3rd "Ikaw ang taya!" Tuwang-tuwang hiyaw ng isang batang babae na nasa siyam na taong gulang ang edad. Nakasuot siya ng pulang bestida at nakayapak lamang. "Panalo ako, kaya taya ka Jasmine!" Napatalon pa ito sabay palakpak ng kanyang mga palad. Sumimangot naman ang isang batang babae na nasa tatlong taong gulang naman. Nakasuot naman ito ng dilaw din na bestida at nakayapak din ito. Lumabi pa ito na parang asar na asar dahil natalo siya sa bato-bato-pick. Humagikgik naman ang ate niya na parang tuwang-tuwa na asarin ang kanyang nakababatang kapatid. "Ang daya mo, Ate! Gunting sa akin, papel ang sa iyo!" Maktol ng bata. Tumawa lang ang kanyang ate sabay sabing, "basta ikaw ang taya Maria Jasmine! Kapag nahanap mo ako, dalawang beses akong magiging taya." Tumawa na naman ito na til

