22: Triad Inutusan ni Mathias ang lalaking nagngangalang Ric, isa sa mga miyembro ng torturer sa kanilang organisasyon, upang katasan ng impormasyon ang lalaking kasalukuyang bihag nila sa torture chamber. Mabuti na lamang nang may nakuha pa silang buhay sa mga kalalakihang sumugod sa penthouse kagabi dahilan para magkaroon sila ng pagkakataon malaman ang mga taong nasa likod ng insidente. Wala nga lang ideya si Mathias kung may nalalaman na si Rafael sa pangyayari. Gayunpaman, isa pa rin itong mahalagang gawain. “Wala po talaga akong alam! Parang awa niyo na po!” Nanginginig na iyak ng lalaki. Sa ikalawang pagkakataon, napa-sigaw ang lalaki sa sakit nang pigain ng blackhander ang nagdudugong sugat. The extortionist grabbed his Tanto blade before swinging it in front. Kaunti na lamang