Kabanata 4

2160 Words
4: Am I hired? The director looked weak and exhausted. His sickness must be weighing down his stamina a lot. Janine couldn't help but stare at her boss. He was not looking at her as of the moment. Nakatingin lamang ito sa mga dokumento. Wala pang imik ang director kaya naiilang na nilibot ni Janine ang mata sa buong opisina. "I have nothing more to say Ms. Cornello," "P-pero sir you didn't explain to me a lot of thin-" "Leave my office now." "Sir may itatano-" "I said leave," Marami pa siyang tanong ngunit matulin siyang lumisan sa opisina ng director matapos siyang taasan ng boses. Ang bigat sa pakiramdan ng hangin sa loob ng opisina. Hindi dahil may sakit ang director kundi nababalot ng katahimikan at lamig ang buong silid. Alam niyang nars ang kailangan ng kompanya pero sa ugali at trato ng employer sa kaniya, nagmistulang siya ang nangangailangan ng trabahong ito. Besides having plenty of questions, the director was very much displeased with her presence. Kasama na siguro doon ang disinfectant sprays niyang nangamoy sa loob. Maybe he is indeed mad because of that. Janine went down the lobby. Para siyang pulubi na hindi alam kung saan pupunta. She didn't know if her job would start now or is she allowed to leave the company? In the end, she stayed. Umupo siya sa bakanteng sofa sa lobby room. Dumaan ang kaninang lift attendant na nakasama niya. Walang pasubaling sinitsitan ito ni Janine. The lift attendant flashed a confused look. He pointed at himself at tumango na lamang si Janine. "Mam bakit niyo po ako natawag?" "Do you have work to do?" "Sa ngayon....wala naman po. Wala pa namang guest," Tinanguan na lamang siya ni Janine. "Matanong lang mam, ano ginagawa mo dito? Akala ko mam nasa itaas ka? "Ohhh right...well pinalayas lang naman ako sa opisina ng boss niyo," Natawa ang attendant. "Ganon po ba mam. Ganiyan talaga si boss. Mas malala nga nung wala pang pandemya. I remember him firing atleast 10 employees for messing up his office. Kaya kung ako sayo mam mag-ingat ka na lang sa kilos mo," "I understand. Nga pala ako si Janine. I will be his nurse," Wika ni Janine bago ilahad ang palad para makipag-kamayan. Sinadya niyang huwag banggitin ang pagiging personal nurse. She wanted it come out as if she was a nurse solely working for the company, not the director alone. Puminta ang kunot sa mukha ng attendant, tinanggap niya rin ang nakalahad na palad ni Janine at nagpakilala. "By the way mam, I'm Phil. Pero sure ka mam? Na parte ka na ng medical team? Weird..." "Bakit naging weird?" "Alam kong may personal physician at medical team ang mga executives at CEO. Ano kaya dahilan bat naghire pa siya ng isang nurse?" Janine can probably guest why but she remained oblivious. Nagkibit-balikat na lamang siya. "Was he always like that though?" "Anong ipagsabihin mo mam?" "I mean is h-he usually sick?" "Sino mam?" "Syempre yung boss mo..." "Mam wala pang naitatala na infected sa Wolff Enterprise. Kaya wala pong may sakit dito 'wag po kayong magalala. We are healthy as cows!" Biro pa nito. Hindi nakapagsalita si Janine. Napamasid na lamang siya sa harapan. Every employee inside were busy as bees. They tend and work as if nothing was wrong. Hirap niyang kinokonekta kung bakit kinakailangan itago ni Mr. Wolff ang karamdaman. The director did not directly order her to stay silent about his condition. Pero at the very least kasama sa kontrata ang confidentialty agreement. Ipagsabihin, anuman ang malaman niya sa loob ng kompanya ay pawang sekreto at kailan man hindi pwedeng makalabas sa publiko. That goes for his illness. Hanggang ngayon nahihirapan siyang iproseso lahat. How was she supposed to stay quiet about her sick boss? Dapat iyon malaman ng lahat. Lalong lalo na ng mga empleyado niya. "Bawal po ba talaga mainterview si Mr. Wolff?" Ani ng isang nagpupumilit na journalist. Janine saw a heated conversation brewing. Ilang metro lang ang layo niya sa reception desk kaya rinig na rinig niya ang mga taong dumadalo. "Mam we will not be entertaining interviews or coverage," "Ilang beses niyo na akong niresched at ngayon malalaman kong hindi puwede? Are you out of your mind? Let me have my interview that you initially prompted in exchange for information," Naiinis na wika ng journalist habang winawagayway ang kapiraso ng papel. "Mam, again the company is not entertaining media outlets. If you could kindly leave then that is appreciated. Kung ipipilit niyo po, then we will have the guards escort you." On a second thought, Janine slightly understands that keeping it a secret might be the better option. Gaya nga ng sabi, sangkot na ang kompanya sa maraming eskandalo. Makakadagdag stress lang ito para sa anak ng CEO lalo na ngayong siya na ang nagmamanage ng pang-araw araw na operasyon ng kompanya. "Hindi naman namin papakita ang mukha niya! Grabe naman kayo. You paid us for keeping his pictures from going public tas ngayon pinagdadamotan niyo kami ng interview," "Mam, it is requested by the director that he will not be entertaining--" "Kung takot siya mahawaan ng virus, wag siyang mag-alala nag-negative kami sa rapid test," Mukhang nairita na ang receptionist na kausap. "Guards please escort the reporters outside," Namula sa inis ang journalist. Pati na ang mga reporters ng isang network ay napaatras sa papalapit na mga guwardya. "I will cover this news! Hindi ko kakalimutan ang araw na to! The fact that the company still lives beside the pandemic is questionable! i-expose ko kayo!" Sigaw ng nagpupumiglas na journalist. Lahat ng tao napatingin sa komosyon. Ang mga sinabi niya ang naka-agaw pansin sa lahat. These are questionable times but this is also not the time to downgrade companies. Ang mga kompanya tulad neto ang nagbibigay lakas at pagkain sa mga pamilya ng maraming empleyado. Tarnishing their name would do no good. Lalo na ngayong pandemya kung kailan marami na ang naghihirap. Napailing na lang sa sarili si Janine. Atleast, baka nga fake news lang din ang mga illegal activities ng kompanya. "Phil lagi bang ganito. Maraming reporters sa labas?" "Opo mam, araw-araw na lang. Miski nong wala pang pandemya. Atat na atat mainterview ang director," "Ano ba meron sa kaniya at bakit siya gustong interviewhin?" "Ahh hindi ko naman inalam mam. Tanong mo sa mga babae at media. Minsan nagtataka na lang rin ako," Janine nodded. Other than looks and power, baka nga may nais silang makuhang detalye sa director. Base na lang sa mga mukha ng reporter na nakasalamuha sa lobby, she highly doubts their questions are for pure business alone. Iba ata ang field nila, except for the journalist who seemed peculiar. "Excuse me mam. Ako uli. Matanong lang kung may balita po ba kayo...if may nasabi si sir Wolff?" "Nasabi?" "Kung may nabanggit tungkol sa gagawin ko..." Nilingap siya muli ng receptionist matapos tignan ang monitor. "No, we haven't. We rarely get calls from Mr. Wolff himself. Usually ang mga general managers lang rin ang nagfoforward ng calls," "I see..." "May problema ba mam?" "Hindi ko kasi alam kung aalis na ba ako o hindi," "If you're directly working under Mr. Wolff, usually his orders are sent through calls and diseminated in the company areas, like us. If di ka naman niya tinatawagan then baka wala namang papagawa sayo," "Then magaantay lang ako sa parang wala?" "It's not unusual as long time employees here. Siya ang batas dito. We are followers. Besides, waiting isn't the only worst thing you can experience from working under him," "Natatakot ako sa polisiya niyo. Pumapayag kayong itrato na parang alipin," "Alipin?" Napahalakhak ang receptionist. "It's a pleasure working here. If they treat me like that then it would be fine... Matagal ko nang pinangarap makapagtrabaho dito," "Yung paraan mo ng pakikipag-usap makes me think na kahit sinong kompanya tatanggap sayo," "I declined them all. I used to work in abroad. Now I just want to be here...Anyway, I know it's not my business. Pero pwede ko bang malaman why you were hired here?" "Actually, personal nu-" Hindi natapos ni Janine ang kaniyang sasabihin dahil may kaagad ding suminggit sa kanilang usapan. A woman spoke from behind her. "Have you heard from Mr. Wolff? I didn't get any memo or emails today," Wika ng babaenh nasa likod niya. Her heels was making sounds in the marbled floors. Minasdan ito ni Janine mula ulo hanggang paa. Ang ganda kasi nito kung tutuusin. Makinis ang balat at mukhang sopistikada tignan. Yun nga lang, walang suot na mask hindi tulad ng ibang empleyado rito. "Hindi po mam," Sambit pabalik ng receptionist sa babae. "Keep me updated kung nagparamdam sa inyo. Kahapon pa hindi tinatanggap ang emails ko. I already passed the documents pero mukhang di pa niya narereview. Baka maisipan kong tumaas sa office ni Sir," Napakunot ang receptionist sa nadinig. "Don't overstep your boundaries Lisa. The director does not appreciate anyone just barging in his office," "I'm the director's secretary. I can do what I want," "I'm actually tasked to prevent people from going into his office. And that includes you, Lisa. The director is not someone you can get close to," "Nakakairita ka na. You're just a common front desk girl. Don't tell me what to do Jenna," Ngising-aso sambit ng babae bago umalis. Base sa nadinig ni Janine ay ito ang sekretarya ni Mr. Wolff. "Don't mind her. Anyway just like I said, mag-antay ka na lang ng summon. Wag ka ng gumaya at umasa dun sa sekretarya ni Mr. Wolff. She's not gonna help you with questions and stuff from your work," "Naiintindihan ko. Mag-uupdate na lang ako kung may memo na kayo," Tumango na lamang ang receptionist. Mabagal na umikot ang oras lalong lalo na kapag wala kang pinagkaka-abalahan. Nakaidilip na lahat-lahat si Janine ngunit hindi niya pa rin alam kung ipapatawag o kung dismiss na ba siya. From a bystander's view, she looked lost and displaced in the company. Janine looked beyond the glass panels and saw the dawn of the night. Maraming nagsibukasan na street lights sa urban city. Hindi powered ng electrical company pero nabubuhayan sa sariling source of electricity na solar panels. Gabi na at naiwan na siya mag-isa sa lobby kasama ang iilang empleyado. Nandon pa rin sa front desk ang receptionist, tuwid pa rin ang tindig at maayos ang kompustura. Pinuntahan niya ulit ang kaninang kausap na receptionist. "Baka umuwi na lang ako, kanina pa ako nag-aantay," Nakita ni Janine ang pag-ngisi nito sa kaniya base sa mata. "I understand. Pag tinanong ka na lang I will tell that you already left," Hindi na nakapagsalita si Janine. "Don't feel to dejected, masasanay ka rin" Huling sabi ng receptionist. Janine didn't know why she needs to get used to it. First of all, how they treat her was unprofessional. Paalis na sana si Janine nang mamataan niya ang papalabas na bulto ng director mula sa elevator doors. Her eyes glinted. He was wearing a mask and a coat with a few security guards parading a few meters away from him. Kung pagmamasdan, hindi mo pansin na infected pala ang lalaki. Sinadya ni Janine na pumuwesto sa lugar kung saan siya mamamataan ni Mr. Wolff. Nagkatagpo rin ang kanilang mata ngunit di tulad ng inaakala niya, nilagpasan lamang siya nito. Halos mamula si Janine. Nakalimutan na siya dito at hindi inasikaso. Samantalang siya naman ang inalok ng trabaho. Kaawa-awa ang kanyang itsura kanina pa at lahat iyon ay tiniis niya. "Sir sandali!" Pahabol na sigaw ni Janine pero tuloy-tuloy lang ang lalaki. "Sir!" Sumakay na ang director sa isang black BMW. A valet driver then attended him. Kinuha na ni Janine ang tsansa para habulin ang lalaki. Kinatok-katok niya ang bintana ng sasakyan. "Sir!" Bahagya na siyang kinabahan nang bumukas na ang makina ng sasakyan. "Sir saglit! Wag ka muna umalis!" Katok niya. Sa kabutihang palad bumukas din ang bintana ng sasakyan. Bumungad sa kaniya si Mr. Wolff. Tulad nang una niyang silay dito, malamig pa rin ang kanyang mata. "Sir pinabayaan niyo lang ako don!" Hindi kaagad nagsalita ang lalaki. "What do you need?" "Gusto ko lang malaman kung tanggap ba ako sir? Magtratrabaho na ba ako?" "Yes. Ms. Cornello, I thought you'd received the memo from my secretary," Kinagat ni Janine ang labi. That secretary of his didn't even know her or looked for her. Nasa lobby lang siya buong magdamag. "Wala pa ako natanggap, pero sir....salamat" "You can remove your hands now..." Ngayon lamang napansin ni Janine na nakaharang pala ang kaniyang kamay sa window shield ng sasakyan. Tinanggal niya ito at sinara na ang bintana. Maya-maya umalis na rin ang sasakyan. The funny thing about today was that she was here to accept the job. Not the other way around.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD