1. THE SLAVE

1243 Words
FEW MONTHS ago... "Dumating na ang grupo nila Silas. Puntahan mo na siya." nakangiting imporma ni Amelia kay Sonja habang nagsasalin ng mga dugo sa baso. It was human blood. Ang mga bampirang food hunters ang kumuha noon. Umaatake sila ng mga tao para patayin at kuhanan ng dugo. Kung walang tao, no choice sila kundi dugo ng hayop ang inumin. Amelia was her mother. She's a pure vampire from Slovak Republic. Pero dahil nagmahal ito ng isang tao ay pinarusahan ito. Itinakwil ito ng pamilya at ginawang slave ng mga bampira. Mahigpit na pinagbabawal na magmahal sila ng hindi nila kauri. Magkakaroon daw ng chance na mahaluan sila ng ibang dugo at iniiwasan nilang magkaroon ng hybrid. Simple lang ang dahilan: puwede silang maging mas malakas o ubod ng hina. Noong una ay pinapatay ang lahat ng bampirang lumalabag pero sa huli ay nagdesisyon silang gawin na lang alipin para mapakinabangan. Also, it will prolong their agony. Ang mga hybrid na nakitaan nila ng kakaibang lakas ay agad na nilang pinapatay. Ang mga mahihina naman ay ginagawa rin nilang alipin para mapakinabangan. Wala silang ibang role kundi ang pagsilbihan ang mga bampirang nakikipaglaban sa mga lycan. Isa si Sonja sa mga bampirang iyon. For them, she was a weakling. Walang silbi sa battle ground dahil wala silang extraordinary strength at ability. Namana ni Sonja karamihan ang features ng isang tao. Sa itsura pa lang ay iba na siya. Itim ang mga mata niya samantalang pula ang mata ng mga full blooded vampires. Iba rin ang amoy niya. Kaunting scent lang nang vampire ang maamoy sa kanya. Hindi rin mataas ang tolerance niya sa alcohol. Namana daw niya iyon sa amang hindi nakakatagal sa alak. Kaya oras na malasing ay para lang siyang normal na taong lasing. Hindi siya kasing bilis at lakas ng mga bampira. Hindi rin matalas ang pangamoy niya at pandinig. Ang maipagmamalaki lang niya ay ang pain tolerance. Namana rin niya ang healing ability ng isang bampira. Umiinom din siya ng dugo. Hindi natutulog. Kaya rin niya makita ang mga invisible vampires—isang ability ng mga bampira na galing Hungary na pinaniniwalaang ubos na dahil pinatay na ng mga lycans. Pero hindi niya sinasabi ang bagay na iyon sa iba dahil sa takot na patayin. May isa siyang kasamahang aliping pinagmalaki iyon at sa isang iglap, pinugutan ito ng ulo. Isa pang dahilan kung bakit ayaw nila sa isang half breed ay simbulo sila ng isang pagkakamali. Pati siya ay pinarurusahan sa isang kasalanan na itinuturing ni Sonja na hindi. Well, there's nothing wrong with falling in love. Para sa kanya ay pantay-pantay ang lahat sa pag-ibig. Dahil sa baba nang tingin ng mga kapwa bampira kay Sonja, naisip niyang pagyamanin ang sarili. Two months ago, she started learning sorcery. Sonja met witch Ursula in the woods. Nagtagpo sila noong maligaw dahil inutusan para maghatid ng dugo sa mga mandirigmang bampira. Kilala ito bilang mangkukulam ng Bundok Ysod sa Quezon. Pinagtutulungan ito ng mga tao. Para sa kanila ay salot ang mga kagaya nila. Tinulungan niya ito at iniligtas. Bilang pagtanaw ng utang na loob ay tinanong ni Ursula si Sonja kung ano ang gusto nitong gantimpala. Dahil alam ni Sonja na isa itong mangkukulam ay nag-request siyang maturuan ng kaunting sorcery. From there, Ursula taught her some black magic. Tuwing may pagkakataon ay tumatakas siya sa base at pinupuntahan ito. Sa ngayon ay marami na siyang natutunan. Balak niya iyong ipaalam kay Silas oras na ma-polish at dumami ang kaalaman. Ipagmamalaki niyang puwede na siya nitong isama sa battle ground. Damn. She didn't want to be a slave forever! Naawa na rin siya sa ina. Gusto niyang umahon mula roon. At umaasa si Sonja na matutulungan