Natigil sa paglalakad si Tamara ng mg ring ang cellphone nya agad naman nitong kinuha at tinignan kung sino ang tumawag. It's Ethan.
Pinindot nya ang answer.
"Hello"
"Hi sweetheart, where are you?", Tanong nito.
Wait tinawag niya akong sweetheart, inilayo niya ang cellphone tsaka mabilis na tumawa dahil sa kilig.
"Ah nandito sa mall, bakit?"
"Okay hintayin mo ako dyan let's watch a movie together." Sabi nito.
"Ha?", Hindi siya makapaniwala bakit naman naisipan ng lalaki na manood ng sine? Napapansin niya na kakaiba na ang kikilos ng lalaki. Kung saan malapit na silang maghihiwalay, bakeettt ngayon paaaa.
"Anong Ha? Bakit ayaw mo bang makasama ako? Hindi mo ba ako namimiss? O baka my kabit ka?", Tumaas bigla ang tono nito sa huling sinabi.
"Anong kabit hoy lalaki tumigil tigil ka diyan ha! Pano ako magkakaroon ng kabit busy ako sa trabaho! Wala na nga ako minsang time para magpaganda huhu. Buti ka pa nga nakakapag out of the country ako bahay opisina lang! Singhal niya dito.
"Tss. Oo na sorry na, hintayin mo ako diyan ha", That's the last thing he said pagkatapos ibaba ang tawag.
Ilang minuto lang siyang naghintay ay nakira nita din agad si Ethan. Kinawayan niya ito at nakita naman siya agad.
Pagkalapit sa kanya ni Ethan ay niyakap siya nito na ikinabigla nya.
"Ethan baka may makakita satin", saway nya dito. Ang totoo ay simula nang makabalik ito galing sa Italy ay nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya naging sweet ito at idagdag pa ang pag- aya nito na manood ng sine ngayon.
"Don't worry hindi nila ako makikilala", Sinuot nito ang cap at shades.
"Naks handang-handa ah",asar nya dito.
"Ofcourse", sabay kindat nito sa kanya na ginantihan nya ng pag-irap.
Sya ang bumili ng ticket napagkasunduan nilang manood ng The House of Us syempre sya ang nag suggest non kaya excited sya at ngumingiti pa habang nakapila. Si Ethan naman bumili ng popcorn.
Nasa loob na sila ng sinehan nasa bandang gitna sila sa likod at kaunti lang din ang naroon. Nag-uumpisa na ang palabas hindi nya maiwasang kiligin at maiyak. Hay kami kaya ni Ethan magkakaroon ng matinong lovestory? Napailing nalang sya sa naisip. Next week hiwalay na kayo hindi mo na sya asawa kaya lubuslubusin mo na.
Pagkatapos nilang manood ay umuwi na sila ayaw nyang kumain sa labas at sa bahay nalang sya magluluto. Pinapanood lang sya ni Ethan ng paborito nitong adobong manok.
Matapos nilang kumain ay nasa sala silang dalawa ni Ethan habang nanood ng TV pero hindi ata nanood itong katabi nya dahil nag-uumpisa na naman maglakbay ang mga kamay nito sa katawang nya na nagdudulot ng kakaibang init sa katawan nya. At natapos nga ang araw nila na iyon sa mainit na tagpo.
Lunes na ngayon at nasa harap sya ng building nila tinitingala ang naka ukit na pangalan sa itaas na Soliana Group of Company. Hindi nya maiwasang malungkot dahil bukas hindi na sya papasok dito . Napagplanohan nya na din kung saan sya pupunta pagkaperma sa annulnment. Tanggap nya na ang kapalaran nya. Pagkatapos may mangyari sa kanila ni Ethan ay may tumawag dito akala siguro nito ay tulog sya kaya hindi na ito umalis sa kwarto nang sagutin nito ang tawag ay agad nyang narinig ang sabi ng nasa kabilang linya ang abno naka loudspeak pala kaya rinig na rinig nya ang pag "hi babe, miss me?". Pagkarinig non ay natulog nalang sya ayaw nyang mas masaktan pa mabuti nga at pagod na pagod sya noon kaya agad din syang nakatulog.
Pagkapasok nya sa building ay agad syang binati nang guard.
"Good morning Maam Tamara", Bati ni Manong Ben isa sa mga naging kaclose nyang security guard sa opisina.
"Good morning din ho", ganting bati nya dito at sinuklian pa ng ngiti.
May mga nakakasalubang syang officemates nya na nginingitian sya meron namang iba na pinagtataasan sya ng kilay. Sanay na sya doon, kaya okay lang sa kanya.
Pagkarating nya sa kanyang cubicle ay nag-ayos sya at ginawa ang lahat ng trabaho last day nya na ngayon at kailangan nyang tapusin ang dapat matapos. Walang nakakaalam na magreresign na sya. Meron syang mga naging kaclose sa opisina pero hindi ganoon kaclose para ikwento ang buhay nya. Nagsidatingan na din ang mga ibang ka officemates nya.
Busy sya sa pagtitipa sa keyboard nang biglang tumunog ang cellphone nya. It was a message from her hilaw na mother-inlaw. Iniimbitahan sya nito magdinner sa mansion ng mga Soliana mamayang gabi.
