I didn't won. Mas lamang ng 1 point sa akin si Grey. "Talaga? Wow! Hulaan ko, ikaw nanalo no? " napangiti ako ng suntukin sya ni Grey sa balikat. "Pabo! Anong akala mo magpapatalo ako sa isang batang babae?" yeah, he called me bata that time kasi kuya ang tawag ko sa kanya. I'm used to compet acads kaya medyo sanay ako na hindi lang mga ka edad ko ang pwede kong makasalamuha. And yes, natalo nya ako. Nakalimutan kong may nakaligtaan akong isang item kaya lumamang sya sa akin ng isa. Umapila pa si coach dahil ako ang nanalo sa oral kaso sa written talagang nakalimutan ko ang isang item. "Weeh? Natalo mo si Drey?" Kelan pa naging Drey ang palayaw ko? Si mama at Amber bagsakang Audrey tapos ito di ko naman kaibigan binansagan akong Drey. "Lamang po sya sa akin ng isa, sige na ku

