When I Fall: Leonart Sanchez' 1

1451 Words
Fall One: Chemistry Class “So, how’s your modelling?” tanong ni Tita Liz sa akin. “Its fine, I guess,” matipid na sagot ko. Tumango tango lang siya at pinaupo na niya ako sa chair sa tapat niya. “Why are we doing this again?” walang ganang tanong ko. “Do you want to feel better? Art, you need to start accepting things. Hindi tayo makaka-move on kung laging pilit lang ang ginagawa natin,” paliwanag niya sa akin. “I’m okay. Si Mommy lang naman ang may gusto nito,” napapailing na sagot ko. “Ate Lili want’s the best for you. Come on, let’s start this.” Nagsimula na siyang magpatugtog ng weird na sounds. Everytime na naririnig ko `to bigla na lang bumabagsak ang katawan ko. Napupunta ako sa kawalan. “Then how about Art? Iiwanan mo na lang din siya? Are you out of your mind, Lito?” narinig kong sabi ni Mommy. Lumapit ako at sumilip sa kuwarto nila. “Art is your son, who forced me to this marriage?” galit na sagot ni Daddy. “Hindi ko ginawa mag-isa si Art. Ano `yan dumikit lang ako sa iyo at ayan! Nagluwal ako ng isang bata? We’ve been together for 15 years, Lito. And now? Iiwanan mo kami? Kami ng anak mo?!” sigaw ni Mommy. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. “Mommy, nag-aaway po ba kayo?” umiiyak na tanong ko. “Art, you go to your room! Hindi ka dapat nakikinig sa usapan ng matatanda!” galit na sigaw sa akin ni Daddy. Wala akong nagawa kundi ang tumakbo palabas ng kuwarto nila. Dala na rin siguro sa takot. Ngayon ko lang nakita si Daddy na galit sa akin. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa nakarating ako sa park ng subdivision namin. Umupo lang ako sa isa sa mga swing at hinayaang tumulo ang mga luha ko. “Bakit ka umiiyak dito?” Tinignan ko `yung nagsalita. “Zarah,” sambit ko ng pangalan niya. Pinunasan ko ang mga luha ko. “Ano’ng ginagawa mo dito? Akala ko ba hindi ka pinayan ng daddy mong lumabas?” “Nakita kasi kita mula sa bintana ng kuwarto ko,” hinawakan niya ang kamay ko, “Ayos ka lang ba?” malambing na tanong niya sa akin. “Basta naman nandito ka, nagiging okay ako, e,” sabi ko at pinilit kong ngumiti. “Art, magpapaalam sa—“ “No!” Napabalikwas ako nang tayo. Habol ko ang hininga ko. Hinawak ko ang kamay ko sa mukha ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Binalik ko ang katawan ko sa pagkakasandal ko sa upuan. “I’m not doing this again,” mariing sabi ko kay Tita. Tumayo na ako. “Malelate na po ako sa klase ko,” paalam ko at naglakad na ako palabas. *** “Mr. Sanchez and Ms. Guinto, Ano’ng oras ang klase natin?" tanong ni Mr. Dimaculangan. “One o'clock sharp po,” sabay naming sagot ng kasama kong na late. “And anong oras na?” tanong pa ni Sir. Napatingin ako sa relos ko. “9:39 po,” sabi niya. “1:10 po,” sabay na sabi ko. “Ms. Guinto, mukhang alam ko na kung bakit ka na late. Now, since kayong dalawa na lang ang wala pang partner para sa lab project niyo. Kayo na ang magkapartner. Take the seats at the back!” galit na sabi niya. Sumunod na lang ako kay Sir. Bakit kasi kailangan kong dumaan sa clinic ni Tita bago ako pumasok? Kailan ba nila matatanggap na okay na ako? Tsk. Napatingin ako sa babaeng katabi ko. Ano nga ba’ng tinawag sa kanya ni Sir? Guinto? Pamilyar siya sa akin. Ah. Siya `yung babaeng laging nasa bungad. Pansinin siya kasi kumpara sa mga babaeng kaklase namin siya lang ang walang kolorete sa mukha at parang hindi nag-aayos ng buhok. Napatitig ako sa kanya. Bubulong bulong siya. Napangiti ako habang tinititigan siya. Para siyang bata na kinakausap ang sarili. Cute. “You're saying something?” nakangiting tanong ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin. “Miss?” tawag ko ulit sa kanya. “Ah... Ah... Wala... Uhm... Ano nga `yun?” parang natatarantang tanong niya sa akin. Umiling na lang ako at pasimpleng