Chapter Twelve

2019 Words
Tamara's POV Nakaalis na si Ethan at hinihintay naman naming makauwi sila lola ngayon. Hapon na at nanonood ng cartoons ang mga bata, samantalang ako naman ay nagbabasa ng libro. Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko ang pagbusina ng sasakyan. "Stay here babies. Wag kayong lalabas, ako nalang ang sasalubong kay grandma at granpa." Bikin niya sa mga anak. "Okay mommy!" Sagot naman ng mga ito. Lumabas na siya ng bahay at nakita niya ang lolo at lola na pababa ng sasakyan. Kaagad na lumapit siya sa mga ito at nagmano. "Kamusta ang bakasyon?" Nakangiti niyang tanong sa mga ito. Tumawa naman ang dalawa bago sumagot. "Stressfree haha, you should also visit their apo. Kayo ng mga bata." Her lola said. May inabot itong malaking plastic, na sa hula niya ay mga pagkain. Tinignan niya ang laman at tama nga ang hula niya. "Mukhang masasarap ang mga ito ah." Wika niya sa mga ito. Nginitian siya ng lolo niya "Yes, that's their special delicacies" wika naman ng lolo niya. "Hmm, let's go pasok na tayo at miss na kayo ng mga bata. Pumasok na silang tatlo. Masigla namang sinalubong ng mga bata ang lolo at lola niya. Tawanan ang naririnig niya sa mga ito na nag-kukwentuhan sa sala, siya naman ay naghahanda ng meryenda nila. Pumasok ulit siya sa sala bitbit ang hinandang pagkain ng mag salita si Elijah. "We meet dad, grandma." Wika nito. "He's nice and funny." Dagdag pa ni Elijah. "But he said we should wait, kailangan daw po bago kami macomplete maayos na ang lahat." Si Ezekiel naman ang nagsalita. Pagkatapos ay tahimik na silang kumain. "Ganon ba mga apo? Do you love your daddy?" Tanong ng lola niya. Mabilis namang nagsi tanguan ang mga anak niya. "Of course lola we love daddy po." Sagot ni Ella. I just sighed. Tinignan ko naman sila lola. They just smiled at me. Ethan's POV Nasa bahay na ako ngayon at katabi si Lena na mahimbing ang tulog. Naalala ko ang pinag usapan namin ni Daddy kanina. {Flashback} I was sitting in my swivel chair in the office when I heard a knock. "Son? Are you in there?" Narinig kong tanong ni Dad. Mabilis akong tumayo para pagbuksan siya ng pinto. "Yes dad I'm here." Wika ko ng mapag buksan siya ng pinto. "Hi" Bati nito sa akin at deretsong umupo sa swivel chair. Umupo naman ako sa couch na kaharap nito. Ilang taon na din simula ng hawakan ko ang Kompanyang ang tatay ko mismo ang nagtayo at nagpalago. Right now he's happy in his retirement. Mas may oras na siya kay mommy at minsan din ay hinihiram ng mga ito si Lena. Nabalik ako sa malalim ma pag-iisip ng tumikhim si daddy. "So, what's the problem Ethan?" Tanong nito sa akin. "It's about Jane's death." Sagot niya sa ama. Nangunot ang ama niya at tinitigan siya. "Why?" Tanong ulit nito. "Dad...I think may kinalaman si Joy sa pagkamatay ni Jane." "Wait... Hindi ba't nahuli na ang nakabangga kay Jane? You mean inutusan ni Joy ang taong yon para banggain ang sasakyan ni Jane?" "No...I just found this recently, ang nakabangga kay Jane ay nakalabas na sa kulungan wala pang isang taon ng mamatay siya. Kaya pala wala manlang sila Tita noong sinabi na may hearing about sa case ni Jane, dahil malaya na ang suspect. I investigated, at nalaman ko na sila tita at tito mismo ang umatras na magsampa ng kaso. Pero hanggang doon lang din ang nalaman ko." Tinignan ko siya at seryoso lang ang mukha niyang nakikinig sa akin. "Last month walang maids sa bahay tanging si Joy at Lena lang ang alam kong tao ng araw na yon. Hindi ako nagpasabi na uuwi ako ng maaga. Ni hindi niya din nga ako narinig bumukas ng gate dahil seryoso silang nag-uusap ni tita Anne." Pagpapatuloy ko. "Nadatnan ko na nag-uusap sila sa sala, I over heard them, talking about Jane's death. Narinig ko na may nagtatangka sa buhay ni Tito Arthur at Tita Anne. Narinig ko din ang sabi ni Tita na kung hindi lang sana nag-inarte at lumandi sa iba si Jane ay hindi siya mamamatay." Nakita niya ang kilabot sa mukha ng ama pagkatapos sabihin iyon. "So.... You mean... Pati ang sariling magulang ni Jane ay may kinalaman sa pagkamatay niya. But... That's impossible alam ko kung gaano ka mahal ni Arthur si Jane." Wika ng ama niya na hindi pa rin makapaniwala sa mga sinabi niya. "I know dad. Kaya nga humihingi ako ng tulong sayo." Sabi ko sa kaniya. Mataman niya naman akong tinitigan. "Okay, kakausapin ko ang pinakamagaling na investigator natin." Huminga ito ng malalim at tumayo ito sa pagkaka-upo at lumapit sa kaniya"Don't worry son, malalaman din natin ang totoo." Wika nito at tinapik ang balikat niya. Tamara' POV Tulog na ang mga bata at ako naman ay nasa sarili ko ng silid. Naghahanda na ako sa pagtulog ng marinig ko ang katok mula sa labas ng kwarto ko. Nagsuot muna ako ng roba dahil nakasuot lang ako ng manipis na damit. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si lola. "Lola kayo po pala. May kailangan po ba kayo?" Tanong niya rito ng luwagan ang pagkakabukas ng pinto. Ngumiti lamang sa kaniya ang abuela at dere-deretsong pumasok sa silid niya. Umupo ito sa dulo ng kama niya at ngumiti sa kaniya. "Do yoy want to hear a story?" Tanong nito sa kaniya. "What story lola?" Tanong naman niya rito. "About your parents." Sagot nito sa kaniya. Buong buhay niya ay wala manlang nagkwento kung bakit nagawang lokohin ng mama at papa niya si Tita Anne. It's a mystery for her, pero dahil sa sitwasyon niya ay nalimutan niya na ang bagay na iyan. Kahit ang mama niya'y hanggang sa mamatay ito ay walang sinabi maliban nalang sa mga magulang nito. Dahan dahan siyang tumango at na upo na rin sa tabi ng lola niya. Parehong nasa 4th year high shool ang mama at papa mo, pati na si Anne. Naging magkarelasyon ang mama at papa mo noon. Lingid sa kaalaman namin iyon, dahil ng nga panahong yon ay nag-uumpisa palang lumago ang restaurant natin sa Seattle. Palagi kaming busy ng lolo mo, papasok at palabas kami lagi ng bansa at ang mama mo naman ay laging naiiwan dito sa Pilipinas dahil sa pag-aaral niya. Ang lagi niya lang kasama ay ang mga kasambahay. Yon din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit nahulog kaagad ang loob niya sa papa mo." Wika ni lola. Huminto siya sandali at muling nag-umpisang magsalita. "Sa bawat araw na lumipas ay naging masaya ang mama mo, kasama ang iyong ama Tamara." Mahinahong sabi nito sa akin. "Pero nalaman ng mama mo ang na ang lahat ng pinapakita ng papa mo sa kaniya ay hindi totoo. Hindi pala siya nito gusto at pinaglalaruan lang siya. Matalik na magkaibigan ang mama mo at si Anne noon pero nalaman din niya na may relasyon din si Anne at Arthur. Niloko siya ng mga ito. Pero hindi nag patinag ang mama mo. Sa sobrang pagmamahal niya sa ama mo, na kahit ginagawa na siyang tanga.. handa pa rin siyang tanggapin ito ulit. Pero ang tita Anne mo ay ayaw ding magpatalo, sinabi niyang buntis siya kay Arthur at sinabing hindi ito pwedeng maagaw ng iyong ina." "Ano hong ginawa ni mama pagkatapos?" Tanong niya rito. "Sumama siya sa amin sa Seattle. Then after a few years, bigla nalang siya nawala." Sagot nito. "And where did she go?" "Bumalik siya sa Pilipinas ng malaman na kasal na si Anne at Arthur. Nag-apply siya bilang isa sa mga katulong ng pamilya." "Paano ho siya natanggap, to think na ex ni papa si mama eh basta nalang siya papapasukin ni Tita Anne?" Aniya rito. "Humingi ng tulong ang yong ina sa mama ni Arthur. Malapit ang lola Anita at mama mo noon. Plinano niya ang lahat. Ginawa ng mama mo ang lahat para mapunta ulit sa kaniya si Arthur, pero ng malaman niyang nagdadalang tao siya ay nagbago ang isip niya. Sinabi niya ang totoo sa lola Anita mo. Hindi na siya pina-alis sa bahay na iyon. Kaya hindi kaagad namin siya natulungan. At ng makita namin siya ay sinabi niya sa amin na hindi siya aalis sa bahay ng mga Villorente." Malungkot na saad nito. "Kaya siguro hindi ako mahal ni papa lola kasi in the first place wala naman siyang plano na magkaroon ng isang anak na tulad ko." Mapait akong ngumiti. Malungkot akong tinignan ni lola. "Don't worry lola hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko at mga anak ko kay Ethan, I will never my mom. I promise." I know it will be unfair for my children, pero para din naman sa kanila ang ginagawa ko. Mabuti ng mabuhay kami ng tahimik at hindi nagsusumiksik sa buhay ng ama nila. Isang linggo na mula ng bumisita sa kanila si Ethan at isang linggo na din ang nakalipad na hindi ito nagpapakita sa kanila. Palagi ring nagtatanong sa kaniya ang nga bata at kung ano-ano nalang ang sinasabi niya sa mga ito para hindi na muna hanapin ang daddy nila. Naiiisip niya na nga minsan na mali ang desisiyon niyang makilala ng mga bata ang tatay nila. Pero wala na siyang magagawa ngayon, at heto hindi pa rin nagpapakita ang mokong. Naglalaro ang mga bata sa pool area habang si Tamara naman ay inaayos ang snacks ng nga bata. "Ma'am Tamara may naghahanap ho sa inyo sa labas." Tawag sa kaniya ng isa nilang katulong. "Ganon ba, osige ikaw muna ang magbantay dito sa mga bata at titignan ko kung sino iyon." Sabi niya rito at dali daling pumunta sa front gate nila. Nakita niya agad kung sino ang taong naghahanap sa kaniya. "I't couldn't be him, why would he visit me." Natatawa siya sa nakikita niya ngayon. "Well, baka may kailangan lang. She opened the gate and face the person who was standing in front of her. "Pa, why are you here?" She asked him. Habang pinagmamasdan ang ama'y napansin niyang malaki ang ibinawas na timbang nito. "Are you on a diet? Bakit ang payat payat niyo na?" Taong niya uli rito. He then smiled at her. "Can I go inside first? Tumtanda na ako Tamara mahina na ang buto buto ng papa mo HAHAHAHA!" Malakas pa itong humalkhak. Wala na siyang magawa ng ito na mismo ang kusang pumasok sa loob ng bahay. "Hmm. Your house is nice." Komento nito. "But this is big at ikaw lang mag-isa? Well except sa mga maid." "Actually po- hindi pa nga niya nasasabi ang gustong sabihin ay may mga sumisigaw na. "Mommmmyyyy!" Sabay pang tawag ng apat sa kaniya at nag unahang lumapit papunta sa kaniya. Bagong ligo na ang mga ito at nakapagbihis na rin. "Ano ba kayo, sabi ko wag mag run diba? Pano kung nadapa kayo." Sabi niya sa mga ito. Agad namang nasorry ang apat at tinignan ang kaniyang bisita na ngayon ay tulalang pinapanood ang mga bata. "Who is he mommy?" Tanong ng panganay niya. "He is- "I'm you're grandfather! Come and hug granda." Aya ng papa niya sa mga ito. Agad namang tumakbo ang mga bata sa papa niya at niyakap ang lolo nila. Mangiyak ngiyak pa ang ama niya habang yakap yakap ang mga apo nito. "I'm really old haha I have grandchildren now. I can't believe this." "Pa, theyre quadroplets po." Sabi niya rito. "Wh-what? Quadroplets? Ohmygod!" Her father must be so happy. "Lolo can you play with us po?" Tanong ng mga bata sa papa niya. "Of course, I want to play with my apo's. Mamaya nalang tayo mag-usap makikipaglaro lang ako sa kanila." Her father said to her. Dali dali namang hinila ng quadroplets ang lolo nila papunta sa playroom ng biglang tumunog ang doorbell. Siya na mismo ang nagbukas. Nagulat siya ng makita kung sino ang nag doorbell, ang taong isang linggo na nilang mag-inang hindi nakikita. "Hi." Bati nito sabay ngiti sa kaniya. "Ethan ikaw pala, pasok ka." Anyaya niya rito at niliwugan ang pagkakabukas sa gate. WARNING: PLEASE READ THE AUTHORS NOTE.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD