Tamara's POV
Maaga akong nagising kinabukasan nag-aya kasi ang mga bata na pumunta sa mall. Saktong pagbangon ko mula sa higaan ay narinig ko ang katok sa labas ng kwarto ko.
"Mommy are you awake na po?", si Ella ata iyo dahil sa matinis ang boses nito.
"Mom, its me Elijah can we open the door?", Tanong naman sa akin ng panganay ko.
"I'm awake now babies, pasok kayo.", sabi ko naman sa kanila.
Agad naman nilang binuksan ang pinto at nag unahang makapasok sabay takbo papalapit sa akin. Niyakap nila ako at hinagkan sa pisngi. Pagkatapos ay ako naman ang humalik sa kanila.
"Good morning mommy!", sabay din nilang bati sa akin.
"Good morning din, did you all sleep well?", tanong ko habang tinitignan ang mga mata nilang katulad na katulad ng sa ama nila.
"Yes mommy masarap po sleep ko", sagot sa akin ni Ella.
"That's good baby", sagot ko sa kaniya at hinaplos ang pisngi. "E ang bunso ko kamusta naman?"
"Me too mommy I did sleep well last night because you promise that we will go to the mall mommy!!", masiglang sabi niya na tinawanan ko. Tinignan ko ang tatlo at nakangiti din sila sa akin halatang excited na din dahil maaga pa sila ngayon gumising.
"Yes baby, pupunta tayo sa mall, pero kailangan muna natin mag breakfast tapos pupunta muna si mommy sa Restaurant okay? Susunduin ko kayo dito kaya be ready wag mag pasaway kay yaya at lola", bilin ko sa kanila.
"Ok mommy!", sagot nila at nagtatatalon pa sa tuwa.
"Mommy's gonna take a shower muna. Lets go ihahatid ko muna kayo sa baba.", Inakay ko sila pababa para makakakain na at umakyat din kaagad ako para makapagpalit.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na din ako para makapag-agahan. Dumeretso na din ako sa Restaurant pagkatapos kumain para mas mahaba ang oras namin mamasyal mamaya.
Pagkarating sa Restaurant ay agad akong pumasok binati naman ako ng security guard na ginantihan ko din naman ng may kasamang tipid na ngiti.
Pagkapasok ko ay nakita ko si Janice na nag-pupunas ng lamesa. Hindi niya pa ata ako na pansin na dumating.
"Good morning Janice!!", masiglang bati ko sa kaniya. Nagulat siya dahil sinadta ko talagang gulatin siya, malamang hahahaha.
"Naku maam Tamara ang galing niyo talaga mang- gulat ano?", nangingiti niyang saad sa akin.
"Hahahaha, pasensiya na hahahahaha ang saya mo kasing gulatin nakakatuwa yang mukha mo kapag nagugulat.", sabi ko sa kaniya habang tumatawa. Nagsitawanan na din ang ibang empleyado kahit hindi kami maintindihan tuwang tuwa din naman kasi sila mukha ni Janice kapag nagugulat ito.
"Aatakihin talaga ako sa puso niyan dahil sa inyo eh", nakanguso niyang sabi na tinawanan ko lang.
"Anyways, kamusta madami na bang costumers?", pag iiba ko sa usapan.
"Madami na po maam", pagsalita niya habang kinukuha ang ibang plato sa kabilang lamesa
"Mamamasyal kami ng mga bata, ikaw na muna dito ang bahala ha."
"Okay maam no problem, mag-enjoy ho kayo wag puro trabaho ang isipin.", sabi niya sa akin na ikinangiti ko. Janice has been my Bestfriend too sa nakalipas na mga taon, lagi ko siyang nasasabihan ng problema ko at palagi din naman siyang nakikinig sa akin. Alam niya din ang tungkol sa mga anak ko palagi din naman kasi siyang bumibisita sa bahay ngayong linggo lang siya hindi na kapunta dahil kagagaling niya lang sa sakit. Sinabihan ko nga na huwag na munag pumasok pero makulit talaga siya. At nakikita ko naman sa mga nakalipas na araw magaling na talaga siya. Alam niya din ang tungkol kay Ethan. Janice is like a sister to me at ganon din siya sa akin.
"Osige, aalis na ako ha dumaan lang talaga ako para e check kayo dito. Bye Janice pasalubungan nalang kita okieeee ingat kayo dito.", paalam ko sa kaniya.
"Bye, ingat!!", masigla niyang paalam sa akin.
Nang makarating ako sa bahay ay naka bihis na ang mga anak ko. Pinasakay ko na sila sa sasakyan kasama ang mga yaya nila. Meron kaming driver na siyang magdadrive samin ngayon. Nang makasakay na din ako ay agad din kaming umalis.
"Excited na ang mga babies ko ah", tumawa naman ang mga yaya nila dahil sa sinabi ko.
"Naku maam Tamara habang pinapaliguan at binibihisan ay kung ano ano ng sinasabi hahahahaha excited talaga silang lumabas e nong isang araw lang last nilang gala.", Si Manang Berta Pilipino din siya at matagal tagal na ding naninilbihan sa pamilya namin.
"Ganon ba manang? Hahahaha Babies anong gusto niyong ipabili?", tanong ko sa kanila. Tahimik lang kasi sila simula ng makaalis kami sa bahay.
"We want new Dinosaur mommy", sagot ni Elijah mahilig kasi sila ni Ezekiel sa Dinosaurs.
"Ang dami niyo ng dinosaurs ah, but its okay bibilhan ko kayo ng maraming marami pang dinosaurs hmmm", sabi ko sa kanila.
"Yehey!!!", sigaw nila at nag umpisa ng mag-ingay ang dalawang anak kong lalaki dahil sa sobrang tuwa.
"How about my Princesses? What do you want?", tanong ko naman sa dalawang anak kong babae.
"I want a new story book mommy", sabi sa akin ni Ella na nag puppy eyes pa. Mahilig siyang magbasa ng story books na siyang na mana niya sa akin. Mahilig din kasi ako noong bata pa ako sa story books.
"I want barbie mommy", nagsalita naman ang bunso ko habang nagpapacite din sa akin. Pinisil ko naman ang pisngi nito dahil magkatabi lang din kami ng upuan.
"Okay bibilhin natin lahat ng gusto niyo", I said to them while smiling. Minsan ko lang naman sila binibilhan ng mga gusto nila. I dont spoiled them much dahil spoiled na din sila sa Grandparents ko but sometimes hindi mo talaga mapigilang ibigay din ang gusto nila.
Nakarating na kami sa mall at excited silang lumabas ng sasakyan. Pagkapasok palang namin sa loob ay nagsitakbuhan na kaagad sila natawa nalabg ako ng bigla din silang nagsitakbuhan pabalik sa amin. Hindi pa siguro sila nakakalayo kaya mabilis din nila kaming nahanap.
"Sorry mommy we run po", Elijah said to me while pouting.
"Sorry po mommy", sabi din ng tatlo.
"It's okay mga anak pero wag na kayong mag run ha, baka mawala kayo." Sabi ko nalang. Sa kanila. Pinahawakan ko ang mga kamay nila kay Manang Berta at sa iba pa nilang yaya ako naman ang kumarga kay Ellie.
Madami silang pinabili sa akin at kung ano ano pang ginawa namin sa mall doon na din kami nag lunch at dinner. It was fun and satisfying everytime Im spending my time with them nakakawala ng pagod kapag nakikita ko silang masaya at nag-eenjoy. They are my life and I'm thankful that God gave them to me pangarap ko lang noon ay magka anak na tatanggapin ko kahit lalaki man o babae, but look how blessed I am. I have two boys and two girks who look exactly like me and their dad.
Nang nasa byahe na kami pauwi ay nakatulog silang apat, nagising lang sila ng makarating kami sa bahay agad ko naman sila pinunasan isa-isa at binihisan. Paminsan-minsan ay ginagawa ko itong mag-isa na mag asikaso sa kanila dahil alam ko namang pagod na din ang mga yaya nito hindi din naman sila nag papasaway. Nang dahil siguro sa pagod ay nakatulog agad sila.
Tinignan ko ang mga anak kong payapang natutulog. Aayusin ko na din ang mga papeles namin para maka uwi agad kami sa Pilipinas gagawin ko na ang matagal na nilang pinapangarap mangyari ang makita at makasama ang Ama nila.