ngumiti. Puwede pa lang maging cute ang isang babaeng natataranta? Pasimple ko lang siyang tinitignan sa buong klase. Attentive siya sa pakikinig. May something sa kanya na parang gusto ko na lang tignan buong maghapon. “Okay class, remember next week ang pasahan ng written report about sa nabunot niyo for your lab project. Okay, dismiss.” Lalabas na sana ako pero hindi pa umaalis si Ms. Guinto. Ewan, parang gusto ko lang siyang tignan hangga’t may chance. Nakakabakla `tong ginagawa ko. Nang maramdaman ko nang tatayo na siya ay pasimple akong nagpangalumbaba at umiwas nang tingin sa kanya. Nakatingin ako sa likuran niya nang makita kong bumagsak ang ID niya. Pupulutin na sana ng isang kaklase ko pero nagmadali akong kuhanin ito at tinignan. “Sharmaine,” tawag ko sa kanya. Huminto siya saglit at nagpatuloy sa paglalakad. “Sharmaine Pamela Guinto,” ulit ko. Dahan dahan siyang lumingon. “Yes?” patanong na sabi niya. Inabot ko sa kanya `yung ID niya. “Nakalimutan mo,” seryosong sabi ko at nagtuloy tuloy na ako sa paglabas. Awtomakitong nagkaroon ng ngiti sa mga labi ko paglabas ko ng pinto. What’s this? *** “Art!” Tinignan ko `yung tumawag sa akin. “Xel, bakit?” tanong ko. “Regarding sa photo shoot para bukas, `di pa kasi ako nakakapagpaalam dahil wala pa akong letter, puwedeng pakuha na rin nung akin?” tanong niya. Nag-pretty eyes pa siya. “Para kang bata,” natatawang puna ko sa kanya. “Fine, kukuhanin ko pa rin naman `yung akin, e. Sabay ko na lang pagpapapirma bukas bako ako pumunta do’n.” Inayos ko `yung uniform ko. “Sige, bye,” paalam ko sa kanya. “Saan ka pupunta?” kunot-noong tanong niya. Tinuro ko `yung pupuntahan ko. “Sa kanya, siya `yung lab partner ko, e.” Napatitig siya sa tinuro ko. “Sigurado kang siya ang ka-partner mo? Puwera biro?” “Yes, why?” nagtatakang tanong ko. “W-wala lang, sige puntahan mo na siya. Manonood lang ako dito,” kinikilig na sabi niya. Nagtataka man ay hindi ko na lang siya pinansin. “Sharmaine?” tawag ko kay Ms. Guinto. Pag-tingin niya sa akin ay nakita ko na naman ang natataranta look niya. Why so cute? “A-A-Art... Bakit?” nauutal na tanong niya sa akin. Ngumiti ako. “Ikaw `yung lab partner ko, `di ba?” “Kailan pa?” naguguluhang tanong niya. Napangiti ulit ako. Is this normal? Why do I find her so cute? “Kanina lang? Sa Chemistry class? Remember?” sabi ko. “Oh my... Sino unang nagtapat? Ako ba?” parang natataranta na naman siya. Wait. Nagtapat? Saan nanggaling `yun? Napanganga ako sa tinanong niya. “What? What confess are you talking about? Sure ka bang ako kausap mo?” tanong ko. Tinignan ko kung may tao sa likod ko baka kasi may kausap siya bukod sa akin. “Wala namang ibang tao dito,” hinawi ko `yung buhok niya sa bandang tenga. Tinignan kung may nakakabit na earphone. “Wala ka din namang headphone. Kinakausap mo sarili mo?” “Ah... Eh... Ano nga ba ulit `yun?” nahihiyang tanong niya. Umiling iling na lang ako. “Ikaw, `di ba `yung laboratory partner ko?” tanong ko ulit. “Ah,” tila naliwanagan na siya, “Ako nga. Bakit?” mahinang sabi niya. “Uhm. Excuse lang ha? Puntahan ko lang si Xel, you two can take your time,” singit naman nung babaeng kasama niya. May kasama pala siya? “Well I just thought we need to talk about our written report,” sabi ko. “Ah. Oo nga pala, wala akong dalang laptop ngayon. Paano ba `to?” hindi mapakaling sabi niya. Pumitik ako. “We can go to my condo if you want. I have my laptop there, may desktop din. We can both work para mas mabilis `yung paggawa natin,” suggestion ko. Nagkaroon ng awang sa bibig niya. “Don't worry, ako lang mag-isa sa condo ko, and malapit lang naman dito `yun. You can bring Xel and the other girl if you want,” dagdag ko pa sabay turo kila Xel. “Wait, kausapin ko lang sila ha?” paalam niya. Tumango na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD