This story contains mature and brutal content! Read at your own risk!
"ate ayoko na!t-tama na po" nakayuko ako sa sahig habang nag mamakaawa sa ate ko.
"Tatanga tanga kang bata ka!sibuyas lang hindi mo pa mahiwa!ang arte arte mo!naiiyak ka sa sibuyas ha?!eto!ako ang mag papaiyak sayo!" Patuloy parin ang pag palo nya sakin ng hanger kahit anong pag mamakaawa ko.
"Ate ayoko na po ate" halos malatayan nya na ng hanger ang buong katawan ko sa sobrang galit nya.
"Manahimik ka!ano feeling mo prinsesa ka?ha?sibuyas lang naiiyak ka na?!ngayon isipin mong sibuyas ako at umiyak ka ng umiyak punyeta ka wala kang silbi!" Sa wakas ay tinigilan ako nito at mabibigat ang paang pumasok sa kanyang silid.
"Siguraduhin mong makakapag luto ka ng kahit na anong pag kain dyan!pauwe na sila mama!" Narinig ko pa ang pahabol nitong sigaw.
---
Nandito ako sa kusina naghahanap ng gagamitin para sa aking naisip na lulutuin.
Nakita ko ang malaking kutsilyo ni papa na nakasabit sa lababo kinuha ko ito at lumabas sa kusina.
Dahan dahan kong binuksan ang kwarto ng ate ko at nakita itong natutulog.napangisi ako
Sibuyas kamo?sige iisipin kong sibuyas ka at sisiguraduhin kong masarap ang iuulam namin ngayon. Tatadtarin ko ang lahat ng buto at laman loob mo gaya ng tamang pag hiwa sa sibuyas.
πππππππ‘ππππ ππππππ πππ¦ βππ£π ππππ’πππ.
ππππ πππ ππππ‘ππππ π