ni Silas. Alam niyang hindi lang ito makakilos dahil nakasaad sa batas ng mga bampira ang tungkol sa mga aliping kagaya niya. Hindi man ipinagbabawal ang pakikipagrelasyon sa kanila ay ipinagbabawal pa rin silang makaalis sa pagiging alipin. Isang kaparusahan iyon panghabangbuhay . At umaasa si Sonja na oras malaman ni Silas kung ano na ang kaya niyang gawin ay gagawa ito ng paraan para maging mandirigma siya at maalis sa pagiging alipin. "Give this to him. Siguradong pagod iyon mula sa giyera. Nasisiguro ko rin na gusto ka niyang makita." udyok ng ina at inabot kay Sonja ang tray na naglalaman ng mga basong mayroong dugo. Boto ito kay Silas. Mahigpit ang bilin nito na huwag na niyang pakawalan ang lalaki. Dapat lang daw na isang pure vampire ang mahalin niya para hindi na siya maghirap. Agad tumango si Sonja at tumalima. Huminga siya nang malalim bago lumabas ng kusina at pinuntahan si Silas. Oh, she was excited. Kailan ba sila nito huling nagkita? Isang buwan na ang nakakalipas. Umalis ito para makidigma. Nakilala ni Sonja si Silas noong atakehin ang village nila sa Slovak sampung taon nang nakararaan. Silas save her and her mother from lycans. He was a drop dead gorgeous hero and she easily fell in love with. Kaya nang magpakita ito ng interest ay hindi na siya nagdalawang isip. Mula noon ay naging sila na nito. Lagi silang isinasamang magina kung saan-saang lupalop ng buong mundo. Naiiwanan sila sa base para manilbihan. Two years ago ay napadpad sila sa Pilipinas. Dahil sa katagalan ay natuto silang magsalita ng wikang Filipino at naging matatas. Tingin ni Sonja ay hindi na matatapos ang labanan ng mga lycan at vampires. Simple lang ang dahilan nang paguubusan ng lahi—vengeance. Since time immemorial, vampires and lycans used to be allies. Parehong iginagalang nang magkaibang lahi ang isa't isa. King Alucard—the vampire king—and King Socorro—the lycan king used to be good friends too. Pero nasira ang pagkakaibigan ng dalawa nang magmahal sila ng iisang babae—si Ahnn—the vampire general's daughter. Socorro and Ahnn fell in love with each other. Pero ipinagkasundo si Ahnn kay Alucard. Wala itong nagawa noong ipakasal ito. Binantaan din si Socorro na digmaan ang mangyayari oras na makiaalam siya. Ayaw idamay ni Socorro ang mga kalahi kaya sa huli ay pinigilan niya ang sarili. Ahnn made a promise to love Socorro even they didn't end up. Iyon na lang ang pinanghawakan ni Socorro. Hawak niya ang puso nito na hindi kailanman mahahawakan ni Alucard. Pero sa paglipas ng panahon, nahulog ang loob ni Ahnn kay Alucard dahil naging mabuti naman ito. Nagkaroon sila ng anak na babae. That pushed Socorro to his limit. He lost his mind. He was so damn angry. Hindi matanggap ni Socorro ang nangyari kaya sa huli ay nagdesisyon itong bawiin si Ahnn. But Ahnn refused. Dahil doon ay nagalit nang todo si Socorro. Sinumbatan niya ito sa mga pangako at hindi tinanggap ang sorry. He killed her and the child in a most terrifying death. Ayon sa mga nakakita ay pinahirapan muna ni Socorro ang magina bago ibinilad sa araw hanggang sa naging abo. At the end, both immortals ended up hunting each other. Minsan, nagsasawa na si Sonja pero sa huli ay tinatatagan na lang niya. Ang mahalaga ngayon ay makaalis silang magina sa pagiging alipin. Hindi naman din kasi sila puwedeng tumakas at mamuhay ng tahimik. Vampires will hunt them down too. Isang pagtatraydor iyon para sa kanila. Mabuti pa si Silas. He looked at her differently. Kaya nga niya ito minahal. Naging mabuti ito sa kanilang mag-ina. Ni hindi sila inuutusan. Na-excite si Sonja nang maalala si Silas. Dali-dali na siyang umakyat at pinuntahan ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD