"Masokista ka?" Lumingon ako sa biglang nagsalita sa likuran ko. I rolled my eyes as I saw Ysabelle grinning at me. Napahalukipkip pa siya habang ngising ngisi sa pagkakakita sa aking pagkakatanghod sa labas ng pintuan ng kwarto ni Quinn. I've been doing this for almost a week, ganoon na din katagal ang tinitiis kong hindi siya lapitan at kausapin. Hindi ko kasi alam kung paano siya i-a-approach, nakikita ko rin araw araw ang pagdalaw sa kanya ng hayop na si Grant. Kung hindi lang sensitibo sa sitwasyon ni Quinn ay matagal na sanang nakatikim sa akin ng suntok iyong mapagsamantalang hayop na iyon. Nakokontento na akong makita siyang nasa maayos na kalagayan, masaya na rin ako makita ko lang siyang ngumiti. Hindi niya alam na araw araw akong naririto sa labas ng pintuan niya o kung saan

