawi naman si Lucian. Kinukuhanan siya nito nang maraming dugo para maka-recover. Ilang araw na nilang pinagsasawa ang mga sarili nila sa isa't isa at hanga si Sonja. Matindi ang stamina at endurance nito. Kaya siyang hindi palabasin! Pero dahil hindi siya kasing lakas nito, nakitaan niya ito tuloy nang kaba at alangan. Kinakabahan tuloy si Sonja. She didn't want them to stop. "Here." anito nang makapasok. Tatlong bote ang dala nito at agad ipinainom sa kanya. Nang maubos ang tatlong bote ay tuluyan na rin siyang naghilom. Napabuntong hininga si Lucian at napahagod sa buhok. "Thanks." ani Sonja at malambing na hinaplos ang pisngi ni Lucian. Umasa siyang mawawala ang pagkaalangan nito. Hinila niya ito at napahiga silang dalawa sa dayami. Isiniksik niya ang katawan dito. Lucian ended up hugging her from behind. Napahinga ng malalim si Sonja. Ah, those arms. His warmth made her thought that she's home now. "Tiningnan ko rin pala ang mga lycans. Nasa maayos naman sila. Nagsasanay ang iba para maghanda at ang iba naman ay nagbabantay." anito at napabuntong hininga. Tumango si Sonja. "Hindi rin bumalik ang crow. Mukhang hindi pa nakakita ng lycan." "Siguradong okay ka na?" seryosong tanong nito. May bahid ng pagaalala ang boses. Napahagikgik si Sonja. Sa totoo lang ay nakaramdam siya nang tuwa. Masarap sa pakiramdam na mayroong concern sa kanya. Bagay na bihira lang nangyari. She felt warm. First time in her damn life, she felt she belonged. Natigilan si Sonja sa mga nararamdaman. Aba. Lumalalim na yata. Napatikhim siya. Inalala niya ang lahat kung bakit siya nandoon hanggang sa napahinga nang malalim. "Huwag kang magalala. I'm fine now." ani Sonja at nginitian si Lucian kahit nagpa-panic sa nararamdaman. Damn Lucian's concern. Damn his gentleness. Yes, he was rough in bed. Pero pagdating sa pagaasikaso at pagbawi ay taob ang kahit na sino. At ni minsan ay hindi pa siya nagawan ng ganoon. Hindi ba't lumaki siyang alipin? Lumaki siyang nagsisilbi at hindi inaasikaso. Kaya nakakapagpalula kay Sonja na maka-experience ng ganoon. Banyaga iyon sa isang aliping kagaya niya. But that's it. Kaya nga siya nandoon ay para mabuwag ang sistemang iyon. Babalikan niya ang mga bampira. In order to do that, she needed power. Hindi niya makukuha iyon sa mga bampira kaya sa mga lycans niya iyon kukunin. Isang mahabang hininga ang pinakawalan ni Lucian. Hindi nagtagal ay naramdaman niya itong umalis sa likuran at lumabas. Hindi na nagtangkang gumalaw si Sonja. Kaya pagbalik ni Lucian ay ganoon pa rin ang posisyon niya. Nakatalikod dito. Nahigit niya ang hininga nang dahan-dahan nitong ilapag ang isang bote pa ng dugo sa tabi niya at muling nahiga sa tabi niya. Ramdam niyang nilaro nito ang dulo ng buhok niya. Oh, her heart melts. It was such a simple gesture that she valued. Lihim napaungol si Sonja. Hayun na naman siya. Natutunaw. She sighed in desperation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD