Ethan's POV
Tulog na ang mga bata pati na si Tamara. Bumangon ako at hinanap ang cellphone ko. Nakita ko na nakatungtong ito sa my sofa I automatically searched my dad's number and texted him.
"Dad can we meet tomorrow? It's urgent I need your help dad." I click the send button and waited for a few minutes for my father's reply.
My phone rang and the caller is my dad. Tinignan ko muna ang mag-iina ko na mahimbing ang tulog saka lumabas ng kwarto para sagutin ang tawag.
"Son what's wrong?" Tanong agad sa akin nito pagka sagot ko ng tawag niya.
"Hello dad, pwede po bang bukas ko nalang sabihin? Gabi na, dapat bukas ko nalang kayo tinext tumawag pa tuloy kayo." Sabi ko sa kaniya sa mababang tono.
Narinig ko ang malalim na pagbuntong nito.
"Ngayon ka na lang kasi uli humingi ng tulong sa akin. I'm sorry anak alam ko na hindi ka masaya sa piling ni Joy pero hindi ko manlang napigilan ang mama mo. Sabihin mo lang sa akin kung anong gusto mong gawin susuportahan kita Ethan." Emosyonal niyang sabi sa akin.
"Dad wag niyo pong sisihin ang sarili niyo. Isa pa, okay na din yon atleast mas nakakasama ko si Lena." I just said to him. Hindi pa rin nito alam ang tungkol kay Lena. I silently sighed. "Hey dad I'll hang up na. You need to rest hindi ka na bumabata." Tumawa ako ng mahina dahil sa sinabi ko.
"Tsk tsk. Oo na ako na ang hindi bumabata." Tumawa din ito at nagpaalam na din dahil baka magising si mommy.
Lumabas ako sa my veranda at nilanghap ang sariwang hangin.
"Maayos na sana ang lahat." I gently whispered habang nakatingala sa kalangitan.
*******
Tamara's POV
Ala-sais pa lang ay gising na ako. Maingat akong bumangon sa higaan para hindi sila magising. Tinignan ko naman si Ethan na nasa kabilang dulo na mahimbing din ang tulog.
Mabilis akong lumabas ng kwarto at pumasok sa sarili kong silid. Naligo at nagbihis na ako dahil magluluto pa ako ng agahan namin. Pink na my burdang rose ang t-shirt at short na hindi masyadong maiksi ang isinuot ko.
Nasa kusina na ako, at nag-uumpisang magluto ng marinig ko ang yapak ng paa pababa sa hagdan. Hinintay ko na makababa ito bago silipin. It was Ethan naka pants lang ito at walang pang itaas na damit.
Tinignan ko ang katawan nito, wala pa ring nagbago. Yummy pa din!
"Erase erase erase charot lang. May asawa na yan Tamara tsk tsk." Pagpigil sa sarili ko.
"Enjoying my body huhu?" Muntik na akong mapatalon ng marinig ko siyang nagsasalita. Ano ba kasi! Bat ka sa pandesal nakatingin!
"Hindi ah, anong akala mo pinagnanasaan kita? Who you?" Sagot ko sa kaniya. Nginisihan lang ako nito sabay sabing.
"Sino ako? Ako lang naman ang nagpapainit sayo gabi gabi Tamara. Ako din ang may-ari ng sperm cell na naging dahilan kung bakit ka nagkaroon ng quadroplets." Nagniningning pa ang mga mata nito habang nagsasalita, aba't may nalalaman pang sperm cell ang hudas. "Ngayon sabihin mo sa akin kung sino ako?" He asked. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Amoy na amoy ko din ang pabango niya dahil sa lapit ng mukha namin.
"Y-you a-are." Uutal ko pang sagot.
"Who?"
"Y-ou a-are E-ethan." Agad akong yumuko at deretsong umalis sa harapan niya. Ng makalayo ako ay nilingon ko siya ulit. Nakita ko na sapo niya ang nuo, halatang hindi makapaniwala sa naging sagot ko.
"Seriously Tamara? Yon talaga sinagot mo?" Tanong niya sa sarili sabay iling. Nagmadali na siyang bumalik sa kusina para mag luto. Hindi na niya ulit nakita si Ethan. Mabuti nga iyon at baka magpalamon nalang siya sa lupa, baka pinagtatawanan na non ang kabobohan niya.
Natapos siyang mag-luto at naayos na din niya ang hapagkainan. Inayos niya muna ang sarili bago bumalik sa kwarto ng mga bata.
Mamayang hapon uuwi ang mga kasambahay. Ang lolo at lola naman niya ay makaka-uwi na din mamaya dahil hindi naman na daw malakas ang bagyo.
Hindi niya pa nakaka-usap si Ethan sa kung anong mangyayari sa kanila. But she hope for the best, kakayanin naman niya ang lahat para sa mga anak niya.
Umakyat na siya sa itaas. Dahan dahan noyang binuksan ang pinto ng marinig ang boses ni Ethan.
Nakita niyang naka-upo ang apat na bata sa kama habang nakaharap naman si Ethan sa mga ito
"Can you wait a little longer babies?" Mahinang tanong nito sa mga anak nila. Tumango ang mga ito bilang pag sagot.
"I promise, pagkatapos ng gagawin ni daddy magiging complete na tayo. Okay?" He gently said at hinawakan isa isa ang mga ng quadroplets. It was a nice scene. Pangarap niya noong magkaroon ng kompletong pamilya, pero ngayon ay hindi manlang niya maibigay sa mga anak niya.
Hindi na niya pinatagal ang pag-uusap ng mag-aama dahil lalamig ang pagkain na hinanda niya.
"Good morning!" Masiglang bati niya sa mga ito habang nakangiti pa. Sabay sabay namang nagtatakbo ang mga ito papunta sa kaniya at niyakap siya.
"Good morning mommy!" Bati ni Elijah, Ezekiel, at Ella.
"Good morning mama!" Masiglang bati ni Ellie na pinugpog pa siya ng halik sa mukha.
Natatawang ginantihan niya din ito at pinaghahalikan. Ni hindi na niya napansin si Ethan na malapad na nakangiti.
Inutusan niya ang nga ito na maghilamos at magsipilyo. Hihintayin nalang niya ang mga ito para sabay na bumaba.
Tinignan naman niya si Ethan na nakangisi na ngayon.
"I'm Ethan huh? Tsss." Natatawa nitong wika.
"Tsk. Ano ba, nagkamali lang ako dapat ang sasabihin ko "Ama ng mga anak ko". Sabi ko sa kaniya.
Tumawa naman ito. "So why did you answer my name?" Tanong ulit nito sa kaniya. Bakit ba tanong ng tanong to para siyang prof ko noong college. Gwapo, pero palaging madaming tanong.
"Kasi a-ano m-malapit." Nauutal ko na wika at kita ko na naman ang pag ngisi nito dahil sa pautal-utal kong sagot. "K-kasi a-ano naiilang ako, ang lapit ba naman ng mukha mo sakin. Sinong hindi ma-iilang don? May asawa ka na ang landi landi mo pa din tsk." Inirapan ko ito tsaka dumeretso sa banyo para tignan ang mga bata.
Ethan's POV
Tapos na kaming kumain at nag huhugas na ng mga plato si Tamara. Nakikipaglaro ako ngayon sa mga bata sa sala. Excited na din akong makita nila si Lena, siguro ay mas makakabuti din iyon kay Lena para matuto na din itonv magsalita katulad ng mga kapatid. Magkakaroon na din si Lena ng kalaro.
He smiled at the thought of Lena and the quadroplets kasama siya at si Tamara
"One big happy family." He said and looked at his children. He smiled at them. "Someday." He whispered.