Nasa harap ni Tamara ngayon ang malaking bahay ng mga Soliana. Mula nang maikasal sila ni Ethan ay pangalawa palang itong pagpunta nya dito ang unang pagpasok nya dito ay noong birthday-party ng mommy nito ma si Madame Cassie.
At dahil mag kaibigan ang mga parents nila at kilala din ang pamilya nya ay imbitado sila. Ofcourse it was a grand party halos lahat ng kilalang tao sa bansa ay nandoon. Feeling nya pa nga noon ay hindi sya bagay roon. Alam nya kung saan sya dapat pero sinabihan sya ng daddy niya na sumama para naman daw may maitulong sya sa kompanya nito. Pero noong nasa party na ay hindi man lang sya pinakilala sa mga kakilala.
Hindi nya alam kung anong meron at pinapapunta sya ni Madame Cassie sa bahal nila. Pakiramdam nya ay may hindi magandang mangyayari pagpasok palang nya sa gate ng mansiyon na ito. Nag-umpisa na syang maglakad papunta sa entrance ng bahay malayo layo pa ang lalakarin nya dahil bumaba sya ng sasakyan gusto nyang maglakad para makalanghap ng sariwang hangin. May mga iba't- ibang puno ang nakapaligid meron ding garden si Madame Cassie na my iba't-ibang klaseng tanim ang nakalagay. Habang naglalakada sya ay nag-iisip sya sa kung anong dahilan ng pagpapapunta nito sa kanya. Ni minsan ay hindi sya nito pinansin lalo na ng maikasal sila ni Ethan. Baka gusto nitong siguraduhin na mag papa-annul sila ni Ethan.
Nasa harap na siya ng pinto ng may marinig na mga taong nag-uusap.Dahan dahan niyang binuksan ng kaunti ang pinto para silipin kung sino ang naroon at nagulat siya ng makina ang papa at stepmother niya na katabi si Joy.
"Anong gusto mong sabihin sabihin iha? Inimbitahan ko si Tamara kung pwede namang hintayin na lamang natin siya." Narinig niya mula kay Madame Cassie.
Tinignan niya kung sino pa ang naroon sa malaking sala, nakita niya si Ethan at ang papa nito na katabi din si Madame Cassie magkaharap ang dalawang pamilya.
"Uhm tita ang totoo po kasi niyan pumunta po akong Italy, tapos nakita ko po si Ethan niyaya ko po siyang mag bar. Nagising nalang ako noon na wala ng damit katabi si Ethan na ganoon din ang ayos. I'm sorry tita hindi ko po sinasadya", si joy ang nagsalita na ngayon ay umiiyak na parang nanlambot ang mga tuhod ni Tamara dahil sa narinig. Oo alam niyang hindi naman siya mahal ni Ethan pero kasal pa din sila! Kaya siguro nag-iba ang pakikitungo nito sa kaniya.
Nag-uumpisa ng tumulo ang kaniyang mga luha ng marinig ulit ang boses ni Joy.
"Buntis po ako tita" Joy said while sobbing. "I'm sorry tita, tito alam kung kasal sila ni Tamara at Ethan pero mag papa-annul nasila hindi ba?"
"At anong gusto mo? Na magpapakasal ako sayo? No way! Ikaw ang may kasalanan nito Joy nilasing mo ako!" Sa wakas ay nagsalita si Ethan halatang galit na galit na ito. "Damn you Joy! Sinisira mo ang buhay ko!" Sigaw nito na ikinagulat ng lahat.
"Anak calm down pag-usapan natin to ng maayos makakasama kay Joy buntis siya at bawala ang stress sa buntis." Narinig niyang sabi ni Madame Cassie.
Iyak lang ng iyak si Tamara sa labas ng bahay hindi niya na nga namalayan na umuulan na pala.
"I don't want to get married to this b***h mom dad. Pananagutan ko ho ang bata pero hindi ang ina. Ang that's final." Pagkatapos marinig na magsalita si Ethan at ng wala na siyang marinig na nagsasalita ay tumalikod na siya wala na siyang lakas para manlang magbukas pa ng pinto sa bahay ng mga ito siguro'y masaya na ngayon ang parents ni Ethan dahil magkaka apo na ang mga ito.
Patuloy lang siya sa pag-iyak habang naglalakad palabas ng gate ng mga ito at hindi alintana ang malakas na ulan.
Pagkarating ni Tamara sa kanyang apartment ay mas lalo pa siyang umiyak nakasalampak sa sahig sa sala at maraming tissue na nagkalat. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon at hindi niya alam ang gagawin. Wala siyang taong malapitan manlang, at mas nasasaktan siya dahil ang taong akala niyang pwedeng malapitan ay siya pang nangloko.
Nakatulog si Tamara sa kaniyang pag-iyak bumangon siya at nagtungo sa bintana.
"Umaga na pala", sambit niya.
Tinignan niya ang cellphone at ni walang missed call mula kay Ethan tanging sa mama lang nito. Siguro ay nagtaka kung bakit hindi siya nakapunta.
Bahala na wala na siyang pakialam. She love Ethan so much but she's hurt at tama lang na maghiwalay na sila dahil magkakaanak na sila ni Joy. Lalakasan niya ang loob para sa sarili. Magpaplano nalang siya ng kaniyang gagawin kapag tapos niya ng pirmahan ang annulnment papers.