Jasmine "Magandang tanghali po, Nana Marta. Si Sky po?" pambungad na tanong ko sa mayordoma nang bumaba ako para mananghalian. Tinanghali na naman ako ng gising at hindi ko na siya naabutan pa. Tanghali na ako nagising dahil madaling-araw na naman kami natapos ni Sky sa love-making namin. Sa dami ng mga posisyon na itinituro niya gabi-gabi sa akin ay talagang inaabot na kami ng madaling-araw sa pagtulog. Napapangiti na lang ako nang palihim kapag inaalala ko ang mga pangalan ng posisyong nagawa namin. Ayoko man ikabisado, naiiwan naman ito ng kusa sa utak ko. Helicopter, horse-riding, canoodling, spoon, lap dance, fox style at kung anu-ano pa na hindi ko masyado natandaan ang pangalan. One-hundred positions lahat ang mga position na alam niya. Ang pinakapaborito ko sa lahat ay iyong 'th

