WHERE'S SILAS? nagtitimping tanong ni Sonja sa sarili habang iginagala ang paningin. Sukol na ang mga bampira sa base. Parang kailan lang, sa lugar na iyon pinatay ang ina niya. Ngayon ay mga bampira na ang nakaluhod doon. Mahigit singkwentang bampira ang nahuli nila at anumang oras ay papatayin din.
Lycans burned the vampire's base. Tumulong din siyang sunugin iyon gamit ang mga burning spell. Gaya nang pangako ni Sonja kay Lucian, hindi siya naging pabigat. Pinakita niyang kahit half-breed ay mayroong magagawa. Ginamit niya ang mga nalalaman ng hindi umaalis sa tabi nito. Lahat din nang makikitang invisible vampires ay naituturo agad niya at napapatay ng mga lycans.
"f**k you!" sigaw ng isang bampira nang tutukan ito ng patalim sa dibdib ng isang lycan.
Agad itong nakilala ni Sonja. Si Sutra. Isa sa malapit na kaibigan ni Silas. Nagsilabasan ang mga pangil niya dahil sa galit. Pakiramdam niya, maging ito ay alam ang ginawang panloloko ni Silas.
"Kilala niya ang general ng mga bampira rito sa Asia. Itanong mo kung nasaan si Silas." mariing bulong ni Sonja kay Lucian.
Hindi agad kumilos si Lucian. Napatingala tuloy si Sonja. Kumabog ang dibdib niya nang makitang nakatitig ito sa kanya. His eyes were dilated as if he was reading her soul.
"Silas. Is that the general's name?" malamig nitong paniniyak.
Tumango si Sonja. Nanliit ang mga mata ni Lucian hanggang sa talikuran siya. Malalaki ang hakbang nito at nilapitan si Sutra. Walang salita, tinadyakan nito sa dibdib ang bampira. Napasadsad ito sa damuhan. Napamura sa sakit ang bampira.
"f**k you, stupid dog!" galit na sigaw ulit ni Sutra at dumura.
"Where's the general and the other vampires?" mariing tanong ni Lucian at tinapakan ang mukha nito. Naipaling sa kaliwa ang mukha ni Sutra. Naiiyak na ito sa sakit pero nagpigil pa rin.
Ibang-iba si Lucian nang sandaling iyon. A hot blooded s*x starved became a heartless beast. Mariin ang pagkakahawak nito sa espada na anumang sandali ay alam niyang gagamitin nito.