5. NAKED

819 Words
"Covering fire, I ignite you... The blaze born from blood leaves behind no man... Now, wiped me into the night... O fire of power ang suppression..." dasal ni Ursula saka sinindihan ang bowl gamit ang itim na kandila. Naglalaman ang bowl nang pinaghalong dugo ni Sonja—bilang subject ng ritual at dugo nito—bilang dugo ng spell caster. Bukod doon ay may halong unknown herbs din iyon. Bilang finale ng ritual ay sumilab ang bowl. Agad namatay ang apoy at nabuo iyong usok. Dahan-dahang lumipat iyon kay Sonja na nakahiga sa ritual table at binalot. Nanatiling nakahiga lang si Sonja. Kahit binabayo ng sobrang antisipasyon ang dibdib ay nanahimik lang siya. She just waited for the right time until it was all over. Iyon na lang ang kailangan niya para tuluyang makaalis sa poder ni Ursula. Two months had passed. Marami na siyang nakabisadong spell at black magic. Kahit hindi niya kayang makipaglaban ng mano-mano, makaka-survive siya sa digmaan. Dito siya namalagi matapos makaalis sa mga bampira. Awang-awa si Ursula nang malaman ang mga nangyari. Maging ito ay galit na galit. Alam ni Ursula ang mga plano niya at suportado siya. Sa katunayan ay ito ang kumuha ng mga impormasyong kailangan ni Sonja para makapasok sa grupo ng mga lycan. "It's all done." pinal na saad ni Ursula at niligpit ang mga ritual kit. Nilingon ito ni Sonja. "Tuluyang nabura ang amoy ko bilang half breed? Kailangan kong hindi maamoy para hindi mabahuan ang mga lycan sa akin at para hindi makilala ang amoy ko ng mga bampira kapag aatekehin ko sila." Ngumisi si Ursula. "Cloaking spell ang ginamit ko para maitago ang amoy mo. Its for eternity so you don't have to worry." kampante nitong paliwanag. Napatango na si Sonja at bumangon. Pagkababa niya sa mesa ay inaya siya ni Ursula sa antique nitong mesa. Mayroong mapa roon. Naglagay ito ng lampara sa gitna para makita niya. "It's from my grandfather. Ibibigay ko ito sa'yo para hindi ka maligaw. Sa loob ng ilang linggo na pagiikot ng alaga kong crow, alam ko na kung saan mo makikita ang pinuno ng mga lycan dito sa Asia. Ito ang pupuntahan mong lugar." ani Ursula at itinuro ang Bundok Banahaw. "Napupuno ng mga bahay ang buong bundok. Ang tinutuluyan ng pinuno nila ay ang nasa pinakatuktok. Magiingat ka." Tumango si Sonja. Naniwala siya kay Ursula dahil kaya nitong mag-summon ng mga itim na hayop at naituro naman iyon sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ni Ursula. "Thanks for everything. Oras na matupad ang misyon ko, babawi ako." "Just end the f*****g war. I'm sick of it." nakasimangot nitong sagot. Pati rin kasi ito ay apektado. Hinuhuli ito ng magkaparehong lahi para gamitin sa digmaan. Kaya ito nagtatago ay ayaw nitong makisali. Determinadong tumango si Sonja. Saglit pa silang nagusap hanggang sa naghanda na siya. She wore her black dress and black cloak. Inilagay niya ang hood sa ulo. Bitbit ang ilang gamit at bote ng dugo, umalis na siya sa bahay ni Ursula. Araw ang nilakbay ni Sonja bago nakarating sa Banahaw. Hindi siya nabagot dahil punung-puno siya ng pag-asa. Natigilan si Sonja nang makarinig ng mga pagsabog. Agad niyang pinuntahan ang pinagmulan nang pagsabog at natigilan siya ng makitang mayroong naglalabang sampung bampira at mga lycans! Napakunot ang noo ni Sonja nang mapansing hindi nakikita ng mga lycans ang bampira. Hindi kasi nila natatamaan ang mga iyon. Tila hinahanap pa kahit nasa harapan na. Invisible vampires! Kumabog ang dibdib ni Sonja. Mukhang nakahanap ang mga bampira ng panibagong kakampi. Ibig lang sabihin ay hindi totally annihilated ang mga invisible vampires sa Hungary! "Sa likod mo!" sigaw ni Sonja nang makitang dadakutin gamit ang matutulis na kuko ng bampira ang isang malaking lycan sa spine nito. Iyon ang kahinaan ng mga lycans. Hindi sila tinatalaban ng mga silver pero oras na dinakot at dinurog ang spine ay siguradong patay ang mga ito! Salamat at nakinig ang lycan. Agad nitong nahawi ang invisible vampire. Tumulong na si Sonja. Naisip niyang magandang pagkakataon na iyon para magpalapad ng papel sa mga lycans. "Abi, ab oculis meis!" sigaw ni Sonja at hinawi ang mga kamay sa mga bampira. In just one snapped all vampires teleported out of the area. Ang Abi, ab oculis meis ay isang short-term teleportation. Natutunan iyon ni Sonja kay Ursula. Bumalandra na lang ang mga ito sa naglalakihang mga puno. Nagsipagungulan sila sa sakit at unti-unting lumabas ang katawan. Agad iyong nilapitan ng mga lycan at pinagpupugutan ng mga ulo! "Ah!" masakit na ungol ni Sonja nang biglang hawakan sa leeg ng lycan na tinulungan. Unti-unting naging tao ito at nahigit ni Sonja ang hininga ng makitang napakaguwapo pala nito. Dahil hubad ito, kita niya ang buo nitong katawan! And oh so man! His manhood size was extraordinary! Hindi pa iyon gising pero ang haba at ang laki na. She was so shocked! Ganoon ba kalaki ang ari ng lycan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD